CHAPTER 1: Ang unang pagtatagpo

50 0 0
                                    

CHAPTER 1: ANG UNANG PAGTATAGPO

December 1996, Manila City

Birthday ngayon ng pinsan at bestfriend kong si Dina. Sa bahay namin ginanap ang selebrasyon ng kaarawan niya. 12 na siya ngayon at mas matanda na sa akin ng isang taon.

Siya ang palagi kong kasa-kasama sa paglalaro namin dahil parehas kaming nag-iisang anak lang ng mga magulang namin.

Kahit babae kami ay parehong may mga kalokohan kaming itinatago sa loob ng aming mga katawan. Kaya palagi din kaming napapagalitan ng mga parents namin.

REBECCA: Oh, regalo ko sa'yo.

Nasa loob kami ng kwarto ko habang iniaabot kay Dina ang isang maliit na box na nakabalot sa kulay pulang gift wrapper.

Tinignan niya muna iyon at sinuri.

DINA: Hmmm. . .anong nasa loob niyan?

REBECCA: S'yempre, secret. Kaya nga regalo, 'diba? Buksan mo na.

DINA: Weeh! Baka ipis o kaya daga ang laman niyan, Becca!

Umiling ako habang pigil na pigil ang mapangisi. 

REBECCA: Hindi kaya. Oh

Inabot na niya ang maliit na box, saka inalog-alog iyon.

May narinig kaming malakas na "IIIK!" sa loob.

Bigla niyang nabitawan ang hawak na box at bumagsak iyon sa sahig.

DINA: Ay! Daga 'yun, noh!

Tumawa ako saka muling kinuha ang box sa sahig.

REBECCA: Hindi kaya 'to daga. Stuff toy 'to.

Kitang-kita ko ang takot sa mukha niya dahil worse fear niya talaga ang mga daga. Pero ako naman ay enjoy na enjoy sa aking nakikita. Parang gusto kong bumalanghawit ng tawa.

REBECCA: Buksan mo na kasi. Magandang stuff toy 'yan.

Huminga siya ng malalim.

DINA: Sure ka?

REBECCA: Oo, cross my heart.

DINA: Okay.

Muli niyang kinuha ang box at sa pagkakataong ito ay unti-unti na niya iyong binubuksan. Pinunit niya pa ang pulang gift wrap.

Nahigit ko ang aking hininga habang pinapanood ko siyang gawin iyon.

And finally! Tuluyan na niyang binuksan ang maliit na box at biglang tumalon mula doon ang isang maliit na puting daga!

DINA: Aaaaaarrrrrrrrrrrrrggggggggghhhhhhhhhhh!!!

Bumalanghawit ako ng tawa sa kanyang naging reaksiyon. Tinakpan ko pa ang dalawa kong tainga dahil iyon na yata ang pinaka-malakas na sigaw na narinig ko sa tanang buhay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TRUE LOVE BEGINS AT FIRST SIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon