Nasa tapat na 'ko ng classroom namin ngayon at napangiti ako habang hawak ko itong special na box ng cookies na pinagpuyatan ko para lang sa unggoy na yun. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok. Siyempre kinakabahan din ako, pero nawala rin bigla ang mga ngiti ko ng makita ko si Cloud na todo ang ngiti habang may kinakain at katabi pa si Aileen. Ang saya saya nila pareho.

"Siguro ito na yung best cookies na natikman ko in my entire life." Cloud said while smiling, bigtime.

"Dapat lang no. Ang hirap kaya mag-bake niyan kahit tinulungan ako ni yaya." sagot naman ni Aileen na bahagya pang natawa.

Napairap ako sa ere dahil sa narinig ko. Nagpatulong pa siya? Eh ako nga, mag-isa ko lang 'tong ginawa tapos napuyat pa 'ko at ang malala, napaso pa ang makinis at maganda kong kamay. Pero sabagay...hindi naman sinabi ni Cloud na gawin ko 'to e. Napailing na lang ako after I realized what I did. I did this cookies for nothing.

"Amethyst!" Trish called me that's why I came back to my senses. Napatingin ako kay Cloud at napansin kong nakatingin siya sa kamay kong may benda at nakakunot ang noo niya pero di ko siya pinansin at dumiretso lang ako sa upuan ko. "Ano 'yang kahon na yan? Regalo?" tanong ni Trish pagkaupo ko. Oo, mukha kasi talagang regalo 'tong pinaglagyan ko ng cookies. Effort wasted, diba?

"Ah, yeah. Para sana sa taong nakakabuwiset." inis na sagot ko.

"Eh?"

"Nevermind. It's not important anyway."

"I know something has happened. Kwento mo sa akin later...sa lunch." sabi pa niya sabay kindat bago siya bumalik sa upuan niya dahil dumating na ang prof namin.

Nag-umpisa ng mag-turo si Ms. Cinco sa Sales Management subject ng dumating si Jace. Hinihingal pa nga siya at pawis na pawis. Halatang nagmadali, pero sa kasamaang palad ay late pa rin siya. Nung una akala ko hindi na siya papasukin pero good thing dahil binigyan siya ng consideration.

"Bakit late ka?" tanong ko sa kanya ng makaupo siya sa katabing upuan.

"Late na akong nagising. Parang kagabi kasi lumabas lahat ng pagod ko." he answered. Kahit halatang napagod siya sa pagtakbo, he still managed to smile. Ang gwapo!

"Dapat di na muna pumasok. Maiintindihan ka naman nila e."

"Okay lang. Ngayon na nga lang ako makakapasok e and besides... I missed you." he just whispered the last part pero sapat na para marinig ko. Oo, kinilig ako but that won't change the fact na nasira na ang araw ko ng isang unggoy.

LUNCH BREAK

"Seriously? You baked this cookies as peace offering for Cloud?" di makapaniwalang tanong ni Trish when I told her that this cookies was supposed to be for that monkey.

"Can you please minimize your voice? Baka may makarinig sa'yo." I said irritated. Nasa cafeteria kasi kami ngayon at medyo dumarami na yung tao.

"Sorry, nagulat lang ako. I mean...it's not you, it's not your thing. A princess who baked cookies just for someone? We're bestriends since we were a child but never baked cookies for me. My gosh Amethyst, nakakatampo ah!"

"Pwede ba Trish? this is just a peace offering, duh? He's mad at me. May mga nasabi kasi akong di maganda sa kanya last night."

"Well, congratulations. It's new, pft. Paghuhugas nga ng plato never pumasok sa isip kong magagawa mo, ito pa kayang pagbibake? To think na para kay Cloud? Ayieeh, ang tamis!" she teased.

"Kaya ba may benda 'yang kamay because you forced yourself to baked those cookies for me?"

Tila na-freeze ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses na yun mula sa likuran habang itong si Trish ay ngiting-ngiti lang sa akin. Damn. Narinig ba niya lahat ng pinag-usapan namin?

My Naughty Bratinella (Completed)Where stories live. Discover now