ilang buwan na ang nakakalipas. Magstastart na ulit ang UAAP season. UAAP Season na kulang kulang ang volleyball team ng lalaki kasi wala si Ysay at Ish. UAAP season na walang espesyal na manonood sakin pag naglalaro. UAAP season na wala siya. Si therese.

Ngayon lang ulit ako nakaapak sa court ng gym. Sabay daw magtratraining simula ngayon ang boys at girls.

Habang nagtratraining I felt nostalgic. Bigla kong naiimagine si Therese sa kabilang court. Naalala ko yung mga tawa niya kasama sina Bea at Maddie. Yung serious mode niya pag naglalaro. Lahat namimiss ko.

Tanda ko pa nung una kaming nagkita. Sabay ding magtraining ang volleyball teams nun. Yung team namin, nakikipaglokohan sa kanila. Natutulala ako pag nakakaharap ko siya.

Isang beses nagspike ako, hindi ko alam na nandun pala siya sa tabi, sapol sa ulo niya yung bola. Seryoso, nahimatay siya. Nung mga araw na yun kinakabahan ako, akala ko nakapatay ako ng tao. Haha. Siyempre dinala ko siya sa clinic, hinintay kong magising. Dun kami unang nagusap ng mga bagay bagay. Na hindi naming inaasahan na darating sa pagmamahalan.

.. I miss you, Therese.

"Rex? Uy rex!" Sigaw ni josh

"Oh bakit?"

"After daw ng cool down at shower, may meeting daw tayo dito sa gym. Tara nang magcool down bro" sabi ni Josh

"Ahh sige sige." Binitawan ko na yung bolang hawak ko. Maya maya sumigaw si Alyssa at Mark.

"Guys! Lapit kayo dito!" Sigaw ni Alyssa. Siyempre lumapit kaming lahat. Yung iba nagbibihis pa habang papunta kayna Alyssa at Mark. Yung iba namang babae may nakaikot pang towel sa mga buhok.

"Ok so malapit na ang UAAP at this year may iba silang gagawin kasi may bagong school na sasali." Sabi ni Alyssa

"Eh? Madadagdagan nanaman tayo? Ano name?" Sabi ni Maddie

"University of Saint Paul daw. So may introduction of players and schools daw sa bawat sports. So siguro mga before ng first game yun monday." Sabi ni Mark

"USP? Never heard of that before." Sabi ni Josh

"Bago nga diba?" Sabi ni jho bigla silang nagtawanan

"Uy narinig niyo ba?" Sabi ni deanna

"Ang alin?" Tanong ni alyssa

"Marami daw nagalisan na players sa ibang team. Like, santiago and soltones." Sabi ni deanna

"Oo! Narinig ko rin yon pati sa men's meron" sabi ni Josh habang nakataas ang kamay

"Grabe ha. Nagkakawalaan ng players." Sabi ni Bea habang nakaakbay kay jho.

"Guys, kahit nagsecond ang womens, at nagchampion ang mens, dapat humble pa rin tayo ha. Enjoy lang ok?" Sabi ni alyssa, everyone agreed.

"Ok. Kita kits sa monday, sa introduction of players and schools sa filoil" sabi ni Marck

USP? Kaya naman yan ng team namin...yata... Wala na si ysay...ewan.

Nostalgia [a TRex Fan fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon