Katulad ng mga patak ng ulan galing sa langit ang kasabay ng pagpatak ng mga luha galing sa aking mga mata.
Katulad ng isang punong walang bunga ang naging buhay ko simula nang mawala ka, simula nang iwan mo 'kong nag-iisa.
Daig ko pa ang isang sanggol na iniwan sa isang bahay-ampunan, dahil buti sa kanila ay may mag-aalaga't magmamahal pa pero sa isang katulad ko ay wala na.
Para na 'kong isang ballpen na nawalan ng tinta, kaya tinapon mo nalang at pinabayaang mag-isa.
Para kong isang saranggola na noon ay kapit mo pa pero nung nagsawa at napagod kana, binitawan mo nalang bigla.
Simula pagkamulat ng aking mga mata ay ikaw na agad ang palaging hinahanap-hanap ko. Pero ikaw na rin ang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon pati sarili ko ay hinahanap ko.
Sabi mo pagmasdan ko lamang ang mga bituin kapag ako'y nalulungkot, pero sa tuwing gagawin ko yun ngayon ay nararamdaman ko ay puro galit at poot.
Inis, tampo, galit, poot, suklam, hinanakit, at lungkot nalang ang siyang palaging kong nararamdaman. Hindi ko na muling naramdaman ang kasiyahan simula nung mangyari ang isang bangungot na ito.
(FLASHBACK)
Isang gabi, narinig 'kong nag-aaway na naman kayong dalawa. Pero hindi ko na ininda at nanatiling tahimik lang ako dahil nasanay na 'ko. Nang biglang.................
*BENGGGGG*
Isang putok ng baril ang nakapagpatayo sakin sa higaan at lumabas ng aking kwarto.
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Nakita ko siyang nakahandusay sa sahig at wala nang buhay. At ikaw na may hawak na baril. Nanginginig ako sa kinatatayuan ko pero pilit ko parin siyang nilapitan nang may takot at kaba sa dibdib ko.
"Mama! Gumising ka! Papa, anong ginawa mo kay mama?" pilit kong pinipigilan na tumulo ang mga luha sa mga mata ko.
"So-sorry anak!"-Papa
"Papa! Bakit? Bakit mo nagawa kay mama 'to?" -Ako
"Hi-hindi ko sinasadya anak, patawarin mo 'ko!" -Papa
Naniniwala naman ako sayo na hindi mo sinasadya na mapatay mo si Mama. Handa naman akong patawarin ka. Pero gumawa ka ulit ng isang bagay na kung saan ay hindi ko na kinaya.
Pareho ng gabi kung saan hindi mo sinasadyang mapatay si Mama na siya ring gabi na.........
INIWAN MO KONG MAG-ISA.
Pinigilan kita hangga't kaya ko pero hindi ako makapaniwala na kahit anak mo ko ay makakaya mong iwan ako. At dun na tuluyang tumulo ang mga luha sa aking mga mata na matagal kong pinigilan dahil sa kadahilanang lagi kong sinasabi sa aking sarili na "ANG PAG-IYAK AY PARA LAMANG SA MGA MAHIHINA". At ngayong umiiyak ako, pakiramdam ko ay ang hina-hina ko.
-END OF FLASHBACK-
Nangako ka na mananatili ka lang sa tabi ko. Pero nasaan kana? Bakit mo 'ko iniwan? Iniwan mong nag-iisa. Tama nga sila na "LAHAT NG PANGAKO AY NAKATADHANANG MAPAKO".
Sabi mo ay hahanapin mo lang ang sarili mo. Pero sampung taon na ang lumilipas. Sampung taon na walang taong nagmamahal sa akin. Sampung taon na tiniis ko ang lahat ng mga panlalait at pang-iinsulto nila sakin. Sampung taon na kalungkutan at kahirapan ang aking pinagdaanan. Sampung taon na pagpigil ko na pumatak ang mga luha sa mga mata ko, pero sadyang traydor ang mga luha ko. At higit sa lahat, sampung taon na buhay nga ako pero pakiramdam ko ay patay na ako.
Hanggang sa dumating ang araw na bumalik ka. Nagpakilala ka. Niyakap mo 'ko nang sobrang higpit. Humihingi ka ng tawad. Lumuhod ka pa sa harapan ko. Umiiyak ka na parang ikaw ang naiwan, na parang ikaw ang nasaktan, na parang ikaw ang naghirap sa loob ng mahabang panahon.
Galit na galit ako sayo. Sinira mo ang pangako mong hindi mo 'ko iiwan. Sa tuwing naaalala ko yung mga ginawa mo ay parang gusto kitang gantihan. Sinisisi kita sa lahat ng mga nangyari sakin. Kasalanan mo ang lahat ng ito. Kasalanan mo kung bakit lumaki akong kulang sa pagmamahal, hindi pala 'kulang' kundi 'wala'. Walang nagmamahal. Kinasusuklaman kita.
Pero nung nakita ulit kita. Wala kong ibang nagawa kundi yakapin ka din nang napakahigpit, kailangan ko ng yakap mo. Kailangan kita. Hindi naging mahirap sakin ang patawarin ka. Kaya kahit nasaktan mo 'ko ng sobra, mas nanaig parin ang pagmamahal ko sayo at ang tanging salita lang na lumabas sa mga labi ko ay...........
"HUWAG MO NA KONG MULING IIWAN PA. MAHAL NA MAHAL KITA PAPA".
~~
Kahit gaano pa tayo nasaktan ng taong pinakamahalaga sa buhay natin ay mas mananaig parin ang pagmamahal natin at ang pagmamahal ay ang siyang pagpapatawad.
~
~
~
@imecci_
YOU ARE READING
When You Leave Me (One Shot)
Teen FictionIsa sa pinakamasakit na pakiramdam sa buong mundo ay ang iwan ka ng taong nangakong mananatili lagi sa tabi mo.
