/\/\/\__Kill 1__/\/\/\

14 1 0
                                    

Hi Crush! Can I kill you?

Kill 1: The Killer Meets the Target

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Malyn Grace' POV

"Malyn nasan na yung ulam natin?!" - kahit kailan ang ingay na nanay ko.

"Ewan ko. Anong tingin niyo sa akin lagayan ng mga nawawalang ulam?" Sabi ko habang nag-iimapake. Lilipat kasi kami. "Tanungin niyo po si Nathan. Siya lang naman ang palaging nakatambay sa kusina"

Hinanap ni nanay si Nathan. "NATHAN?! NASAN KA?!"

"NAY! ANG INGAY MO!" Sigaw ni Nathan galing sa kwarto naming dalawa.

"CHE! HALIKA KA DITO!" Lumabas naman si Nathan.

"Ano bang kailangan niyo?" Wala ganang tanong niya kay nanay.

"Alam mo ba kung nasan ang ulam natin?!"

"Nay naman! Ang tanda niyo na talaga! Di ba sabi mo kanina ipakain lahat sa pusa? Kaya ayun pinakain ko sa kanila" bigla naman akong napatigil sa pag-iimpake at tiningnan ang nanay ko.

Ayun nag aalburuto sa galit.

"IKAW TALAGANG BATA KA! WALA KA TALAGANG KWENTA! SABI KO 'ITAGO BAKA KAININ NG MGA PUSA!!' ...HINDI IPAKAIN SA MGA PUSA!!!!"
Sermon ni nanay sabay pingot ng tenga ni Nathan.

"A-aara-ay! Araay po! A-araay!!" Buti nga sa kanya. Wala na naman kaming ulam ngayon ng dahil kay Nathan.

Nakalimutan kong magpakilala sa inyo.

Hi! Ako pala sa Malyn Grace Walter. Half American, Half Filipino. Kaso iniwan kami ng tatay ko nung six years old ako. Doon siya sumama sa kabit niya. Kaya kami ni Nathan at ng nanay ko ang kumakayod sa buhay..
- ayyy wag na nating isali si Nathan sa Kumayod Team. Palamunin yan plus ang tamad tamad.

17 years old, at magge-grade 11 na sa susunod na pasukan.

Lilipat kami ng bahay kasi may natanggap kaming sulat galing sa hilaw kong tatay. Dahil first family niya kami kaya may malasakit pa rin siya sa amin. May bahay at lupa siyang binili para sa amin at buwan buwan daw ay magpapadala siya para sa pang-araw araw na kakainin namin. Siya na rin ang magbabayad ng tubig at kuryente at siya na rin ang magbabayad sa tuition fee ng bagong school ko. Oh ha! Bongga! Di sana namin tatanggapin dahil sa pagtalikod niya sa amin. Pero kahit tinalikuran niya kami , naaalala nya parin niya ang pamilyang ito. Tinanggap na lang namin. At isa pa, SAYANG ANG GRASYA!

*BEEEEP BEEEEP* BEEEP BEEP*

May narinig akong busina kaya tiningnan ko sa bintana kung sino yung dumating.

"Nay! Nandito na yung taksi!" Sigaw ko sa kanila.

Tsss. Di pa pala sila tapos.
"Anong kakainin natin ngayon?HA?? ANO?!!" Galit na talaga si nanay.

" M-may a-araay k-kanin pa naman eh!" Sabi ni Nathan habang namimilipit sa sakit ng tenga niya. Yung dalawang tenga niya , pulang pula na.

"Nay! Itigil niyo na nga yan! Kumain na lang tayo pagdumating na tayo doon sa paroroonan natin" buti at nakinig si nanay sa akin

Bunsong kapatid ko pala si Nathan, grade 7 na siya this next school year.

"Bilisan niyo. Nagugutom na ako!" Sigaw ng nanay namin habang dala dala yung maleta niya.

Hi Crush! Can I Kill You?Where stories live. Discover now