CHAPTER 5 ~ TRUTH

1.9K 29 0
                                    

His P.O.V.

Matapos umalis nang chopper ay agad kong pinakilos ang mga tauhan ko. Nagka gulo sa loob nang mansion.

Ang inakala kong simpleng banggan namin nang hayup na si Albano ay hindi pala ganoon lang. Marami pala siyang tauhan at ang iba sa kanila ay mga batikang Gang na nakilala niya sa Black market. Ginamit niya ang perang binayad ko sa kanila noong ibenta nila si Kia sa akin. Ito ang lalo kong kinagalit. Hindi ako makapaniwala. Masama din naman ako paminsan at hindi tin iilan ang mga nakilala ko na't minsan pa nga ay nakaka salamuha sa industriyang kinabibilangan nang aking mga negosyo pero ngayon lang. Sa tanang buhay ay ngayon lang ako naka tagpo nang kagaya niya. Marami naman na din akong naririnig na lumaking magkapatid kahit hindi magka anu-ano. Nag mamahalan sila. Pero ang Albano na yun.

'Fucking idiot.' isip ko saka padarag na hinagis ang suot kong jacket. Tumakbo ako pababa. Siguradong narito lang sila.

Alerto ang lahat nang mga tauhan ko. Kinektado sila sa akin sa pamamagitan nang walkie talkie at naririnig ko sila sa background.

Panay palitan nang putok ang naririnig ko. Hindi biro ang lakas nang mga kasamahan niya. Ang pasukin ang mansiyon ko ay hindi madali lalo na at ako ang Nag tayo at siyang pinuno nang pinaka makapangyarihang Organisasyong Anonymous. My men are not ordinary dahil sa taglay na kakayanan. They are all well trained. Kaya naman isang sorpresa na napasok nila ang mansiyon.

"Albano..." tawag ko sa isang lalakeng nakita kong nagtatago sa isang pinto at mukhang tinitingnan kung clear para maka daan siya na sa kasamaang palad ay mali ang nililingaan niya.

Naka side view siya at may baril na hawak. Naka taas ito at siguradong ipuputok niya sa sino mang kaaban ang haharang sa kanya.

Mabilis ang reaksiyon nang katawan niya nang makita ako. Nai putok niya agad ang hawak niyang baril nang makatlong ulit. Mabuti nalang at mabilis din ang reflexes ko at nagawa kong iwasan ang lahat nang bala. Suwerte.

"Nasaan na ang babaeng yun!" galit na tanong niya sa akin. I'm not dork para hindi ko malaman kung sino ang tinutukoy niya.

"Oh. So totoo nga ang naririnig kong hinahanap mo daw siya para ibenta sa black market?" diretso kong sabi sa kanya.

His body got tensed. Ang akala yata niya ay maloloko niya ako.

"Wala ka nang paki Chavez! Akina siya!" galit na sabi nito at naka tutok sa akin ang baril at handang kalabitin ang gantilyo.

Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko ngunit handa ako sa anu mang movement na gagawin niya.

"Wala akong pakialam? You think hindi ko alam na kinuha mo ang perang binayad sa magulang mo na siyang pinag bentahan kay Kia?" sabi ko. Nag lakad ako nang kaunti at iiling iling. "Ts.ts.ts.ang kapal naman nang mukha mo. Ilang beses mo bang balak ibenta ang kapatid mo?" Tanong ko.

Kita ko nang kinain nang galit ang mukha niya. There's this emotion I can't figure out. Galit siya pero may iba pa.

"Hindi ko kapatid nag babaeng yun! Hinding hindi! Sa ginawa nang ama niya sa ama ko ay kulang pang ibenta siya nang paulit ulit hanggang mamatay para pag bayaran niya ang kasalanan nang Hayup niyang ama!" galit na sigaw nito.

Natigilan ako.

So that explains why.

Hindi ko na kailangan mabasa pa ang irereport sa akin nang private investigator ko para hindi ko malaman ang totoong nagyari at kung bakit siya nagkaka ganito.

........

His P.O.V.

Hindi ko parin mapaniwalaan ang mga nalaman ko.

She and her family. Mga biktima sila nang Black Org.

Si Mang Jonathan Capistrano ay ang namayapang katiwala namin sa Farm. Napaka bait niya dahil nakasama ko na siya noon nang madalas na doon ako dahil hindi kami magka sundo ni Papa at naroon din ako nang araw na pinaglalabanan niya ang kamatayan at sinisikap na mabuhay pa ngunit sa kasamaang palad ay binawian siya nang buhay.

"Masaya kami noon. Ako, Si Elena at ang anak kong si Quiara. Ang maganda kong Prinsesa." umiiyak niyang umpisa. Nag iinuman kami isang hapon matapos ang mag hapong trabaho namin sa Farm.

I'm not a fan of tears. Para sa akin ay bakla lang ang umiiyak but seeing Mang Onat crying like that is something that made me realize such truth.

"Hindi masamang umiyak ang isang lalake. Parte ito nang kanyang pagka tao at pag papakita hindi lang nang kahinaan kundi nang king gaano ka totoo ang pag mamahal mo para sa mga taong parte nang buhay mo."

Yan ang totoo. Hindi porket lalake ay bakla na kapag umiiyak.

"Nasira kami. Nasira ang lahat nang mapag bintangan ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Kilala ko kung sino ang totoong gumawa noon. Si...Si Hilaryo Albano ay kapit bahay namin at hindi namin alam na sangkot siya sa ilegal na bentahan nang droga sa black market. Pinatay siya dahil sa malaking pera na nadispalko nito doon. Nagkataong naroon ako sa pinangyarihan dahil nag tataka na ako at ang asawa ko kung bakit amoy nabubulok na laman. Nang makita ko ay tiyempo na may mga pulis na dumating at ako ang dinidiin. Ako din daw ang tinuturo nang asawa ni Hilaryo kaya ako ang nakulong. Hindi nag tagal ay nagka sakit ang asawa ko at namatay. Naiwan mag isa ang anak ko." yumugyog ang balikat nito. Kung hindi lang ito nahihiya sa presensiya ko malamang ay humagulgol na ito sa sakit nang sinapit nang kanyang pamilya.

"Nalaman ko nalang na may kumuha sa anak kong si Quiara. Nalaman kong tinago siya ni Felipe na noon ay labing apat na taong gulang na. Ang asawa ni Hilaryo ang naging katulong nito na itago ang anak ko. Dahil naka kulong ako ay wala akong magawa hanggang nakalaya ako. Hinanap ko sila. Wala akong pera para umupa nang mag hahanap sa kanila kaya ako ang nga hanap. At nakita ko sila sa bayan niyo. Ang anak ko. Kamukhang kamukha siya ni Elena. Napaka ganda niya. Kaya lang, pinag bantaan ako ni Felipe na papatayin niya si Quiara kapag lumapit ako at nag pakilala dito." a niya. 'They are nothing but Scambag. Wala silang masisi kaya si Mang Onat ang diniin nila sa pagka matay ni Hilaryo.' they're both idiot.

Yan ang mga kuwento ni Mang Onat sa akin. Kaya naman nang nag aagaw buhay na ito ay pinangako ko sa kanya na hahanapin ko't tutulungang maka laya sa poder ni Albano.

Kaya nang pumanaw ang matanda ay agad kong pinahanap si Quiara Kapistrano at hindi naman ako nahirapan. Nakita ko siya agad at pina bantayan ang lahat nang kilos niya. Kaya naman alam ko na malupit ang pag trato sa kanya. Napuno lang ako dahil pinag tangkaan siyang gahasain ni Felipe. Ang hayup na yun.

Sa kabutihang palad ay nanaig ang puwersa ko at nadakip si Felipe at ang ina nito ngunit hindi ang mga pulis ang humawak kundi ako. I already told them. Ako ang mag bubuhat nang kamay sa kanya at pag babayaran niya ang lahat nang ginawa niya kay Kia.

.......

BEING YOURSWhere stories live. Discover now