One Sided Love

178 7 12
                                    

Girls Talk #1

ONE SIDED LOVE?

Malamang lahat ng mga girls, naranasan ng malagay sa sitwasyon na iyan. Huwag muna i-deny! Kasi naman kahit ako naranasan ko na yan. Honestly, ilang beses narin. At masasabi kong hindi sya masarap sa pakiramdam kahit pa may Love yan, may One din naman.

Well, ano nga ba ang sitwasyong One sided Love? One means nag-iisa Sided means panig at Love means nagmamahal. Inshort..

Iyan yung may mahal kang tao, kaso hindi ka nya mahal. To make the story short, side mo lang ang nafall, ganern! Sya? Wala! Hindi sya nahulog! Ikaw lang ang nagmamahal.

Syempre, kaya nga One Sided Love diba? De joke lang. Ibig sabihin lang din nun kapag nasa ganyang sitwasyon ka..

Ikaw lang din naman ang:

NASASAKTAN!

UMIIYAK!

LUMALABAN!

NAHIHIRAPAN!

Kaya yung mga girls na naranasan ng malagay sa sitwasyon na iyan, isa lang masasabi ko sa inyong lahat mga be!

I FEEL YOU!

AS IN!

Ang sakit kaya sa heart! Mahal mo yung tao tapos hindi ka nya mahal? Walang kasing sakit yung feeling! Parang nakakagaga lang naman yung ganun.  Napapatanong pa nga ako dati e. Sa isip ko..

Bakit naman ganito?

Hindi ba pwede na mahal nalang din nya ako?

Mahirap na nga magmahal, mas lalo pang humihirap kasi nga ikaw lang yung nagmamahal. Ang unfair lang! Saka nasasakit ng sobra! Diba? Hindi siguro nila alam kung gaano kahirap magmahal ng lalaking hindi ka kayang mahalin katulad ng pagmamahal mo sa kanya in return.

Nung naranasan ko iyan, sobra akong nasaktan. Saklap diba? Teenager palang ako pero ilang beses na nasaktan ang puso ko. Kasi dahil nga hindi nya ako mahal, kelangan ko itago yung feelings ko para sa lalaki na iyon kasi malamang kapag nalaman nyang nahulog na ako sa kanya iiwasan nya ako.

At ayoko namang mangyari iyon. Kasi kahit gustuhin ko man, hindi ko naman makakaya. Sinubukan ko na nga siyang iwasan nung nararamdaman kong nahuhulog na ako e. Kaso, nasanay na ako na nandiyan siya palagi sa tabi ko. Kaya ang ending, minahal ko siya ng palihim. At nasaktan din ako ng palihim. Wala akong mapagsabihan man lang ng mga hinanakit ko nun!

Yung tipong nakakairita sa pakiramdam kasi ayaw mo sa nararamdaman mo pero wala kang choice kundi tanggapin lahat iyon kasi nga ikaw lang yung nagmamahal! Nagmahal lang naman ako tapos sasaktan pa ako ng ganito?

Naranasan nyo na ba iyong ganiyang sitwasyon? Ang hirap ng One Sided Love no? 3 words lang pero ang laki agad ng epekto nya sayo.

Dun ko narealize na hindi sa lahat ng pagkakataon, masayang magmahal ng isang lalaki.

End of conversation

———————

So girls, ano ang One Sided Love experience mo? You can comment it on the Comment box! Dadamayan kita :) Wag kana mahiya :) #GirlsTalkOneSidedLove

GIRLS TALKWhere stories live. Discover now