12. Anong problema noon?

Start from the beginning
                                    

"Yza's my fiancé! I have to find her!"

"She's not your fiancé, Xander. She never was and she'll never be. Umalis ka na bago ko basagin ang mukha mo!"

Ipinagtulakan niya ako palabas ng mansyon nila. Yto stood near the door. Bago niya tuluyang isara iyon ay nginisihan niya ako. "Kalimutan mong magkaibigan tayo, Xander. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa kapatid ko."

He shut the door. Nakadama ako ng galit. Sa inis ko ay nasuntok ko ang pader. I didn't care if my hands were bleeding. I don't fucking care at all. I feel so helpless. Bakit ba ganoon? Bakit napakahirap para kay Yza na mahalin ako? Ginagawa ko naman ang lahat para sa kanya.

She asked me to wait five years – I did just that. She wanted a friend – I become one. She needed a driver – ihihinto ko ang mundo ko para lang sa kanya – pero bakit kulang pa rin iyon? I felt so angry. I wanted to hurt someone.

Umalis ako sa bahay ng mga Consunji. Naiinis ako kay Yto,. Nagagalit ako sa kanya. Simpleng bagay lang ang ginawa ko pero kung umasta siya para bang sinira ko ang buhay nI Yza. Mahal ko si Yza, kaya kong gawin – kahit na gaano kamali – ang lahat ng bagay para lang sa akin siya mapunta. I know I sounded so desperate but that's how much I love her.

Kaya kong tanggalin ang lahat ng harang sa daan ko maski na si Yto pa iyon. Nagawa ko nang minsan. Napaalis ko si Zach at hindi ako mangingiming gawin muli iyon kay Yto.

I am willing to do everything just to make Yza Joan mine...

Everything...

-----------------------

 

"Handa na ba ang lahat?"

I was smiling pretty hard that day. It's Yza's birthday and I planned a very nice surprise for her birthday. Maaga pa nga akong nagpunta sa hotel para tapusin ang paghahanda ng regalo ko sa kanya. Hindi ko naman magagawa iyon mag-isa kaya isinama ko ang tropa. James is here, AC and Gerd. Lahat sila ay tinutulungan ako para sa surpresa ko kay Yza.

"Handa na lahat, Zach. Iyang mukha mo, paano reremedyuhan?" Tanong pa sa akin ni Gerd habang sine-set up niya iyong drums sa gitna ng stage. Sinipat ko ang sarili ko sa maliit na salamin na nasa gitna ng stage. Hindi naman na masyadong maga ang mukha ko pero bakas pa rin ang mga pasa. Takte kasi si Xander ang lakas manuntok.

Huminga ako ng malalim.

"Shades lang ang katapat nito." Sabi ko sabay ngiti. "James okay ka ba diyan sa taas?" Tanong ko pa. Nakatuntong siya sa hagdaan habang inaayos ang main surprise ko para kay Yzang kulet.

Last night – I stayed up late – with their help and Musika's help too – making that. Musika hand painted a white cloth. Siya ang nag-design ng surpresa ko para kay Yza. I asked her to help me. Hindi ko na kasi kayang tiisin pa.

Eighteen na si Yza. Ibig sabihin pwede ko na siyang ligawan tulad noong napagkasunduan namin ni Yto noong nasa Grade seven kami. Tumupad naman ako sa usapan. I kept my distance. I became her friend – everything is perfect – kahit pa nga nandyan pa si Xander.

Desidido ako. Paninindigan ko na. Ayoko nang maging torpe sa paningin ng iba. Hindi naman ako torpe. Hinihintay ko lang iyong tamang pagkakataon.

"Tingnan nga natin kung gagana?" Tanong pa ni Gerd. Hinatak ko ang isang mahabang lubid na nakalaylay sa gitna. Kasama iyon sa decorations para sa debut niya pero James made it work para maging karugtong noong cloth na inilagay niya. Hinatalk ko iyon and it reveal the words: "I'm in love with you, Yzang Kulet."

The runaway heiressWhere stories live. Discover now