Bestfriends? Bestfriends.

7.5K 226 100
                                    

Author's Note

Just imagine that this is you and Sandro + na fluent mag tagalog si Sandro with his accent.

End of Author's Note

May dalawang mag bestfriend na laging napagkakamalang magkarelasyon dahil super close sa isa't isa. Makikita mo yung sweetness nila sa bawat isa na kung umakto sila ay parang mag jowa talaga. Sa bawat pupuntahan, magkasama pa rin sila. Tinutukso nga sila kadalasan pero wala lang yun sa kanila. Pinagtatawanan na lang nila dahil sanay na rin sa mga ganung naririnig sa mga ibang tao.

Sa SCHOOL

"Bes!" sigaw ni Santi habang papatakbo kay Sandro sa labas ng school gym.

Lumingon si Sandro habang taban yung bola at sabay pagpag ng jersey, "Oh bakit?" sabi ni Sandro.

"Wala lang," naka ngiting sinabi ni Santi habang hinihingal.

"Sige bes ah. May try-out pa kasi kami sa basketball ngayong araw e. Kailangan mag-OT daw kami tsaka 1 week daw yung try-out," sabi ni Sandro saka pumamewang.

"Aww. So hindi kita makakasama mag lunch dito sa school?" sabi ni Santi with sad face.

"Oo eh. Sige bes ah, we'll hangout next time," sabay tap sa ulo ni bestfriend saka umalis.

"Sige, INGAT KA!" pasigaw niyang sinabi nang tumakbo si Sandro papasok ng school gym.

(Hayyy best, kung alam mo lang. Hay lang talaga) - bulong ni Santi sa sarili.

AFTER 1 WEEK / SA LIBRARY

Pumasok si Sandro sa canteen at nakita si Santi sa isang table malapit sa pinto na mag-isa at may sinusulat, "Bes! Anong sinusulat mo?"

"Ah wala, yung assignment lang namin."

Napakunot si Sandro at lumapit kay Santi, "Na nakalagay sa isang maliit na notebook na may padlock? Nagsusulat ka ng assignment sa diary?"

"A-AH, oo. Yung question sa assignment to," at dali daling niligpit ni Santi ang mga gamit niya sa ibabaw ng table.

Naupo si Sandro nat tinitigan si Santi habang nagliligpit ito ng gamit, "Best? May ipagtatapat nga pala ako sayo," sabi ni Sandro saka ngumiti.

Napahinto sa pagliligpit ng gamit niya at dahang dahang lumingon kay Sandro, "Ha? Ano yun?" at biglang tumibok nang malakas ang puso ni Santi.

Sasabihin na sana ni Sandro nang napahinto ito habang naka nga nga at nagbuntong hininga, "Kaso nga lang baka kasi magalit ka."

"Eh ano nga yun?" inis na sabi niya sabay tayo kaya napatingin halos lahat ng tao sa canteen.

Tumingin si Sandro sa paligid, "Oh kita mo. Ni hindi ko pa nga sinasabi sayo eh galit ka na," sabay iling ni Sandro.

Nagbuntong hininga si Santi at umupo ulit, "Iba ang galit sa inis Sandro. Naiinis ako kasi di mo agad sinasabi eh. So ano nga yun?" sabi niya habang pinipilit ngumiti.

*Santi's POV*

Lord, ipagtatapat na ba niya yung feelings niya para sakin? Ano ba tong sinasabi ko? Pero kinakabahan talaga ako. Eto na ba to? Lord please please please..

*End of Santi's POV*

Sandro: Ahh I...

Santi: I?

Sandro: I.....

Santi: I?

Sandro: I already have a girlfriend.

WHAT? Anong sinabi ko? Hindi naman yun yon eh, hay nako palpak! -sa loob loob ni Sandro.

Santi: WHAT? Ah i mean wow bes! Masayang masaya ako para sayo. Party party! Treat mo ako ha. Ayieee si best! (pilit pinasigla yung boses kahit nasasaktan..)

Bestfriends? Bestfriends.Where stories live. Discover now