Jasmine's POV:
Hay. Nakakapagod pala ang bumyahe. Grabe almost 18 hours akong gising. Paano ba naman. Muntik na ma-delay yung isa kong flight sa California papuntang Singapore. Tapos naghintay pa ako ng oras para sa next flight ko dun papunta dito sa Pilipinas. Hassle.
Nakita ko agad ang kumakaway na si Manang Julia. Katulong namin sa bahay. Ang effort talaga ni Manang. Sabi ko kila Mommy na kaya ko naman umuwi magisa. Ayan tuloy, sinundo nya pa ako.
Nilapitan ko si Manang Julia at niyakap. God, I missed her. "Welcome home Jasmine!" Aniya ni Manang nang humiwalay kami sa yakap. "Grabe,-" hinawakan niya ang dalawa kong braso. "Ang laki ng pinagbago mo! Ang ganda na uli ng kutis mo at mas lalo ka pang tumangkad!" Tumawa ako.
"Grabe ka naman ate. Halos work nga ang ginawa ko dun sa Cali sa loob ng tatlong buwan na nandoon ako. Feel ko nga ate naga-age na ako. Huhu" Natawa si Manang.
"O siya, i'll get your bags na. Andun si Manong sa Parking Lot. Dala nya yung Van." Aniya ni Manang.
Tumango ako at dinala ang mga bag na kaya kong dalhin. Nakakahiya kay Manang e.
Naspot ko agad si Manong at narecognize nya naman ako. Kinuha nya ang mga bag na dala namin ni Manang at nilagay nya sa likod.
Pumasok na kami agad ni Manang sa van at bumyahe na.
Mabilis lang ang byahe namin papuntang bahay. Binuksan agad ng mga guard ang gate ng bahay nang makita nila ang sasakyan.
Dumiretsyo kami sa garahe. Pababa na ako ng sasakyan ng may nakita akong familiar na sasakyan.
Jazper. I wonder he might be here.
Pagkapasok ko sa bahay ay sinalubog ako ng bibong bibo kong aso, si Roo. I leaned down to hug my little dog. Ang fluffy nya talaga. Chow chow kasi e. A.k.a Walking Pillow.
Somehow, narelieve ang stress ko kay Roo. Cutie e. Sinalubong din ako ng aking kapatid. Wow. Tumangkad siya. Which makes me jealous.
"Hi Twinnie." He grinned. "Welcome back." He crossed his arms and smirked. Wala paring magbabago sa kanya. He's still the charming twinnie I know.
And you heard it right. May twin ako. We are not really that identical. Sa itsura pwede pa. Pero sa ugali hindi. He's bipolar and cold. While im just chill and calm with life.
"Hello to you too twinnie." I smiled back. He offered to give me a hug at pumayag naman ako.
"Even though labag to sa kalooban ko pero, namiss kita." Sambit nya sa tenga ko habang kayakap nya ako. Aww. "I missed you too twinnie." Humiwalay kami sa yakap. "At wow ha. Labag talaga sa kalooban na sabihing namiss mo ko? Ang saya mo talagang kapatid." I said sarcastically.
"Buti alam mo." Aniya, while sticking his tongue out. Umirap nalang ako pabalik at sinapak siya. "Aray! Grabe naman o" Tumawa nalang ako.
"Jasmine!" Tumingin ako sa direction ng boses. "Mom!" I hugged her too. I missed her.
"Welcome home dear." She patted my back habang kayakap ko parin siya. Once we broke the hug, nagmano naman ako sa kanya. "Look at you, you changed! You became more beautiful and gorgeous. And mas lalo kang tumangkad!" Wow. Parehas pa sila ng sinabi ni Manang Julia.
YOU ARE READING
Picture Perfect
Teen FictionI've been through rough times, but this one is the hardest. Pain. All that pain that stabs you. I've suffered so many pains in life but, this one hit me the most. And the worst is, these pains hit you all at once. Am I really that hard to love...
