5

801 18 0
                                    

"Ok ka lang Aly?" Napatingin naman ako sa kanya.

Nandito kami ngayon sa kwarto niya at nakahiga.

Madami akong iniisip dahil sa kanya.

"Oo naman" Ngumiti naman siya sa akin.

Napatingin ako sa kanya. At napatingin din siya sa akin.

Lumapit ang mukha ko sa kanya at nakita ko namang kumunot siya.

Hindi ko na lang pinansin yon at mas lalo kong nilapit ang mukha ko sa kanya.

Ng malapit ko na siyang mahalikan ay naramdaman kong tumayo siya at napayuko ako sa ginawa niya.

Hindi nga pala siya ganon.

"Aly sorr---" Pinutol ko ang sasabihin niya at tinap siya sa shoulders niya.

"Hindi ka ganon di ba?" Sabay alis sa harap niya.

Dali dali akong lumabas ng condo unit niya at tumakbo sa condo unit ko.

Naiinis ako.

Naiiyak ako.

Kasi nafafall ako sa taong hindi naman ako kayang mahalin kasi hindi siya kagaya ng mga lalaking tanga na gumagamit sa akin.

Kasi perfect siya.

Mahal ko na si Troy.

Inaamin ko simula nung nagkakilala kami ay nakilala ko kung sino talaga siya.

Simula non, hindi na ako naghanap ng lalaking pwede kong makasex

Nagpakatino ako kasi mahal ko siya.

"Aly, open the door" Sabi ni Troy na kumakatok ngayon sa pintuan ng condo unit ko.

"Umalis ka na!" Sigaw ko sa kanya.

Pero patuloy pa din ang pagkatok niya sa pintuan ko.

"Aly! Ano bang nangyayari sayo?" Sigaw niya sa labas.

"Umalis ka na! Please!" Sigaw ko sa kanya at hindi na siya kumatok pa.

Ayoko na.

Hanggat pwede pang pigilan ang nararamdaman ko, ititigil ko na.

Ayoko ng isugal pa ang puso ko sa taong ayaw sa akin.

Ayoko na.

Babalik ako sa dating Aleshia.

The Cassanova Princess Meets The Perfect Prince (SHORT STORY) Onde histórias criam vida. Descubra agora