16th

81 8 0
                                    

•••

"Noon at Ngayon"

Kung iisipin natin ang pinagkaiba? Madami, Malaki.
Tulad nalang ng sa modernisasyon.

Noon;
Bahay kubo,
Mga larong sa labas ng kalye nagaganap,
Mga kantang pang bayanihan,
Mga lugar na pinapangalagaan at binibigyang ng halaga.



Ngayon;
Mga iba't ibang impraestraktura na naitayo,
Mga gadgets na nilalaro sa loob ng bahay,
Mga kantang sa ibang bansa nagmula,
Mga lugar na hindi pinagkaka-ingatan.

Sa mga kaugalian;

Noon;
Bayanihan,
Suportado ang bawat isa,
Mapagmahal sa kapwa,
Malakas ang pananalig sa Diyos.

Ngayon?
Pabagsikan,
Pagalingan,
Mapang-abuso sa kapwa,
Mapagmaliit sa kapwa,
Masyadong mapagmataas,
Pera lang ang mahalaga,
Ginagawang katuwaan ang pagsunod sa tama at ang pananalig sa maling gawain,

Sa isang relasyon;

Noon;
Binibigyang halaga,
Minamahal ng tunay,
Hindi niloloko,
Tumatagal.

Ngayon;
Ginagawang pustahan,
Pinaglalaruan,
Niloloko,
Sinasaktan,
Pang isang linggo lamang.

Marami nga talaga ang pinagkaiba noon at ngayon.
Malaki nga talaga ang pinagkaiba ng noon at ng sa ngayon.

Ngunit malalaman natin na mula sa pagkakaibang yun,
Meron nang pinagkakahalintulad ang mga tao ngayon, kung tatanungin niyo ang isa sa mga tao ngayon ng pinagkaiba noon at ngayon sa isang relasyon,
Ang kanilang mga kasagutan ay;

Noon;
Sweet kayo sa isa't isa,
Ayaw niyong malayo sa isa't isa,
Mga pangakong kinakikiligan niyo,
Mga bagay sa future na iniisip niyo.

Ngayon
Malamig na pakikisama,
Gumagawa ng paraan para magkalayo kayo,
Pangakong napako,
Mga bagay sa future na wala sila.

Wala man tayong gaanong alam noon pero ang mahalaga ay natututo tayo sa bawat araw na meron tayo mula sa nakaraan ng ating buhay.
Wala man tayong gaanong alam noon pero ang mahalaga ay nandiyan ka pa rin, lumalaban para sa araw araw mula sa isang masalimuot na nakaraan.
Wala man tayong gaanong alam noon pero ang mahalaga ay marunong kang magpatuloy sa buhay na nasimulam mo.

Dahil sa ating buhay?
Mahalaga ang ikaw bago ang iba,
Mahalaga ang sayo at hindi ang sakanya,
Mahalaga ang iyo hindi ang kanya.

Kailangan muna nating isipin ang sarili bago ang iba.
Kailangan nating pakialaman kung ano ang atin hindi ang sa kanila.
Kailangan nating tandaan na matututo tayong mabuhay mula sa mga aral natin sa ating nakaraan.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon