The Mafia Heiress→25

Start from the beginning
                                    

“Are you okay?” tanong ni Brianna. I just nodded and gave her a half smile. Nakatingin na rin si Cyfer sa direksiyon ko.

“You alright, Care? you look pale.” sambit niya. Katulad ng kay Brie ay tumango lang ako. Dahil sa ayokong makagambala sa kanila, nag excuse muna ako sa klase para mag c.r.

Lumabas ako ng room at nagpunta sa cr ng girls.

Hindi na ganoon ang bilis ng tibok pero nandoon parin ang kaba.

Pilit kong pinakakalma ang sarili ko.

Inhale...

Exhale...

Inhale...

Nang pumasok ako sa cr ay gulat ako sa nakita ko.

“Hi, Princess! it's nice seeing you here.” sarkastikong sabi ng isang babaeng nasa edad na thirty plus.

“Syweine...” mahinang bulong ko.

Itinaas niya ang kamay niyang may hawak na baril at itinutok sa akin.

“Who ordered you to do this? where have you been? we searched for y-- ” hindi natapos ang sasabihin ko kasi nagsalita siya.

“Y-you killed my family, Key. You killed them!” She shouted.

“I didn't. Believe me, Syweine. I will not kill anyone from your family. You are a good assassin, why would I do that?” tanong ko.

Syweine Prest was our former assassin. Isa siya sa pinaka magaling na assassin namin. Lahat ng targets namin na kakailangan namin si Syweine ay nagagawa niya ang misyon ng malinis at maayos.

She was very dedicated to her job until the time comes that she were lost and unable to be found.

At ngayon, pinatay ko daw ang pamilya niya?

Isang araw ay ipinaimbistigahan namin si Syweine at ang pamilya niya. But unfortunately, her family experienced an ambush. As in lahat ng pamilya niya ay walang awang pinatay.

That was exactly one week before Syweine disappeared. We never saw her again. At ngayon, ngayon sinisisi niya ako sa pagkamatay ng pamilya niya?

“You’re a traitor, Key. You're a traitor! you wanted me to suffer before, because I was way better than you. You killed my family!” Masyadong palakas na ang boses niya.

“What? Syweine! I accepted it all. I accepted the truth that you're better than me. We owe you a lot! why would I kill your family? I am not that dumb to lose you in the mafia. We need your strenght. The mafia needs you.” sabi ko. Pero hindi parin siya nakinig. She kicked my stomach dahilan upang mapa atras ako.

“Fight! Blue. Fight me!”  sigaw niya. Pero umiling ako. Hindi ko siya kayang saktan.

“No. I won't fight you, Syweine. Believe me, We don't want that to happen. We just happened to know about it from the investigator when you were lost.” nakita kong nasasaktan talaga siya. Sino ba’ng hindi masasaktan kapag nalaman mong walang awang pinatay ang pamilya mo?

“You know I don't believe others, Blue. You know that.” sabi niya tapos ipinutok ang baril niya. Hindi maririnig ang putok nito kasi may nakalagay na silencer.

Muntik na akong matamaan kung hindi ako naka iwas. Talagang desperado siyang patayin ako.

“Syweine, listen to me. Syweine!” sigaw ko pero pinapuputukan niya parin ako. Akyat-baba sa mga cubicles ang ginagawa ko para lang iwasan ang mga bala.

“I don't accept forgiveness, Blue.” malamig na turan niya.

Nadaplisan na ang kanang braso ko ng bala pero hindi parin siya tumitigil sa kakabaril. Iwas rin lang naman ako ng iwas.

“Fight me! bullshit!” sigaw niya. Pero umiling lang ako.

Narinig kong may kumakatok sa labas ng pinto ng cr pero naka-lock iyon.

“Care. Care! are you okay?” sigaw ni Cyfer sa labas.

“Boyfriend huh? unlucky boy. tsk tsk tsk!” She smirked tsaka sinipa niya ako sa tagiliran.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Cyfer na tulala sa kalagayan ko, pati na rin sa babaeng may gawa ng sugat ko. Nakahawak parin siya ng baril.

Pati si Syweine ay gulat na nakita si Cyfer.

“You deserve to die.” malamig ang mga salita niya.

Babarilin na sana ako ni Syweine pero lumapit na si Cyfer at nagsimula na silang maglaban.

Bakat sa itsura nila ang pagiging seryoso.

Cyfer... kung gaano ako kamisteryoso sa ibang tao, mas higit pa doon ang pagiging misteryoso mo para sa akin. Sino ka ba talaga?

Kumalabog ng malakas ang puso ko nang lumapit siya sa akin. Halatang kinakabahan siya na nakatingin sa sugat ko sa braso. Binuhat niya ako.

Paano si Syweine? nakita ko nalang siyang nakabulagta sa sahig bago ako lapitan ni Cyfer.

“Cyfer, pwede mo naman akong ilapag. Kaya ko pa namang maglakad.” pansin ko ring nakamasid na ang mga tao sa amin dito sa hallway. Hanggang sa nakarating kami sa clinic.

“Anong nangyari sa’yo Miss Kim?” nagmamadaling sabi ng nurse.

“Nabaril.” I flatly answered.

“What?!!” gulat na sigaw niya.

“Damn! gamutin mo na siya! mamaya ka na makipag-usap!” sigaw ni Cyfer. Maka react naman ‘tong si Cyfer parang mamamatay na ako dahil sa sugat ko.

Sinimulan nang linisin ng nurse ang sugat ko.

“Daplis lang pala.” Sabi ng nurse. Nakita kong nakahinga ng maluwag si Cyfer.

“Bakit ka napunta sa sitwasyong iyon, Care? God! kung hindi ako dumating baka---baka wala ka na.” sabi niya. He looked so concerned. Bumilis na naman ang karerahan ng kung ano sa dibdib ko.

I smiled bitterly.

Buhay pa kaya si Syweine? I feel so weak. Hindi dahil sa hindi ako lumaban pero nanghihina talaga ako noong nakita ko siya. She was like being stabbed by a knife for a hundred times. She really wanted to get revenge sa pumatay sa pamilya niya.

Kung sino mang pumatay sa pamilya mo Syweine. Ipinapangako kong ipaghihiganti ko ang pamilya mo.

Cyfer never remove his stares towards me. Bigla tuloy akong na self-conscious.

“Why are you staring, Cy? don't give me that look. It gives me the chills.” pagkatapos kong sabihin iyon ay natawa siya ng mahina.

Bakit ba kapag tumatawa ka, natutuwa ako? you act different when you're around me. Isang kabaliktaran ng pakikitungo mo sa ibang tao.

You're cold and snob. You're not talking to others pero kapag ako na ang kaharap mo, nagiging madaldal ka minsan.

Bakit kapag kasama kita, masaya ako lagi? ganyan ba talaga kapag gusto mo ang isang tao? hindi naman ako ganito noong boyfriend ko pa si Alexis.

Maybe I just thought that I loved Alexis before where in fact, it was all for a friendly act.

Nasaktan lang siguro ang ego ko kasi kitang kita ko mismo ang kalokohan ni Alexis kasama ang babaeng kahalikan niya.

“You’re different, Care.” naiiling niyang sabi. I just found myself smiling too. Ugh! he's cute.

“Uhurm! uhurm! nandito pa ako. ‘Wag kayong maglandian dito ha? clinic ‘to.” pabirong sabi ng nurse. Napailing nalang ako at tumingin sa kabila. Feeling ko kasi, namumula na ako. Pero si Cyfer ay todo ngiti parin. Tss.

--

The Mafia Heiress (Completed)Where stories live. Discover now