Chapter 8 -- Convincing A Broken Heart

Magsimula sa umpisa
                                    

“Ate, bumalik ka na sa bahay.”


“Hinding hindi ako babalik sa bahay na 'yon. Ipapakita ko kay Mommy na kaya kong mag-isa, kaya kong mabuhay kahit wala siya.” Matapang na sabi niya. Nasa isang coffee shop sila no'n malapit sa MaryXavier.


“I’ll talk to her.”


“Carlisle, you don’t have to. Kakayanin kong mabuhay kahit walang tulong niya. Ginusto ko ‘to kaya dapat panindigan ko.”


Hindi na mapilit pa ni Carlisle ang kanyang Ate kaya pinabayaan na lang niya ito.


Ilang araw nang iniiwasan ni GK si Jared. Hindi niya ito kinakausap, nilalapitan o tinitignan man lang. Kailangan mong ibalik ang dating Gk. Kailangan. Ilang beses na ring tinangkang kausapin ni Jared si GK pero hindi ito natupad dahil wagas ang pag iwas nito sa kanya. Umalis na rin si GK sa unit ni Miggy at tumuloy na lang siya sa isang hotel.


Nag-uusap sina Mart at Jared sa veranda ng classroom nila, siyempre si GK ang pinag uusapan ng mga ito. Kay Mart lang naman nagsasabi si Jared ng mga nararamdaman niya. Nang makita nilang papadating ang kanina pa nilang pinag uusapan.


“Jared, ang prinsesa mo padating.”


Tinignan ni Jared ang papadating na si GK. “Gk.” Hindi man lang siya pinansin ni GK bagkus ay nagtuloy lang itong pumasok sa classroom nila.


“Jared, pare kausapin mo siya, kung ayaw pa rin niya, suyuin mo na.”


Dali daling pumasok din sa loob ng classroom si Jared para sundan itong si Gk. “Gk.” Hindi siya nito pinansin. Kaya hinawakan na niya ito sa braso. "Pwede ba tayong mag usap?”


Tinignan ni Gk ang mga kamay na nakahawak sa braso niya then siya naman ang tinignan nito. “Yang kamay mo, alisin mo sa braso ko. Pwede?” Unti unti siyang binitawan ni Jared.


“Mag usap naman tayo.”


“Wala tayong dapat pag usapan.”


“Meron, madami.”


“Pwes ayoko. Naiinitindihan mo ba?” She gave him her deadly glare then umupo na siya sa upuan niya. Kailangan ko ‘tong gawin, para mapalayo ang loob ko sa’yo.


“Hindi ako titigil hanggat hindi ka naniniwala sakin, hanggat hindi ka naniniwalang mahal kita.”


Napalakas yata ang pagkasabi ni Jared ng mahal kita lahat kasi ng mga kaklase nila napa tingin sa kanila.


“Ano ba'ng kailangan kong gawin para maniwala ka sakin?” Tanong ni Jared. Hindi naman sumagot itong si Gk. Parang wala siyang narinig. “Gusto mo bang lumuhod pa’ko sa harapan mo?” Then he did.


Nabigla si Gk sa ginawang ‘yon ni Jared pero ayaw niya itong pahalata. Kailangan niyang ipakita na wala siyang pakialam. Tinignan lang niya ang naka luhod na si Jared tsaka niya tinaas ang isang kilay niya. “Nakakatawa yang itsura mo.” Tumayo tuloy itong si Jared. “Cervantes, diba sabi ko sayo allergic ako sa mababait? Kaya, shoo.” Taboy niya kay Jared sabay hampas palayo ng kamay niya sa hangin. “Alis na sa harapan ko.” Hindi pa rin natitinag si Jared sa kanyang kinatatayuan. “Alis na, NGAYON na.”


“Kahit anong gawin mo hindi pa rin ako susuko. Papatunayan ko sayong totoo lahat ng mga sinabi ko.”


Ini-snob lang siya ni Gk at sinuot nitovang kanyang earphones. Kaya lumabas na ng room itong si Jared.


Nang makitang wala na sa loob si Jared tsaka napatanaw sa labas itong si Gk para i-check kung lumabas na nga si Jared. Napa buntong hininga na lang siya. Kailangan ko na ba talagang maniwala sa'yo? Pano kung magsisi lang ako? At pa'no rin kung magsisi ako dahil hindi ita pinaniwalaan? Hay.


Suicide LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon