Prologue

20K 613 112
                                    

Amara and Marcus

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Amara and Marcus

Separation

9 years ago, I was contented with my life. I have a 1-year-old baby girl named Mari Alessa. I was 16 back then, too young to be a mom, but it doesn't matter. Alessa is my life. She changed me. She chooses me and all that's matter.

I have my husband, Marcus Zyn Vasquez. We got married after I gave birth to our first child. Masayang-masaya ako noong araw na 'yon. Pakiramdam ko, wala na akong mahihiling pa. Mahal na mahal ako ni Marcus, at gan'on din ang nararamdaman ko sa kanya at kahit na napakabata pa namin ng mga panahong 'yon, ni hindi sumagi sa isip namin na takasan ang napakalaking responsibilidad bilang magulang sa aming anak.

My life was perfect as is it. Kahit 'di ako naniniwala na may nag-eexist ngang 'perfect', para sa'kin perfect ang buhay ko. Nakumpleto 'yon with Marcus and Mari.

Bata pa ako n'on, pero pakiramdan ko, naranasan ko na kaagad ang kakuntentuhan ng buhay. Masaya ako sa pamilyang meron ako. I have Marcus and Mari. I have my own family.

Matapos kong makapanganak, ay bumalik ako sa pag-aaral. Grade 12 na ako. Si Marcus ay ganoon din. 2nd year College naman s'ya at kumukuha ng Business Course. Kahit mahirap pagsabayin ang pagiging estudyante at nanay ay kinaya ko.

Ganoon talaga. Kapag mahal mo ang isang bagay o isang tao, kahit mahirap kakayanin mo. Lahat ibibigay mo para sa taong 'yon.

Naging maayos ang buhay ko. Kahit ang mga kaibigan kong sina Cassandra, Jesarhel, at Sia ay ahead na sa akin ng isang taon ay walang nagbago sa aming pagkakaibigan--

Until that one fateful day--

Umuulan ng hapong iyon. Masarap sa pakiramdam ang malamig na paghaplos ng hangin sa aking balat. Yakap-yakap ko ang aking anak na si Mari, habang marahan ko s'yang hinehele. Hands-on kasi ako sa kanya. Gusto ko ako mismo ang nag-aalaga sa aking anak.

Wala pa si Marcus ng araw na yon. Kahit sabado kasi ay may pasok ito. Habang yakap ko ang aking anak ay pinagmamasdan ko ang papahinang pagpatak ng ulan, hanggang maisip kong sunduin si Marcus-- Gusto kong sunduin ang asawa ko at pagkatapos noon ay gusto kong magdate kami bilang isang pamilya.

Hindi na ako nagdalawang isip. Nagbihis ako. Binihisan ko rin ang anak ko. Tutal naman ay mahigit isang taon na ito, at tila ba nakakaintindi. Simpleng puting t-shirt na may nakalagay na 'Mom' sa harapan ang suot ko. Anak ko naman ay simpleng baby dress na kulay red, na lalong nagpatingkad sa kanyang maputing balat. Kamukhang kamukha n'ya si Marcus. Kuhang-kuha nito ang kulay asul nitong mga mata.

Pangiti-ngiti pa akong bumaba. Hindi na umuulan, kaya laking pasalamat ko dahil mukhang umaayon ang panahon sa balak ko ngayong hapon, nakakaexcite!

Agad kong tinungo ang sarili kong  sasakyan. Maingat kong inilagay ang anak ko sa tabi ng driver sit. May upuan doon na para talaga sa baby, para safe kapag nagbabyahe kami. Confident naman akong driver, dahil maingat talaga ako magmaneho.

Matapos noon ay masaya kaming umalis ng anak ko. Sa kalagitnaan ng byahe ay tanging munting hagikgik ng anak ko ang pumupuno sa loob ng aming sasakyan. Natutuwa naman akong pakinggan ang tawang iyon hanggang sa... Maramdaman ko ang malakas na pagsalpok ng tila mabigat na bagay sa likurang bahagi ng sinasakyan namin ng aking anak, dahilan upang mawalan ako ng kontrol sa pagmamaneho. Abot-abot ang ginawa kong paghinga sabay tingin kay Mari, bakas sa mukha nito ang takot, pilit kong inaabot ang aking anak, ngunit isang malakas na pagbangga ang muling tumama sa tagliran ng sasakyan namin. Sa gilid mismo na anak ko!

Kitang-kita ko ang pagtama ng isang sasakyan sa gawi ni Mari. Kitang-kita ko kung paano marahas na bumangga iyon sa aming mag-ina. Tila wala na akong maramdaman sa mga nangyayari habang ilang beses gumulong ang sinasakyan naming mag-ina. Ilang beses kong naramdamang may tumama sa ulo ko, ngunit wala na akong pakialam. Gusto kong iligtas ang anak ko, pero wala akong magawa-- wala akong nagawa. Nang tumigil ang ilang pag gulong ng kotse ay nakita ko ang ang anak kong duguan. Naliligo ito sa sariling dugo. Naramdaman ko rin na may masakit na parte sa katawan ko, ngunit hindi ko na iyon ininda pa.

"Ma--Mari," utal kong tawag. Pilit kong inaabot ang katawan ng duguan kong anak ngunit sadyang kahit ang katawan ko ay hindi ko na kayang igalaw. Impit na daing at iyak na lamang ang nagawa ko hanggang mawala na ang anak ko sa aking paningin--hanggang magdilim ang lahat.

Nawala ang anak ko na hindi ko man lang nakitang ibinurol ito. Dalawang buwan akong naratay sa ospital. Matapos noon ay nalunod ako sa pagsisisi. Nawala ako sa sarili dahil nasa akin ang bunton ng sisi sa pagkawala ng aking anak. Lahat ng tao sa paligid ko ay inilayo ko sa akin. Walang araw na hindi ako tumangis. Naging marupok ang relasyon namin ni Marcus. Inilayo ko ang sarili ko sa kanya sa takot na isumbat n'ya ang pagkakamaling nagawa ko. Hirap na hirap na akong mabuhay noon. Hirap akong bumangon sa mga umagang nagigising ako. Hirap na hirap akong pakiharapan ang mga taong nagmamahal sa'kin dahil naguguilty ako sa nangyari.

We're drifted apart. Me and Marcus. I pushed him away.  I started to get drunk everynight. I get drunk everyday so I couldn't feel the pain. So I could forget the accident. So I can be moved on. But still, the pain is with me. It still lingers in every bit of my soul, in every piece of my heart in every angle of my soul. I am so empty. Dying.

Alam kong ginawa ni Marcus ang lahat nang paraan maging maayos kaming dalawa. I saw his pain every time I push him away. Away from me. I hurt him emotionally. Unti-unti kong nakalimutan na dalawa kaming nawalan ng anak. Nakalimutan kong mag-asawa kami. Na may sinumpaan kaming pangako na magsasama kami sa hirap at ginhawa. Sa lungkot at sa say. Na haharapin
namin ang bawat pagsubok na dadating sa buhay naming dalawa. Na magkasama kaming haharapin ang bukas dahil kami ay iisa.

Hanggang ang lamat nang pagsasama naming dalawa ay tuluyang napigtas. Walang natira. Nasira kaming dalawa. Nawasak ako, nasaktan ko ang asawa ko. Ang sirang iyon ay lumalim. Lumawak na tila apoy na lumamon sa buong sistema ko...sa Sistema naming dalawa.

" Hindi lang ikaw ang nasasaktan Amara! Alam mo ba kung gaano kasakit makita ang taong sobra mong mahal na winawasak ang kanyang sarili? Alam mo ba kung gaano kasakit makita ka na nasasaktan habang ako walang magawa dahil hindi mo ako hinahayaan na tulungan ka? mahal na mahal kita Amara at kahit nawalan tayo ng anak ay nandito parin ako para samahan ka sa sakit! sa lungkot. Putang ina naman! Aksidente ang nangyari. Walang gustong mawala si Mari! Lumaban ka naman Amara! ilaban mo naman ang pagmamahalan nating dalawa, dahil konti nalang... Konti nalang susuko na ako dahil ang sakit sakit na!" Parehas kaming umiiyak ni Marcus ng gabing iyon. Isang gabi na naman na puro hiyawan ang maririnig sa kwartong iyon.

" Ang sakit-sakit na parang iiwan mo narin ako. Ang sakit sakit na itinataboy ako. Kailangan kita Amara dahil nawalan din ako. Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito. Mas masakit sa akin ang nangyari dahil wala ako para iligtas kayo. Wala ako doon Amara!" 

Matapos ang gabing iyon ay tuluyan kaming nagkalayo ni Marcus. Huli narin siguro na pagsisihan ko ang lahat dahil ang layo-layo na ni Marcus nang magsimula akong humakbang patungo sa kanya.

Pinilit kong ibalik sa dati ang lahat ngunit huli na. Napagod na si Marcus. Nasaktan ko na s'ya.

Hanggang isang araw--

Nakita ko nalang ang asawa ko na pagmamay-ari ng iba.

Wala akong sinabi. Umiyak lang ako sa kanyang harapan. Humihingi ng tawad. Humihingi ng chance para bumalik s'ya sa'kin, pero wala na.

He already made a decision.

He chooses another woman...

He chose her because she's pregnant...

________________________________

Violent Reaction?

AmaraWhere stories live. Discover now