Be my coach

26 0 0
                                        

Nung una, sabi ko sa sarili ko 'Marunong ba talaga mag basketball yang babaeng yan? Mukha namang pabebe.'

But when I saw her shot, nilunok ko lahat ng mga sinabi ko.

Napatulala kami ng mga katropa ko ng may isang babaeng nagshoot na mukhang kakagaling lang sa bahay at may dala pang face mask.

"T-tol, nahanap ko na ata ang mamahalin ko habang buhay." Sabi ng katropa kong si Leo.
"Mukhang tambay 'to sa tom's world." Sabi naman ni Biko.
"Mukhang mayaman pre. May pambiling token." Pabiro kong sabi.

"Bek." Sabi ng babae sa batang may ari ng bola. Napatulala yung bata. Hindi ko alam kung dahil maganda yung babae o dahil magaling lang sya.

3points yung shoot nya kanina. Ngayon naman lumapit sya onti sa basket at sa pusisyon nya at dahil nakatagilid sya, wala yan.

"Mukhang tsamba lang yung kanina. Wala na 'to." Rinig kong sabi ng mga tambay sa court.

Hindi sya katangkaran. Hindi rin ganun kaputi at kapayat. Mukhang babaeng sopistekada. Pero pag nag shoot na...

"Woah..."
"Witwiw"

Napangiti yung babae pero bigla ring nalungkot.

"Bakit ate? Nashoot mo naman ah." tanong nung bata.
Ngumiti lang sya sabay sabing "Isa pa."

Binigay naman nung bata.

Nakaka ilang shoot na sya at wala talagang mintis.
"Swabe." Sabi ni Biko
"Kyle, hingin mo yung number." Utos ni Leo sa kin.
"Naku. Baka sabihin nya breezy ako. Wag na tol."
"Di ba natalo ka sa one on one natin, yan na lang yung gawin mo. Wag mo na kong ilibre ng ice cream." Patol ni Leo.
"Sus." Sabi ko nalang dahil wala na kong magawa.

Habang naglalakad papunta sa kanya. Nag lay-up sya.

Pagkababa nya. Narinig ko syang humikbi.

"Ate, bakit? May masakit ba sayo?"
Umiling sya.
"Miss, ok ka lang?" Tanong ko.

Bigla syang tumakbo. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at sinubukan kong syang pigilan. Pero dahil ang bagal ko, face mask lang na nakasuot sa kamay nya ang nahablot ko.

"Tsk!"

Sabihin nyo nang tanga ako dahil hinahabol ko sya ngayon.

"Saglit! Miss!"

Papuntang simbahan na yung kalsadang dinadaanan namin. Baka dun sya iiyak katulad sa mga penikula.

Pero dahil kwento lang 'to ng buhay ko. Hindi sya dumaan dun. Nilagpasan namin yung simabahan.

Hinihingal na ko.
Malayo pa ba yung iiyakan nya? Parang ayoko na syang habulin.

Mayamaya pa. Bumagal na yung pagtakbo nya.

Huminto sya sa ospital.

"Miss."
"Hindi mo na dapat ako hinabol. Hindi 'to teleserye."
"Baka kasi pagnasaan pa ng katropa ko 'tong face mask mo. Tsaka hindi ko din alam kung ba't kita hinabol." Pagkasabi ko nun napatingin sya sa 'kin.

Namumugto yung mga mata nya. Namumula, at mukhang paiyak na naman sya.

"Ah. Eto na." Inabot ko yung face mask nya.
"Salamat."

Napatingin ako sa napaka laking ospital na nasa harap ko. Bakit sa ospital sya huminto?

"Nandito kasi yung kaibigan ko. May injury sya sa paa."
Nakakabasa ata sya ng isip. O halata lang sa mukha ko yung curiousity ko.

"Sus. Yun lang pala. Nagkainjury din ako dati, makakareco---"
"She was diagnosed... Bone cancer."

Napatingin ako sa kanya.

"Last week pa nangyari yung injury nya. I was in vacation. My mom just told me this morning. She said she forgot to tell me. I hurried... even when i'm on my pajamas... I went here. Just to see her lying on bed with that straight line on that stupid thing."

Umiyak ulit sya.

"She was... the one who taught me how to play, how to shoot, how to dribble. It's too sudden... Parang bulang bigla nalang nawala."

Wala kong masabi. Sa mga pagkakataong 'to hindi ko alam kung pano mag comfort.

"I just need someone who can hear my story. Thank you."

Tumingin sya sa kin.
Nastar struck ako.

"Can I be your coach? You're awful in your one on one with your friend."
Natawa ako. "Sige. Sakto magtatry outs ako sa varsity walang magtuturo sa kin."

—————————

Few years ago...
"Wait! Miss!"
"Hindi mo na dapat ako hinabol. Hindi 'to teleserye."
"I know. I just--- when i saw you play i admired you. Hindi ko din alam kung ba't kita hinabol. I want to play basketball too! Please be my coach! Please, Ellie. For old times sake."

One Last ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon