CHAPTER03

26.8K 432 9
                                    


"Bata ka pa, makakahanap ka pa ng lalaking mamahalin ka pero angel hindi ako yun. Hindi ako, isa akong seminarista kaya sana itigil mo na to" pinatayo ko si kuya mack at tumayo naman siya.

"Kuya pinilit ko naman ang sarili ko na itigil ko na tong kahibangan ko pero di ko alam" yumuko ako dahil di ko na pigilan ang luha ko. Bahagya ko itong pinunasan saka tinignan siya.

"Kuya mack pabayaan mo nalang ako please, hindi ko naman po hinihiling na bigyan niyo ako ng pansin at mahalin din ako. Basta makita lang kita araw araw okay na. Wag mo nalang akong patulan kuya, di naman po ako totol sa pagiging pare niyo pero wag niyo po akong patigilin" huminga siya ng malalim

"Pero angel ayokong magkasala sa panginoon kaya tumigil ka na" umiling iling ako saka ngumiti.

"Kuya Mack Mahal po kita"

"Angel"

"Pero alam ko pong bawal dahil seminarista ka pero wag niyo po akong patigiling mahalin ka kuya Mack" tinignan niya lang ako.

"Gusto kong paglingkuran ka at ang panginoon atleast sa paraang ganun naipapakita ko kung gaano ko kayo kamahal. Kahit po di niyo na ako suklian okay na po ako basta makita kita" umiling iling siya

"Hindi ito tama kaya please tama na" ngumiti ako saka niyakap siya.

"Tatanggapin ko po lahat ng parusang ibigay sakin,wag ka lang mawala sa paningin ko. Tatanggapin ko po lahat ng parusa dahil minahal po kita. Tatanggapin ko po lahat" huminga siya ng malalim kaya napangiti ako.

"Mahal po talaga kita"

"Alam mong di kita masusuklian sa lahat ng pagmamahal mo. Diyos ang nasa puso ko at diyos ang mamahalin ko habang buhay" tumango tango ako habang yakap siya.

"Alam ko po, alam ko" bahagya niya akong pinalayo sa kanya saka tinignan ang mukha ko.

"Maganda ka at alam kong maraming kang manliligaw. Dun mo nalang ibigay sa iba ang puso mo wag sakin" umiling iling ako kasi ayaw ko. Siya lang ang mamahalin ko.

"Ayoko ikaw lang po talaga. Pagsisilbihan po kita" lumuhod ako saka ako nag bow ng tatlong beses saka tumayo.

"Salamat po at tinanggap niyo po" di siya ngumiti ngunit nakikita kong malungkot siya.

"Alam ko pong sa isang buwan na kayo pupunta ng Rome para tuluyang maging Pare at tanggap ko po yun"

"Tara na ihahatid na kita" yun lang sabi niya saka ako hinigit. Ang saya ko dahil nasabi ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Ng makarating samin si kimmy ang nakita kong nakatayo sa gate.

"Ate okay ka lang ba? Alam mo bang nag aalala ako sayo ano ka ba ate di mo ba alam na may mga rapest na nagkalat sa barangay natin pano kong may mangyari sayo ha. Pasalamat ka wala pa sila mama at papa"

"Kimmy ang OA mo inihatid nga ako ni kuya Mack" at dun niya lang yata napansin si kuya Mack.

"Kuya kayo po pala yan. Akala ko iba, iba po kasi itsura niyo para po kayong hindi seminarista sa ayos niyo" ngumiti lang si kuya Mack.

"Pasok na kayo gabi na" tumango naman kami pero bago yun tinignan ko siya.

"Salamat sa lahat. Babalik po ako bukas didiritso po ako sa simbahan pagkagaling ko sa school" di sumagot si kuya Mack pero ngumiti ako.

"Ingat po kayo sa daan" yun nalang sabi ko saka kami pumasok sa loob ng biglang nag iba ang ikot ng paningin ko ng masira ang pintuan.

----------------------------

"Ate okay lang ba pakiramdam mo?" Napaupo ako ng maayos

"Ano nangyari?"

"Nag pass out ka. Nagpapagod ka ba? Ate alam mong bawal sayo yan" di ko siya sinagot.

"Ano naman tingin mo sakin kimmy? May sakit? " tinignan niya ako nang masama

"Bakit wala ba? Ano bang tawag dyan sa mahina mong puso? "

"Anong mahina ka dyan!! Malakas na to no" sabay hawak sa dibdib ko.

"Ate kay kuya Mack ba tong damit na sout mo?" Napatingin naman ako sa sout ko saka napangiti nalang at humiga ulit saka niyakap ang sarili ko.

"Ate mag ingat ka na ha. Balitang balitang maraming rapest nagkalat ngayun"

"Oo na" yun nalang sabi ko.

"Ate bakit parang close na kayo? Isang linggo lang ang dumaan close agad kayo" tumayo ako saka siya tinignan.

"Kimmy alam na niya" napakunot noo siya.

"Anong ibig mong sabihin ate"

"Alam na niyang mahal ko siya umamin na ako" gulat na gulat si kimmy sa sinabi ko pero naging normal naman din agad ang itsura niya.

"Pero tinanggihan ka niya?" Nawala ang ngiti saka kinagat kagat ang t shirt ni kuya mack.

"Pero sabi ko naman pabayaan niya nalang ako kimmy"

"Ate ano ka ba seminarista yun saka para kang bata ikaw tong ate dito pero ang tigas ng ulo mo"

"Kimmy"

"Totoo nga yung sinasabi nila nagiging bobo pagdating sa pag ibig. Pag ikaw na agrabyado sa pagmamahal mong yan satingin mo ba tutulungan ka niya?" Di ako sumagot.

"Ate tama na please"

"Ayoko nga! siya ang mahal ko kaya ayoko. Siya lang mahal ko siya lang kimmy" maiyak iyak kong sabi hanggang sa tumulo na talaga.

"Masasaktan ka lang naman dyan ate eh"

"Alam ko pero dito ako masaya kimmy"

"Basta ate ayokong masaktan ka"

"Pero kimmy pag halikan ko ba siya magkakasala siya?" Napaisip naman ang kapatid ko.

"Kung mag re-respond siya oo"

"Pag hindi?"

"Di ko alam ate" sabay kamot ulo niya.

"Bakit may balak ka ate?" Napangiti naman ako.

"HOY ATE BAWAL YAN"

"Try ko bukas. Gagawa ako ng tyempo" bigla akong tinulak ni kimmy.

"Ate wag mo yang gawin baka layuan ka lang niya lalo" napaisip naman ako.

"Oo nga no ayoko ng ganun"

"Buti alam mo"

"Sayang no walang cellphone si kuya Mack" tinignan lang ako ng masama ni kimmy.

"Ang daming lalaki sa seminarista ka pa nahulog"

"Baka kasi ako yung babaeng magiging kasalanan niya kimmy"

"Oo kasi para kang si satanas. Ikaw ang temptasyon niya"

"Pero di naman ako nagdadamit ng maikli para mapansin niya diba?"

"Pero nandyan ka lage sa tabi niya nagpapa-pansin saka araw araw nandun sa simbahan nag vo-volunteer ka pa sa paglilinis sinong lalaking hindi makukuha ang atensyon kung ganyan ang ginagawa?" Napangiti naman ako.

"Ngayun ko lang naisip na ganito pala pag inlove. Di mo mapipigilan kong sino ang mamahalin mo" nakangiti kong sabi.

I fell inlove with the seminarian (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon