[Lahat po ng nandito ay fictional lang xD wag po kayong magulat kung biglang nagsasalita ng tagalog si coach thai, or nandito pa sina alyssa valdez kahit graduate na sila :D just enjoy the story thank youuu]

Therese's POV
I was never a first. Kahit kanino, kahit saan, kahit kailan. It's not like I hate being the first or I can't become a first. Pero everyone kasi, they compare me. To my little sister, Pauline o Ponggay kung tawagin namin, who is always better at everything. From our favorite sport, volleyball hanggang sa studies, nasanay na ako na maging anino niya sa lahat ng bagay, supporting her 100%. Weird diba? Ako yung ate, I should set an example to her pero hindi eh. Coach Thai also compares me to my teammates. "Mas magaling sila" o kaya naman "hit harder, Therese". Kaya nga tawag sakin "The Ultimate Bangko". I don't mind naman kasi I admit, I'm not really as good as the first six sa team namin. But still, with my nickname o binansag sakin ng mga tao sa school, my teammates still believes in me. Hindi nila yun pinaniniwalaan kasi para sa kanila pantay pantay kami.

But still, it was different for me. Hind naman kasi mawawala yung comparison eh. It's already there and understanding it is different to every person. OA but true. Masakit ma-compare diba? Minsan you take it as a challenge pero minsan naman mapapaisip ka "Ganun ba ako kabulok sa lahat ng bagay?" Kasi lagi ako yung negative pag nagcocompare.

Pero sa kanya hindi. He never compared me to other girls. He never did. Sa kanya naramdaman ko na I am his 'first'. Kaya naging special nalang siya sakin. He's always there. As in always. During practice, every celebration, he can even handle my mood swings. Sinasamahan niya ko when I'm struggling at school, stressed and pressured. Love really is something you wish to have. Kasi sa love, you can experience all your 'firsts' and be someone's first.

"Baboy? Baboooy?" Narinig ko yung boses niya sa labas ng kotse. Yung medyo mahina kasi parang magically sound proof yung window ng car na pagsarado halos hindi mo masyado marinig yung ingay sa labas. Nakita ko siyang nakasilip sa bintana ng kotse, dun sa part ko. Kumakaway nang nakangiti, dala yung sports bag ko. Binuksan niya yung pinto

"Kanina ka pa tulala? Nandito na tayo sa bahay niyo oh." Sabi niya habang tinuturo yung bahay ko.

"Ay, sorry sorry. May iniisip lang ako." Bigla niyang hinawakan yung cheeks ko.

"Ano sabi ko sayo? Pag may problema ka o gusto mong maglabas ng mga useless stuff diyan sa isip mo, nandito ako. Okay?" Sabi niya, few inches apart. He never fail to make me smile

"Oo na. Thank you ha." Sabi ko sa kanya. Binigay niya sa akin yung sports bag ko, hugged me and bid farewell. Biglang lumabas si Ponggay

"Ate! So late na and you're still flirting with kuya rex?" With matching omg-im-so-pabebe voice.

"Sira. Ay pinapabigay ni Maddie, yung secret notebook niyo" for young girls but true. Si pauline at maddie kasi yung bestfriends sa team namin and meron sila nung notebook na may padlock. Dun sila naglalagay ng secrets nila, binibigay sa isa't isa every 2 days.

"Oh thanks ate. Wait, wala kang binasa dito ha?" Sabay yakap dun sa notebook habang naglalakad kami papasok ng bahay.

"Bakit naman ako magbabasa ng sikreto ng iba?" Sabi ko sa kanya

"Ate, I'm just making sure! Pwede ba akong tumabi sayo again tonight?" Tanong niya

"Oo naman. Just please don't pee ok?" Biro ko sa kanya

"A'a ate ang sama mo! Hindi na kaya ako naihi sa kama!" Inakbayan ko siya sabay pasok sa bahay namin.

Nostalgia [a TRex Fan fiction]Where stories live. Discover now