Ika'y anghel na bigay ng Maykapal,
Sa aki'y ibinuhos ang buong pagmamahal,
Sa iyo'y wala nang maipipintas pa,
Sa buhay ko, ikaw ang nag-iisa.
Talo ko pa ang nanalo sa lotto,
Nang ika'y maging parte ng buhay ko,
Sobrang nagpapasalamat at ika'y dumating,
Ating relasyon, sana'y malayo pa ang marating.
Anumang problema ang ibigay,
Tayo'y hindi agad na susuko't bibigay,
Ito'y ating lalagpasan nang may buong pagmamahal,
Ating kaisa ang Poong Maykapal.
Wala mang kasiguraduhan ang lahat,
Lubos pa rin ang pasasalamat,
Kung hindi man tayo ang itinakda para sa isa't isa,
Ako'y masaya dahil sa buhay ko'y naging parte ka.
YOU ARE READING
Mga Natatanging Tula
PoetrySa paggawa ng tula ako'y masaya, Tunay na ako ay naipapakita, Aking talento'y aking naibabahagi, Habang mga gawa ko'y kanilang pinupuri. © PLEASE DO NOT COPY WITHOUT THE AUTHOR'S CONSENT!