Chapter 8

6.1K 210 1
                                    


Eurixiah's P.O.V

"Kamusta Red Dragon?" bati ko sa kanya

"uhm prinsesa, pwede bang- aaarrghhh" saad niya at mukhang may inaabot siya na hindi niya maabot sa bandang likuran niya..

"ito ba?" tanong ko..

"oo ayan! Makati!" at kinamot ko ang likuran niya..

"haaays, salamat prinsesa napakabuti mo talaga.."

"ahaha, kaya pala hindi ka mapakali, nasaan si lamb beast, bakit kulang kayo?"

"pinagsasanay ng iyong ama prinsesa, at hindi po namin alam kung bakit" saad ni Great Harlot

"kung ginagamit kayo ni ama para makapanakit ng tao o nang kahit sino, pakiusap wag na kayong sumunod"

"bakit po?" tanong naman ni Black Leopard

"dahil mapalad ang iniisip ang kabutihan ng kapwa kaysa sa sarili, kahit ang iyong kaaway ay dapat mo ring mahalin" at nginitian ko sila.

"parang napakahirap naman.." si Red dragon.

"mahirap siyang gawin, pero masarap sa pakiramdam kapag nagawa mo na, maniwala kayo sa akin"

Ngumiti lamang sila

"mamahalin ko na si Lamb beast" saad ni Great Harlot

"hahahaha!" nagtawanan lahat.. "madalas mo ba siyang kaaway?"

"oo prinsesa, napaka pikunin niya"..

"at mapang asar ka kasi Harlot" saad naman ni Black Leopard.

"hindi talaga maiiwasan ang pag-aaway pero sana ay marunong kayong patawarin ang isa't isa"

Ngumiti lamang sila. "oh sige ha? mauna na ako" at nagsiyuko sila upang magbigay galang..

Umalis na ako upang kamustahin ang 7 Godesses.. Walang sumundo sa akin nung huli akong pumunta sa lupa, dahil pala busy rin si ama.. buti nalang.. haaaayyss.

"Princess Eurixiah!" tawag ni Envary at yumuko silang lahat, yumuko rin ako.

"kamusta kayo ng lover mo?" si Glutta

"lover? Kaibigan ko lang si Aqua"

"asus! Akala mo ha! hindi namin alam? dinala mo siya sa himpapawid at ang saya saya niyong lumipad." Si Envary..

"try rin natin?" saad ko..

"magagalit ang iyong ama" si Lust at napansin kong nakayakap sa likod niya si Pride.

"may couple ata tayo rito?" saad ko habang nakatingin sa dalawa.

"ay oo! Isa pa yang dalawang yan!" singit naman ni Wrathice. "nakakairita ang paglalambingan akala mo walang mamaya" dagdag niya.

"inggit ka lang!" si Pride..

"ayan nanaman sila.. haaayss" si Glutta na napahawak sa noo niya.. hahahahaha!

"hindi ako naiinggit nandidiri ako!"

"ah so nakakadiri kami ganun!?" si Pride..

"oo! Yuck!" sabay irap ni Wrathice..

"sandali nga!" bahagyang bibitaw sa pagkakaakap si Pride kay Lust ngunit hinawkan lang siya ni Lust at humalik sa pisngi nito..

"tama na, wag ka nang makipag away Pride, dito ka lang, yakapin mo lang ako" saad ni Lust at napasunod naman niya si Pride.

"ayiiiiiiiieeeeee, kilig much" singit ni Avaricia, ang Godess of Avarice na kakarating lang, parang antagal na mula nung huli ko siyang nakita.

"kumpleto narin tayo sa wakas! at Saan ka galing?" si Glutta.

When An Evil Falls Inlove (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon