Flirt.


Bakit kailangan niya makipag-subuan sa Miggy na 'yon? Sila na ba? May something ba sila? Tss. Ang sagwa kaya tignan. Di ba siya nandidiri?



Tinitignan ko siya habang nagk-klase kami. Hindi siya nagno-notes dahil nga may bandage pa yung right hand niya. Tss. Bahala siya! Buti nga sakanya!



Nang mag lunch time ay may nagpadala nanaman sakanya ng lunchbox. Malaki ang ngiti niya habang binabasa ang note. Tss. Kagigil! Akala ko ba gusto niya ako? Bakit pa siya kinikilig sa iba?



Lumapit ako sakanya, i grabbed her wrist at kinuha yung lunchbox na binigay sakanya and I read the note.


Ang magandang katulad mo ay hindi ginugutom. Here's your lunch, my princess :)

-R.E



TSS. Tinapon ko agad yung lunchbox at hinila palabas ng room si Porsche. Princess???? Tss.




"Teka, Callixte! Bakit mo naman tinapon yung lunchbox? Kakainin ko pa yun! Uyyy!" Pilit niyang binabawi yung kamay niya kaya pinakawalan ko iyon at hinarap siya.



"Maglu-lunch tayo! Pag-usapan natin yung house model!" At inunahan ko na siyang maglakad. Madami ang nakatingin sa amin. Tss! Oh ano?



Paano, ang dalawang crush ng bayan ay magkasama. Tss. Di ako nagmamayabang! Madami talagang nagkakagusto sakin! I mean.. Halos lahat pala ng girls dito. Okay ang yabang ko na kahit pawang katotohanan lang naman yun.



Dinala ko siya sa isang filipino restaurant since 3 hours naman ang break namin.



"Umorder ka, libre 'ko." I said.



Naka-busangot yung mukha niya. Nakasimangot at naka-pout... Tss. Nagpapacute ba siya? Hindi bagay! Pwe! Hindi cute tignan!



Umorder lang siya ng simpleng chicken inasal at rice. Hanggang ngayon ay nakabusangot padin siya at hindi ako pinapansin.



"Akala ko ba ako ang gusto mo? Bakit ka pa tumatanggap  ng mga ganon sa mga secret admirer mo?" Shit! Bakit ko ba sinabi yun?! Baka isipin niya na nagseselos ako? Tss. No way. Kadiri.




"Masama ba? Nagmamagandang loob lang naman sila." She said and pouted again. Geez! Stop trying to be cute! Tss. "Bakit ka ba nagagalit d'yan.." And nag-iwas ng tingin sakin. ABA SYEMPRE... Bakit nga ba? Tssssss.




"At nakikipag-subuan ka pa kanina kay Miggy? Ang sagwa kaya. Tss." Inirapan ko siya. Di ko alam pero badtrip na badtrip na naman ako sa kanya.



"Napilitan lang ako. And, nagmamagandang loob lang naman si Miggy dahil nahihirapan—"



"Nagmamagandang loob? Bullshit."



"Bakit ka ba galit nanaman sakin? Ano nanaman ba ang ginawa 'ko?" Malungkot na tanong niya. "Ako nga dapat ang galit sayo kasi tinapon mo yung lunch box."



Oo nga naman! Bakit nga ba ako nagagalit? Para din akong tanga e. Tss.




"Lagi naman akong badtrip sa'yo kaya 'wag ka ng magtaka."




Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon