Sa paggawa ng tula,
Kakaibang saya ay nadarama,
Kalungkuta'y nawawaglit sa isipan,
Galit sa puso'y nakakalimutan.
Sa paggawa ng tula ako'y masaya,
Tunay na ako ay naipapakita,
Aking talento'y aking naibabahagi,
Habang mga akda ko'y kanilang pinupuri.
Biyayang kaloob sa akin ng Panginoon,
Ito'y hindi hahayaang sa lupa'y mabaon,
Nais ko pang ito'y mas palaguin,
Sarili'y didiligin at patuloy na hahasain.
YOU ARE READING
Mga Natatanging Tula
PoetrySa paggawa ng tula ako'y masaya, Tunay na ako ay naipapakita, Aking talento'y aking naibabahagi, Habang mga gawa ko'y kanilang pinupuri. © PLEASE DO NOT COPY WITHOUT THE AUTHOR'S CONSENT!