chapter 1

7.4K 138 0
                                    

"Stephie, talaga bang hindi ka makakarating?. ,pang-ilang tanong na kaya ito sa kanya ni Iana. Pinaikot niya ang kanyang mga mata kasi alam naman niyang hindi naman siya nito makikita. Naiinis kasi ito kapag nakikita siyang ginagawa yun.

Kausap niya ito ngayon sa cellphone. Matapos siyang kulitin kanina ni Ashley,eto naman ngayon. Pinipilit kasi siya ng mga itong pumunta sa 6th birthday celebration ng anak ni Iana na si Tyrone.

Gustuhin man niya pero sa tambak ng trabaho niya hindi siya makakapunta.

Oh come on,Stephie. ,alam mong hindi yan ang dahilan. ,alam na alam mong kung gugustuhin mo pwede kang pumunta kaya lang talagang ayaw mo kasi may mabigat kang dahilan.

Sa sobrang bigat,kahit kaarawan ni Tyrone nagagawa kong tanggihan. If I'm not mistaken this is the second time that I decline to Iana's invitation for Tyrone's birthday. Not to mention those get together that I always choose not to go to.

Hindi na ako magtataka kung magtampo na sa akin ang mag-ina. It's just that. . . ,ang hirap. How I wish I was as strong as Iana. ,sana katulad ko siyang hindi natakot na harapin ang nakaraan.

"I can't, I'm sorry. ,tanging tugon ko sa kanya. Kung pwede ko lang patayan ng tawag ito ginawa ko na kaya lang ayaw ko namang mas lalo pang dagdagan ang galit na meron siya sa akin. Iana was and will always be the sister that I want,sila ni Ashley ang naging pamilya ko nung pinili kong lumayo para makalimot sa lahat. Katulad ko nung mga panahong yun,may pinagdadaanan ding problema si Iana kaya mas pinili naming lumayo.

But look at us now,nakakatawang nakuha pa naming bumalik dito. And also Iana did find her happiness here with the same man who hurt her and the reason that she ran away noon. Oh well,it's not like I'm bitter. ,I am actually happy that our prince Tyrone finally have a family that love him.

Matagal na katahimikan ang namayani,akala ko pinatay na ni Iana ang tawag,papatayin ko na rin sana ang cellphone ng muli kong marinig ang tinig niya.

"Stephie, why are you drifting away from us? Akala mo ba hindi ko nahahalata ang pag-iwas mo sa mga pag-iimbita ko sa iyo. ,ano bang nangyayari sa iyo? Are you okay?. ,please I miss you na. ,namimiss ka na rin n Tyrone!. ,may nagawa ba ako? Sabi ko naman sa iyo,kaya ko pang mag-model for you pero ikaw naman ang nagpumilit na mag-full time mommy ako kay Tyrone. ,narinig ko ang pagsigok niya.

Damn! No,Iana. ,don't use your waterworks on me. ,this time I won't buy that.

"Hindi naman sa ganun,Iana pero kasi ang dami ko talagang naka-pending na trabaho ngayon. ,i'm really sorry. ,I won't say na babawi ako kasi baka hindi ko rin magawa. ,sorry talaga. ,kinagat ko ang aking labi para pigilan ang paghikbi.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Iana agad ko ng tinapos ang tawag. Saka ko pinakawalan ang aking mga luha. In my mind I keep on saying sorry to Iana. I hope they can forgive me sa ginagawa kong pag-iwas sa kanila.

Kung bakit kasi nagkaroon pa kami ng parehong kaibigan?

Alam ko naman ako lang ang tanging apektado sa aming dalawa. Asa pa naman akong maaapektuhan siya. Para sa akin he was a first class asshole,jerk person that I ever met. Certified playboy,nakikita kong masasaktan pa rin ako kapag ipinagpatuloy ko ang nararamdaman ko sa kanya but with the way he treated me back then umasa ako. Putanginang pag-asa yan,nakakamatay!

Pero ngayon ipinapangako kong kalilimutan ko na ang mga bagay na makakapagpaalala sa akin ng sakit.

Kahit na ang kapalit nito ay ang mga unti unting pagkawala ng mga kaibigan ko.

When the Good Girl Got Hurt(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon