LAL Chapter 21

391 11 3
                                    

[Icah's POV]

"HAHAHA! ANG PANGIT MO NAMAN! MUKA KANG PINYA!" Sabi nung batang Babae dun sa kalaro niyang may Pimple at Medyo hindi kagandahang babae.

"Ang sama mo! Porket maganda ka ganyan ka na! Uwaaah! Isusumbong kita kay mami!" Sabi nung Batang sinabihan na mukang pinya. Tumakbo siya habang umiiyak. 

"HUY JOKE LANG!!!" Sigaw nung bata na kalaro niya at hinabol siya. Napailing nalang ako habang nag lalakad sa PlayGround ng School. Mga bata talaga ngayon. Ang hilig mang Bully. Naalala ko tuloy yung Batang nakaaway ko nuon.. Actually. Classmate ko siya ng gr.2 Her name is Monalyza. Dito ko din inaway yun. Sinabihan ko siyang pangit. Alam kong masama yun pero totoo naman. Meron siyang Malaking peklat mula sa ilalim ng mata niya  hanggang sa may labi. Medyo may kalakihan. Tska masyado pa akong bata noon. Kaya siguro nagawa ko yun. Umiyak siya nung  sinabihan ko siya ng Pangit. Kasama ko yung mga kaibigan ko noon. Sila din nakitawa. Pero ako ang nanguna sa panglalait. Tumakbo si monalyza habang umiiyak. Pero bago siya makalayo. May huli siyang sinabi sakin. Hindi ko alam kung sakin or sa aming lahat na tumawa.

"GAGANTI AKO SAYO! ANG BAD MO!" Sabi niya tska Tumakbo ng tuluyan. Simula nun. Hindi ko na siya nakita. Natatawa tuloy ako. Ang sama ko pala noon. Kamusta na kaya si Monalyza? Para tuloy nakonsensya ako sa ginawa ko. Kamusta na kaya siya? Mag kikita pa kaya kami? Ano na sigurong itsura niya? May peklat pa kaya siya? Ugh. Sabagay bata pa naman ako nun. HAHAHA!

"Veronicah!" Napatigil naman ako sa pag-lalakad ng may biglang may tumawag sakin.

"Ka-karlo?" Sabi ko Ngumiti pero biglang napalitan ng Pag-aalangan. May kasama siyang babae. Ang this girl is so familiar. Nag kita na ba kami noon?

"Eto nga pala si Kate. Best Friend ko." OH! Naalala ko na! Siya yung nakilala ko noon. Best Friend pala siya ni Karlo. Noon akala ko Gf. 

"Hi. Nice meeting you Kate." Sabi ko tska inabot yung isa kong kamay at ngumiti. 

"Hi din. Nice meeting you too Veronicah." Sabi niya tska tinanggap yung kamay ko.

"Bat pala nag-iisa ka icah?" Tanong ni Karlo.

"Ah.  Mas feel ko kasi yung Hangin kapag ako lang." Ano konek veronicah? -.-

"Gusto mo sumama ka samin? Nag kwekwentuhan kami. Kakauwi ko lang kasi galing U.S Gusto din kita makilala." Sabi ni Kate tska ngumiti.

"Thanks pero. May pupuntahan pa kasi ako." Sabi ko.

"Aw? Saan gusto mo ng kasama?" Tanong ni Kate.

"Nope. I'm okay. may aayusin pa kasi ako."

"Aw. Sige veronicah una na kami ni Kate. See you nalang mamaya sa Class." Sabi ni Karlo. Ngumiti lang ako, Ngumiti din siya sakin, tska sila umalis. Bakit ganun?  Yung mga ngiti niyang yun.. Bakit parang wala lang? Bakit wala manlang akong naramdaman na Galit? Saya? This few days. Pabago bago nalang yung mga nararamdaman ko. Hindi ko na alam, Kung mahal ko pa siya. Oh sadyang galit lang ako sakanya.. Bakit ganun? Napapagod nako.. Kahit nag sisimula parin ako.. 

"VERON!" Napatingin naman ako kagad sa nag salita sa likod ko.. Akala ko si Miggy.. Pero hindi pala. Isang lalakeng matangkad at tinawag ang Anak? niya. Akala ko bumalik na si Miggy.. Namimiss ko na yung tumatawag sakin ng Veron. Namimiss ko na yung taong lagi akong pinipigilan sa masasama kong balak. Bakit ganun? Nakaramdam nalang ako bigla ng sakit. 

Stop. Ayoko ng pakiramdam na toh. 

Feeling ko tuloy. Nag-iisa nalang ako sa Mundo. 

Namimiss ko na yung Best Best Friend ko. Yung laging kumokontra sakin. Hindi manlang niya ako minemessage o kaya tinatawagan. Chat, Tweet or Viber. Ano kayang ginagawa ni Miggy? Mula nung nakilala ko si Miggy. Lahat nag bago. Nung nalaman kong ampon ako. Masakit. Nung niloko ako ng kaisa isa kong minahal. Masakit. Pero nung nakilala ko siya, Yung tunay kong parent at si Sam. Lahat nag bago. Lahat NAGING MAS MAAYOS. Lahat masaya. Pero mula nungbumalik ako dito sa pinas, At nag plano ng pag-hihiganti. Lumayo yung loob ko sakanya.. Siguro nga naging makasarili ako. Pero nag mahal lang naman ako eh? Nasaktan ako kaya ako nag-bago. Kung hindi ako nag balik dito. Mararamdaman ko ba toh? HAY! I'm so drama! 

"Ate ate." Napatigil ako sa pag lalakad ng biglang may humawak sa damit ko. Isang batang babae na nanglilimos.

"Pang kain lang po." Dinukot ko naman yung wallet ko galing sa bulsa at kumuha ng 1000. At iniabot sa bata.

"Ipang kain mo yan ah? Huwag kang bibili ng kung ano-anu. Pag-kain lang."

"Opo. Salamat po ng marami." Sabi nung batang babae tska umalis. Isasara ko na sana yung wallet ko pero hindi ko nagawa dahil may nalaglag na isang picture. Pag kakuha ko sa nalaglag na picture. Napangiti ako. First Picture namin ni Miggy nung nasa ibang bansa pa kami. Masaya kami nila miggy at sam dun dahil we do all we want. Pati sila mommy. Hindi pa sila bc dun.. I doubt. Everything change. Ng hindi ko namamalayan. 

 Mamaya pag-uwi ko sa Bahay.. Kakausapin ko si Mommy At Daddy. Yayayain ko sila mamasyal.

****************************************************

MEDYO MADRAMA PO SIYA :))))

LAL: In a Relationship (BOOK1) [COMPLETE]Where stories live. Discover now