APTR - 1

4K 120 12
                                    


"Mukhang nagiging suki na kita dito sa Disciplinary Office Ms. Valdez." taas-kilay na salubong ni Mam Katuturan na busy sa pagpirma ng gabundok na papers sa mesa niya.

"Oo nga po Mam, pang-tatlong beses na'to ngayong buwan." nakangisi kong turan saka naupo sa harapan niya, nagawa ko pang itaas ang dalawang kong paa sa upuang nasa aking tapat. "Nagsasawa na nga po ako sa pagmumukha niyo." mahina ko pang dugtong.


Pinalo naman nito ang mga binti ko gamit ang stick na lagi niyang dala-dala.


"Umayos ka ng upo Ms. Valdez." inaayos ang salamin na pahayag nito. "Para kang hindi babae." ismid pa nito.

"Ang judgemental niyo naman Mam, nagtaas lang ng paa hindi na agad babae?" hirit ko. "Mam, Gender identity is defined as a personal conception of oneself as male or female (or rarely, both or neither). This concept is intimately related to the concept of gender role, which is defined as the outward manifestations of personality that reflect the gender identity. Gender identity, in nearly all instances, is self-identified, as a result of a combination of inherent and extrinsic or environmental factors; gender role, on the other hand, is manifested within society by observable factors such as behavior and appearance. For example, if a person considers himself a male and is most comfortable referring to his personal gender in masculine terms, then his gender identity is male. However, his gender role is male only if he demonstrates typically male characteristics in behavior, dress, and/or mannerisms." sunod-sunod kong saad, I sighed before I asked. "Gets niyo Mam? Ang alam ko babae ako since birth, may female reproductive system din ako. Kaya wag po kayong ano diyan, babae po ako kahit ilang beses ko pang itaas ang mga paa ko while sitting!"


Napakurap ito bago ilang beses na pinalo ang table sa harap niya.


"Hindi ang pagiging babae mo ang issue dito Ms. Valdez." nakahawak sa sintidong saad nito. "Gumawa ka na naman ng kalokohan at kahit ano pang sabihin mo.. hindi ko makakalimutang bigyan ka ng kaparusahan!" matalim nitong tugon. "Last time, tinanggal mo ang turnilyo ng upuan ng kaklase mo.. kaya ng umupo ito diretso agad ng clinic. Nagawa mo na ring lagyan ng ipis ang bag ng Senior mo na nagkataong may Katsaridaphobia." saglit itong huminto. "Tapos ngayon, ang teacher mo naman ang napili mong pagtripan." Iiling-iling na turan nito.


Napanguso ako. Hindi ako nainform, throwback Thursday pala ang peg ni Mam.


"I didn't hurt her though." I reasoned out. "Masyado lang boring 'yung klase niya. She's just reading our books. For crying out loud, lahat naman kami marunong magbasa. Dapat nga---"

"Stop." wika nito while tapping her stick. "Stop your nonsense reasoning Ms. Valdez."

"Hindi nama---"


Malakas nitong pinalo ang table na naging dahilan ng paglipad ng ilang papers na nakalagay dito. Asa siya, hindi ko pupulutin ang mga yan.


"Just fill this up!" mataas na ang boses na utos nito while handing me a form. Pang-ilang beses ko na bang nasulat ang pangalan ko sa ganitong form. Dapat kasi pinapa-photocopy niya na lang para hindi na ako nahihirapan. "Bakit kasi hindi akma ang katalinuhan mo sa ugali mo." bubulong-bulong pang pahabol nito.


"Bakit din kasi hindi akma ang wig na suot mo sa hilatsa ng mukha mo?!" I whispered.

"What is it Ms. Valdez?"

"Wala Mam, sabi ko po bakit gumaganda kayo ngayon?"


Sinamaan lang ako nito ng tingin at muling hinarap ang ginagawa kanina. Great, aminado siyang hindi siya maganda.


--


"Hoy Florentine!" marahas akong lumingon sa kanya at sinalubong ito ng batok. "Para saan 'yun?!"

"Bakit kasi ang ingay mo, kita mong nag-iingat nga ako dito." angil ko at saka naglakad sa office na pakay ko.


Sumunod naman sa'kin ang lalaking ito.


"Ano bang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong nito habang panatag na naglalakad sa likod ko. "Balita ko pinatawag ka na naman sa D.O., ano na namang kasalanan mo?"

"Sa tingin mo umalis na ang mga teachers?" I asked him saka nagpalinga-linga.

"Oo." he answered. "Alas-sais na kaya. Hindi pa ba tayo uuwi? Tara na, sasabay ako sa sundo mo."

"Saglit, may kailangan lang akong gawin." sagot ko saka inilabas ang hairpin na baon ko. "May kailangan lang akong gantihan."


Bago pa siya makasagot ay tumakbo na ako papunta sa D.O. na pinanggalingan ko kanina. Kaagad akong humarap sa saradong pinto nito at sinubukang buksan gamit ang hairpin.


"T-teka.. kailan ka pa natuto niyan?"


I just shrugged at napangiti when I heard a click sound. Kaagad kong binuksan ang pinto at dumiretso sa table ni Mam Katuturan. Kaagad ko namang nakita ang pakay. Her stick.


"H-hoy Florentine, wag mo akong idadamay sa kalokohan mo. Kapag nahuli tayo, labas ako dito. Wag mo akong ilalaglag." nababahalang pahayag ni Kevin Garnett na pumuwesto sa may pintuan at nagsilbing look-out. "Kung anumang binabalak mo, pakibilisan. Kinakabahan ako." hirit pa nito.


Natawa lang naman ako at inilabas na ang dinurog na siling hiningi niya kanina sa canteen.


"This is what you called revenge." deklara ko habang naglalagay ng plastic sa mga kamay. "Welcome to hell Mam Katuturan." asik ko pa habang ikinikiskis sa stick nito ang durog na sili. "I'am sorry for noticing your habit; holding this stick, cleaning your glasses then rubbing your eyes." I smirked at that thought.


This will be fun.



**

A PRANK TO REMEMBERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon