Malandi... Three

Começar do início
                                    

"Sya ba yung gusto mo?"

"Meron ng laman ang kanyang puso at hindi naman pwede sa isang relasyon ang tatlo."

"Ang makata natin ah?"

"Nasabi din nya yan sa akin."  :)

"Uhmf. Ako kasama mo pero sya parin ang iyong iniisip."  -3-

"Ewan. Baka ganon talaga."

"Oh well, wala akong balak na ipagsiksikan sarili ko sayo. Maiwan na kita. Please enjoy the rest of the night."

"Definitely. Thanks."  ^_^

Bumalik na ako sa lungga ng aking mga kaibigan. Nakita kong naglalabas na ng pera si Kysha, na tumayang hindi mahuhulog si Gelo sa akin. Parang in-assume nya na talo sya kaya parang gusto kong matawa sa kaweirduhan ng kaibigan namin.

"Xyrene! Anong gusto mo? Ililibre kita since nanalo kami." salubong sa akin ni Nelle.

"Hindi. Wala lang yung kanina. Hindi sya nahulog sa dyosa ng kagandahan. Tanga nya no?"

Pinigilan kong lumabas ang aking tawa habang nagsasalita lalo na ng makita ko ang priceless nilang mga tingin. Parang hindi talaga nila inasahan ang nangyari. Haha. Actualy, pati naman ako hindi rin makapaniwala pero wala eh, baka ganon daw talaga sabi nga ni Gelo.

"Oh yes, calamares! Akin na mga taya nyo. Ako pala panalo eh."  ;P sabi ni Kysha.

"Siguro, kasabwat ka ni Kysha no? Umamin ka sa amin Xyrene." sabi naman ni Cza sa akin na may masamang tingin.

"Wahaha, adiks! Hinde no! haha. Ako nga rin nabigla sa kinalabasan eh. Pero hindi ito ang huli naming pagkikita kaya tignan nalang natin kung ano mangyayari sa susunod. Hihi."

Lumabas ang evil smile sa akin pero nawala din ng nagsalita si Nelle.

"Pustahan ulet! Kailangan makabawa kaya round 2! Sino sasali?"

---

It's morning...

Bratinella Series 2: Malandi ako. Paki mo.Onde histórias criam vida. Descubra agora