Paunang Salita

4 1 0
                                        



Minsan pagod ka na lang sa kakabasa ng kung ano-anong kalandian nating mga kabataan tungkol sa pagmamahalan. AS if naman na ang dami nating alam diyan e kinuha lang naman natin ang depinisyon ng salitang ito kadalasan sa walang hanggang internet quotes na nakikita natin. Para sa 'kin, may mga dapat at hindi dapat ma-in love sa mundo.

Pero wala akong sinabing hindi ko naeenjoy ito. Ang saya kaya maka-experience ng kislap. Yung tipong inaantok ka lang sa bus tapos napasandal ka sa balikat ni Kuyang gwapo... then paggising mo nawala na ang pitaka mo.

Dalawa lang naman kasi ang uri ng tao pagdating sa love, ang mga romantic at pragmatic. Pragmatic ako, oo. Ang sarap kaya tawanan ng mga katangahan ng mga taong romantic. Yung tipong pag nagmahal, una ang ulo sa pagdive kaya ayun, nababagok, nagiging bobo.

Pero sino nga ba ako para magsalita ng tapos?

Tulad ng iba umaasa din ako sa isang tao na alam ko naman na kahit kailan ay ako lang ang makakakita ng posibilidad ng pag-iibigan.

Hindi ko nilikha ang artikulong ito dahil lamang sa bitter ako. Nilikha ko ito dahil trip ko lang. Kaya para sa nakabasa, babalaan ko na kayo.

READ AT YOUR OWN RISK.

May mga kabanata ito kung saan mapapa-shit ka na lang kung bakit hindi naging sila o bakit hanggang dun na lang.

Kaya nga mumunting kislap ang title nito eh. Puro sparks lang.

Mumunting KislapWhere stories live. Discover now