"Mommy at Daddy ko.  Nasa ibang bansa sila.  Gusto nilang pumunta ako dun."  Napakunot ang noo ni Anthea, hindi maintindihan ang sinasabi ni Jordan.

"Mga magulang ko.  Sila ang kausap ko kanina."  Di makapaniwala si Thea sa narinig.  Lumapit siya kay Jordan at tinignan ang bagay na hawak nito. Isang parihabang bagay na  itim panlabas at may itim na salamin sa harapan.  Tinignan niya si Jordan at ibinalik ang tingin sa mahiwagang bagay.

"Maari mong makausap ang kapamilya mo gamit ang bagay na iyan?"  Namamangha pa din si Anthea.

"Pwede basta may Internet  Ipad ang tawag dito.  Teka, may naalala ka na?  Naalala mo na ang pamilya mo--mga magulang mo?"

"H-Hindi nawala ang memorya ko.  Paumanhin, maari ko bang  makausap ang papa ko o ang mama?  Nais kong malaman kung ano na ang lagay nila."

"P...wede.  A-Ano ba ang pangalan nila?  Alam mo ang skype name nila?"  Nakita niyang nacoconfuse na naman si Thea.  Pinaupo niya si Thea sa tabi niya.  Pinakita niya kay Thea ang Ipad niya--ipinaliwang ang paggamit dito.  Sinabi niyang maari mong makausap ang mga taong malayo sa’yo--kahit nasa ibang bansa sila.  Pinaliwanag niyang hindi pwedeng makausap ang mga taong patay gamit ang Ipad.  Ang mga buhay na tao lang at may skype id gaya ng parents niya.

“Lingid sa aking kaalaman ang mga bagay na naimbento matapos ang panahon namin.  Nakakamangha.”  Natutuwang sabi ni Anthea.  Tiningnan siyang mabuti ni Jordan.

“S-So, hindi ka nawalan ng memorya?  Sino ka ba talaga at sino ang pamilya mo?”

Huminga ng malalim si Anthea.  “Ako si Anthea Beatrice Olondrez.  Galing ako sa taong Mil Ocho cientos cinkwenta’y uno.  Ang aming tahanan ay nasa Maynila--sa Calle Inviernes.”  Familiar si Jordan sa last name ni Anthea.  Hindi niya malaman kung saan niya narinig pangalang yun.

“Medyo familiar ang last name mo, pero hindi ko matandaan.  Well, paano ka napunta dito?  Ano ang koneksyon natin?”

“Wala akong kasagutan sa mga tanong na yaan.  Ngunit papaano ka nakalikha ng esculturang kawangis ko?  Nakita ko yoon sa sala mo--pagpunta ko sa kasalukuyan.  Kasama na rin ang Fide et Amor na natagpuan ko sa iyong silid.  Maaring ang mga bagay na iyon ang dahilan ng pagtatagpo natin.”

“Teka, anong Fide et Amor?”

“Yun ang obra maestra ko na natagpuan ko sa kwarto mo.”  Nagtataka si Jordan sa mga sinasabi ni Anthea.

“Ano?”

“Kanina, nakita ko sa kwarto mo ang pininta ko, ang Fide et Amor.  Larawan ng isang babaing nakasuot ng kwintas at hawak-hawak ang colgante nito.”  Kumunot ang noo ni Jordan.  “Isang palawit sa kwintas.” Paliwang ni Anthea.

“Ah, pendant.  Teka--ah, yung F. Amor?  Ikaw ang nagpaint nun?”  

“Oo.”

“Ano ang F. Amor?  Ano ang ibig sabihin nun?”

“Ang fide et Amor ay salitang latin na ang ibig sabihin ay pananampalataya at wagas na pagpapamahal.”

“Talaga?  Amazing.  Hindi ko matandaan ang sinabi nung pinagbilhan namin nun eh.  Pero sobrang nagandahan ako, hindi ko nabitawan.  Now that explains the connection, you were telling me about.  Ang galing, pinahanga mo ako as an artist.”  Namula si Thea dahil si Jordan lang ang kauna-unahang lalaking humanga sa mga ipininta niya.

“Salamat.”  Ngumiti siya ng bahagya kay Jordan.  Nang makita ni Jordan ang ngiti niya, naalala niya ang babaing laging nasa panaginip niya.  It was Anthea.

“Ikaw yun.”  Tinitigan niya si Anthea.  “A-ano?”  Napatitig si Thea sa mga mata niya.  Hinawakan niya ang kamay ni Thea.

“Ikaw ang babaing nasa panaginip ko.  Mula nung bilin ko ang painting, lagi ka nang nasa panaginip ko.”  Nakatitig siya sa mga mata ni Anthea at ganun din ito sa kanya.  He wants to kiss her--inalis ni Anthea ang kanyang tingin.  Ramdam niya ang labis na pamumula ng mukha at pagkabog ng dibdib niya.

“Sana Jordan, matulungan mo akong makabalik sa nakaraan.” Matapos bumuntong hininga, inilihis niya ang tingin niya kay Jordan.

“Oo.  Sige.”  Binuksan ni Jordan ang Ipad niya.  “Ito muna ang gamitin natin para mahanap ang pamilya mo.  Olondrez ang last name mo, di ba?”  Pagsearch niya, unang nagpull up ang pangalang Juan Antonio Olondrez.

“Juan Antonio Olondrez...” Binasa ni Jordan ang nakalagay sa screen niya.

“Siya ang papa ko!”  Pinakita niya ang page kay Anthea pero hindi nito maintindihan ang mga nakasulat dahil nakasulat ito sa Ingles.

“Maari mo bang basahin at isalin ang mga nakasulat?”

“Antonio Olondrez, a philanthropist and the founder of Casa Olondrez.  In 1826, he established Casa Olondrez with a  partner, Domingo Prieto, to engage in sugar coffee, cotton and indigo cultivation.  They also manufacture liquors, castings and gun powders.  It was a propitious time as the Philippines had just been opened up to foreign trade...”  Pinagpatuloy niya ang pagbabasa at sinalin niya naman ito para kay Anthea. Nagagalak si Anthea dahil kinikilala sa kasaysayan ang ama niya bilang isang pilantropo.  Kasama na rin ang mga naiambag nito sa kasaysayan ng Pilipinas.

“Don Antonio was incarcerated three times.”  Tinuloy ni Jordan ang pagbabasa.  Napatingin siya kay Anthea.  “Nakulong ang papa mo?” Binalikan niya muli ang page at pinagpatuloy ang pagbabasa.

“The Spanish authorities suspected that he was a sympathizer of the Filipino cause and had not only published anti-Spanish tracts, but supported rebellions.”  Napatingin ulit siya kay Anthea at nakikita na niya itong lumuluha.  Hinawakan niya ang kamay nito at binigyan ng panyo.

“Minahal ng papa ang Pilipinas ngunit mahal din niya ang Espanya.  Gusto lamang ng papa na ang maging maayos na ang pagtrato ng mga Espanyol sa mga Pilipino.  Indio ang turing nila sa mga katutubong Pilipino.  Sabi ng papa, matatalino, magagaling at hindi mangmang ang mga Pilipino, taliwas sa mga iniisip ng mga Espanyol.” Napayuko si Anthea at pinunasan ang luha niya.

“Siya ba ang dahilan ng pagpunta mo sa panahon namin?  Gusto mo siyang mapalaya?”  Umiling lang si Anthea.  “Hindi.”

“Bakit ka napunta dito?”

“Hindi ko alam kung papaano.  Noong panahong yun, nais kong makatakas.”

“Saan?”

“Sa aking kasal…”  Napatingin lang si Jordan sa kanya.

Fide et Amor [TimeTravel Romance] hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon