CHAPTER 2 ~ I Love You ~

Start from the beginning
                                    

"Hey, new guy! You're chopping the leaves wrong. And if you keep on staring at her mawawalan ka ng daliri."-yale

Nilingon ko si Kellan na kasalukuyang namumula. He's younger than me...three to four years siguro ang tanda ng bente-anim kong edad sa kaniya.

"You need to roll the leaves before you cut it. Hindi parsley iyan. Gayahin mo ang ginagawa ng Eika love ko na kalevel ng kaperfect-an ng makisig kong pagkatao. "-yale

Binigyan ko ng matalim na tingin si Yale. "Shoo! Magluto ka na lang at wag mo kaming istorbuhin. Kailangan ka pa ng mga sandok mo."

"Mas kailangan kita love!"

Binato ko siya ng basil at natatawang lumayo na siya. Good..dahil baka siya ang irolyo ko na parang basil leaves para hiwain.

"S-Sorry po, Miss Eika."-kellan

"Hayaan mo na ang bagyong iyon. Anyway, katulad ng sabi niya kailangan mong irolyo ang mga basil leaves bago mo i-cut. That technique is called Chiffonade. Pwede mo ding gamitin iyan sa mint leaves."

Tumango siya at sinunod ang ginagawa ko.

"My gosh! Ang init! Matutunaw ang kakisigan ko dito. Dapat benteng aircon ang ipinalalagay natin dito."

Naniningkit ang mga mata na tinignan ko si yale. Sanay na ang lahat sa kaniya. Cue niya yan para maghubad ng Chef's jacket niya. Nag chef pa kung ayaw naman niya sa maiinit na lugar. Saan ka makakakita ng kusina na sobrang lamig?

-_______-

Binaba ko ang kutsilyo bago ko pa maisipan na itarak iyon sa kaniya. Hinayaan ko muna si kellan sa paghihiwa ng basil leaves at lumapit ako sa may sink para kunin ang mga nahugasan na na gulay na kailangang balatan. 

And of course mas napalapit ako kay Yale na kasalukuyang gumagawa ng version niya ng paghuhubad ng isang macho dancer.

"Hindi ka ba natatakot na matalsikan ng mantika?"-me

"Hindi. Dahil sinasamba ako ng lahat ng bagay sa mundo at alam kong hindi ako sasaktan ng pobreng mantika! HOHOHOHO!"

"Itigil mo ang panggagaya kay Santa Clause bago ka pa niya kasuhan ng plagiarism." Kinuha ko ang isang collander na puno ng patatas. "Martha, ibuhos mo kay Yale yang mantika kapag mainit na. Subukan lang natin kung masasaktan siya."

The Camp: He's My Secret Agent Kusinero (Book 6)Where stories live. Discover now