Tik.tok. tik.tok.
Ugh. Nakakainis talaga sya! Akala nya talaga kina pogi nya yung pagiging late nya.
''Denden!''
Tawag sakin ng boyfriend kong si Alex.
Nakakunot nuo ko syang tinignan. Humahangos naman syang umupo sa tabi ko.
''Pasensya kana Denise, alam mo naman na may report kaming kailangan tapusin diba?''
Pagpapaliwanag nya. Oo nga pala, graduating na kasi sila kaya madami silang kailangang report na ipasa para maka pasa.
Naiintindihan kong may report sya at busy sya, kaya lang pwede naman sya mag text manlang diba?
''May load ka ba?'' Tanong ko sakanya.
''Meron. Bakit?'' Tanong nya pabalik.
''Bat di ka manlang nag text?'' Tanong ko ulit.
''Sorry na. Sorry na Denden. I love you.'' Pang susuyo nya saakin.
''I love you too.'' Sagot ko sabay halik sakanya.
Mahal na mahal ko talaga si Alex. Sobrang swerte ko sakanya, kahit na ako yung mali sya palagi yung nag so-sorry. Pag nag a-away kami, sya palagi yung gumagawa ng paraan para mag ka bati kami. Pag nag se selos ako, imbis na magalit sya, iniintindi nya ako at nilalambing.
Matalino kasi si Alex. Hindi sya ganun ka gwapo, hindi din naman sya panget. Matangkad sya, moreno, at may bilugan ngunit mahabang mata. Sikat sya sa school namin at madami din nag kaka gusto sakanya.
Ako? Hindi ako sikat. Ordinaryong estudyante lamang. Sabi nila cute daw ako. Petite, singkit na mata, malaking pisngi, maputi, at may mahabang buhok.
4th year high school na si Alex samantalang 3rd year naman ako. Hindi talaga kami close. Nag kakilala lang kami sa journal. Sports writer sya ng English habang ako naman ay news writer ng English din.
Nag kasama kami ng lumaban kami sa ibang school. Dun kami naging close, hanggang sa mag tapat sya saakin at ligawan nya ako.
2nd year sya nun samantalang ako naman ay nasa 1st year. Alam kong masyadong maaga para sa edad ko nun ang mag karoon ng nobyo pero hindi ko na inintindi pa yun dahil sa pag ka gusto ko kay Alex.
Akala ko pag naging kami ay mababawasan na ang mga tiga hanga nya. Pero nag kamali ako dahil marami pa din nag la-lakas na loob na lumapit at landiin sya.
Masyado kasing mabait si Alex. Kahit na naiinis na sya sayo, hindi ka pa din nya pakikitaan ng masama. Lalo na sa mga babae. At nang dahil dun, naging selosa ako.
Pag may lumalandi sakanya, ine-explain nya na may girlfriend na sya. Pero dahil nga masyadong mabait ang pakikitungo nya ay hindi pa din sya tinitigilan ng mga ito, ayaw pa din sumuko.
Yun ang madalas namin pag awayan. Pero hindi din nag tatagal dahil nilalambing nya agad ako. At dahil mahal na mahal ko sya ay humuhupa na agad ang selos ko.
Bago kami umuwi ay nag date kami. Nanood ng movie, nag arcade, kumain sa favorite fast food chain namin. Pagkatapos nun hinatid nya na ako pauwi.
Sobrang saya ko talaga pag kasama ko sya. Wala na akong hihilingin pa.
***
YOU ARE READING
4:32
Short StoryOne shot ー Break na tayo. Pero shempre joke lang yun, mahal kita eh. ©Dalle Lion ❤
