Chatroom #62

2K 97 58
                                    


#HappyDonghyuckDay

Johnny: Maligayang kaarawan sa aming main visual! ♡

Doyoung: Oh tapos ngayon tatawagin niyong main visual.

Jaehyun: Syempre birthday niya! Bukas hindi na kaya hindi na siya ang visual nun, ako na.

Ten: Tigilan mo lang talaga kami Jaehyun.

Jaehyun: Ano na namang problema mo, Chitta? Gusto mo ikaw ang visual? Gusto mo sayo si Taeyong? At paano naman ako?

Ten: Ano ding problema mo? Sinabi ko lang naman na tigilan mo kami tapos galit ka na agad! Ewan ko sayo, Woojae.

Jisung: Uy may away! Ilabas ang popcorn!

Jeno: Luh. Magluto ka muna ng popcorn!

Hansol: May away sa pagitan ng JaeTen!

Mark: Tawagin na ba natin ang makata?

Yuta: At ako'y nagbabalik! Ang makata na makulit pero sobrang lupit, Yuta!

Taeyong: Naks! Sariling intro para sa kanya!

Yuta: Oo naman! Alam ko namang ayaw niyo ako i-intro eh kaya ako na lang. Ganyan naman kayo eh!

Taeil: Wag kang magdrama may laban ka pang sasabihin.

Yuta: Oo nga pala! May laban na naman sa pagitan ng JaeTen. At hula ko kagagawan na naman 'to ni Taeyong. Bakit ba ang hilig mong gumawa ng gulo, TY? Ayun na nga! Kanino ba kayo kakampi? Kay Jaehyun na nakalunok ng gluta o kay Ten na palaging isip bata? At para naman kay Lee Taeyong, manahimik ka na. Hindi ka gwapo, uwi!

Winwin: Taeyong nag away kayo ni Yuta no?

Taeyong: Sabi ko kasi ako ang mauuna maligo tapos sabi niya sabay na lang daw kami para tipid. Ayun, hinampas ko nga.

Donghyuck: Wag na kayo mag away! Birthday ko oh!

Jeno: Oo nga, birthday ni Dong! Kaya bukas na lang tayo mag away.

Taeil: Oh sige, bati muna tapos bukas away agad. Jk lang hahaha! Gwapo ko talaga.

Hansol: Moon, mali yung sentence mo! Diba dapat, 'Gwapo ko talaga. Jk lang hahaha!' ganun ata?

Taeil: Shattap Ji Hansol. Shattap!

Johnny: Wala ba kayong birthday wish kay Donghyuck? Simulan natin sa maknae!

Jisung: Sana wag kang magbabago, Donghyuck. Ang ganda ng boses mo. Idol na talaga kita.

Jaemin: ♡♡♡♡♡ (alam mo 'yan)

Jeno: Luh. Ano 'yan, Na Jaemin! Bakit may heart? Donghyuck, happy birthday bro. Nandito lang kami lagi para sayo.

Mark: Yow bestie! Hihintayin ko ang debut mo at pag nangyari 'yon ay sabay na tayong aapak sa iisang stage habang kumakaway sa mga fans natin.

Winwin: Hi Dong! Happy birthday! Ipagpatuloy mo lang ang nakakatuwa mong variety show (vroom vroom, mas nakakatawa version)

Jaehyun: Dumadami na ang mga fans mo. Iba na talaga pag visual hahaha! Happy birthday, Dong!

Ten: Donghyuuuuck! Omg birthday mo at cute pa din ako kaya dapat talagang mag celebrate!

Doyoung: Anak! Tumanda ka na naman pero sana ay wag kang magbago. Labyu!

Kun: Alagaan mo sana ang sarili mo. Wag mo hayaang hindi ka nakakakain sa tamang oras. ♡

Yuta: Hbd

Doyoung: Ano 'yan Nakamoto?!

Yuta: Chill lang, DY! Hindi pa kasi tapos hahaha! Happy birthday, Dong! Mahal na mahal ka namin pero balita ko mas mahal ka ni Markeu.

Taeyong: Dong! Wag ka na sana magpasaway sa mga hyung. Mahal ka ng mga 'yan hindi lang nila magawang ipakita. Jk lang pala kahit araw-araw mong pasakitin ang ulo niyan ayos lang. Whahahaha!

Johnny: Bad Taeyong! Dong, masasabi kong ikaw ang vitamin sa grupo natin. Nakakatuwa ka kasi at buti hindi ka nagmana sa nanay mo.

Hansol: Hi Donghyuck! Ang laki mo na. Dati mga batang paslit pa kayo ni Mark na naghahabulan sa loob ng practice room ngayon iba na. Wag ka sana magbago. Sana kung ano ka nung trainee days ay sana ganun ka pa din pag nag debut.

Taeil: Happy birthday, Dong! Ipagpatuloy mo ang pagiging visual mo at ipagpapatuloy ko din ang pagiging visual ko dito. ♡

- -
Baka hanggang chatroom #75 or hindi ko alam na lang ito :(((

NCT's ChatroomМесто, где живут истории. Откройте их для себя