FictionalCharactersllOperatorsllCyworld

75 4 1
                                    

FICTIONAL CHARACTER

FC for short.

Eto yung ano..

Yung mga character sa story na nababasa mo sa wattpad.

Yung mga character na nag aact ng mga attitude nila sa story through facebook.

Ito yung mga character na nakakasalamuha ng mga readers.

Nakakausap, nakakaasaran, nakakabangayan at minsan pa nga, nagiging karelasyon.

Pero hindi lahat ng fictional character ay mababasa mo sa mga story.

Kasi yung iba, ay hindi pala, halos karamihan sa mga fc ay walang istorya.

Mula nang mag boom sa madla ang wattpad nagsimula nang lumaki ng lumaki ang population ng mga fc.

Hanggang maisipang bumuo ng isang clan or pamilya.

Pamilya, yung literal na meaning nito.

Bumubuo ng isang pamilya ang mga operators o kaya naman ay yung mga authors tapos gagawan nila ng story yung pamilyang nagawa nila.

Tapos nun dadami yung fc sa pamilya na yun.

Gagawa ng isang fb group at doon magsasama at magkukulitan.

Merong mga pamilyang nagiging successful.

Lumalaki.

Dumadami ang mga members.

At meron ding mga pamilya na hindi nagboboom.

Lame kumbaga.

Inactive kasi yung mga operators.

Tapos ayun na.

Para sakin, ang isang fictional character ang ginagawang tulay nung ibang kabataan para makaalis sa realidad.

Kumbaga parang nagiging comfort zone nila ang cyworld.

Ang pagmamanage ng isang fictional character ang isa sa mga way nila para makatakas sa mga problema.

Para makapaglibang.

Yung bang para kahit papano, kahit sandali lang makalimot sila sa mga problema nila.

Yung iba naman ang pagooperate ng fc ang ginagawa nilang way para makahanap ng mamahalin.

Yung bang makikipag boyfriend/girlfriend sila tapos maiinlove sila sa mga operator ng mga karelasyon nila.

Isipin mo, boyfriend/girlfriend lang nila as fictional character pero pati operator nila damang dama ang pagiging boyfriend/girlfriend.

OPERATOR

Ito naman yung mga taong nagooperate sa mga fictional character.

Sila yung nagbibigay buhay sa mga fc.

Yung naglalagay ng marka sa mga hawak nilang character.

Yung nagdedescribe kung anong attitude meron yung mga fictional character nila.

Sila yung mga karaniwang taong ginagawang takbuhan ang cyworld tuwing nalulungkot, nabobore o kaya ay problemado sa mga buhay nila.

At higit sa lahat, sila ang dahilan kung bakit hindi nawawalan ng thrill ang cyworld.

CYBER WORLD

Ito?

Cyworld for short.

Dito mo makikitang naglilipana ang mga fictional characters na inooperate ng mga operators.

Madaming mga memorable experiences dito ang mga operator.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now