Umpisa

7 1 0
                                    

Ito ang unang araw ng klase ko simula nuong huminto ako ng isang taon sa pag-aaral. Second sem na ako nagenroll tutal ito rin naman ang kaparehong semester nung tumigil ako.

BS Info Tech ang kinukuha kong course at nasa 2nd year na rin ako.

Nasa labas palang ako ng room kung saan ang klase ko ay naririnig ko na ang ingay sa labas. Naririnig ko ang tawanan at asaran. Kinabahan tuloy akong pumasok. I have no idea kung sino ang mga kaklase ko. I held tight at my bag. At huminga ng malalim.

Pagpasok ko ay parang natahimik ang lahat. Nakatingin ang karamihan sa direksyon ko kaya napayuko ako. Kaya pala maingay ay dahil wala pa ang Prof namin. Nakasalpak ang earphones sa tenga ko pero walang music iyon kaya dinig na dinig ko ang paghina ng ingay kanina. Nagsimula na akong maglakad ng di sila pinapansin at naghanap ng mauupuan.

"Julian! Pakopya naman ako ng assignment natin sa Stat!"

Hindi ko alam kung sino iyong sumigaw pero boses lalake iyon. Nag asaran muli at nagsimula na namang mag ingay.

"Ayoko nga! Gumawa kayo ng sa inyo." Sigaw pabalik noong Julian.

"Ay! Madamot!"

Kinantiyawan iyong sumigaw ng kasama niya at nagtawanan ulit sila.

Umupo ako sa may second row. Medyo harap iyon at malapit sa pintuan. Tahimik lang ako at hindi ko parin tinatanggal ang earphones ko, wala naman akong kausap at wala rin akong katabi.

Maya-maya ay dumating na ang Prof namin at umayos na ang lahat. Nagpakilala siya bilang Mrs. Zipagan. Hindi siya matanda at hindi rin siya bata, palaga'y ko ay nasa mid 30's pa lamang siya. Palangiti siya kaya magaan ang takbo ng klase.

Matapos niyang magpakilala ay nagsimula na rin siyang magturo. Philippine Literature. Tahimik lamang ako at nakatuon ang atensiyon ko aming guro. Wala rin namang naglakas ng loob na tabihan ako dahil hindi naman nila ako kilala.

"Guys, natapos ko ng idiscuss sa inyo ang Introduction ng ating Literatura. Ngayon naman, gusto kong kayo naman ang magdiscuss infront of your classmates...

I will group you into 5. Your choice, kayo ba mismo ang mamimili ng grupo niyo o alphabetically nalang?"

Sa sinabing iyong ng Prof namin ay hindi ko na alam ang gagawin. Gusto kong sabihin na Alphabetically nalang dahil wala naman akong kakilala sa mga kaklase ko. Pero lakas nilang makasigaw na choose your own group!

"Ma'am, choose your own group nalang po para kilala parin namin kung sino ang magiging grupo namin." Sabi nung Julian.

Nagtalo pa ang mga kaklase ko sa kung ano ba dapat ang masusunod. Dahil sa ingay ay nagpasya ang Prof namin na choose your own group na nga at maximum of 9 sa bawat grupo.

Nagsimulang magpanic ang isip ko dahil wala akong kagrupo at walang lumalapit sa akin para kunin ako. Palinga-linga ako pero wala pa ring pumapansin sa akin. Yung iba ay nagpass na ng kanilang list of groups.

"Oh, may grupo na ba kayong lahat?" Tanong ng Prof namin.

Hindi ako umimik. Nagkunwari akong kalmante lang para hindi mapansin ng Prof namin na wala pa nga akong grupo. Ayokong matuon sakin ang atensiyon ng klase, na parang awang-awa dahil wala akong grupo.

"Boys! Di pa ba kayo tapos diyan?" Tukoy niya sa lalaking maiingay kanina. Nagkukumpulan sila at animo'y busy sa pagaanalyze ng isang bagay.

"Yes Ma'am! Tapos na po!"

Nagtuturuan pa sila kung sino ang magpapasa. Ngunit tumayo ang isa kanila at naglakad papunta sa harap dala ang papel. Nakapamulsa ang isang kamay niya at diretsong nakatingin sa harap.

Kaya nagulat ako ng huminto siya sa harap ko at tinanong ang pangalan ko. Kumunot ang noo ko at nagtakang tumingin sakaniya.
Naghiyawan ang buong klase dahil duon.

"Tss." Mukhang nairita siya sa ingay ng kaklase namin.

"Wala ka pang grupo diba? Pangalan. Dali!" Aniya at binigay sa akin ang papel na hawak niya.

Sa gulat ko ay hindi ako nakapagsalita. Napatingin ang Prof sa amin at nagtawanan naman yung mga kasamahan niya sa likod.

"Bilis na!" Naiirita niyang sabi.

"O..okay.."

Binigay niya sa akin ang Papel at walang sabing sinulat ko ang pangalan ko duon.

Denisse Isabella E. Ortega.

Binalik ko sakaniya yong papel. Saglit niyang tinignan at dumertso na kay Ma'am para ipasa.

Sa sandaling iyon, napahinga ako ng maluwag dahil may grupo na rin ako sa wakas.

Pagkatapos maipasa lahat ng list of groups ay isa-isa ng binigay ni Mrs. Zipagan ang topic ng bawat grupo. Starting next week daw ay mag uumpisa na ang first group. At group 4 kami.

Nag ingay ulit ang buong klase at nagsimula na akong ayusin ang bag ko. Nag uunahan pang lumabas ang iba kaya mas lalong umingay.

Inantay ko munang lumabas yung mga lalakeng maiingay bago ako lumabas ng room saka dumiretso sa susunod kong klase.

Under the MoonWhere stories live. Discover now