TRUE LOVE BEGINS AT FIRST SIGHT

76 0 0
                                    

Naranasan mo na ba ang ma-in love at maghintay ng sobrang tagal sa isang taong mahal mo?

Iyong tipong 5 years and up ka nang naghihintay pero hindi pa din nag-le-level up 'yong relasyon ninyo as friends?

At nagpaparamdam ka na nga pero hindi niya pa din 'yon maramdaman o sadya talagang alam niya na pero nagbubulag-bulagan lang siya.

Dahil ang masaklap ay talagang hindi isang tulad mo ang type niya.

 

Minsan nga parang nakaka-praning na din kasi hindi mo alam kung ipagpapatuloy mo pa din ang long process na paghihintay sa kanya o kalimutan na lang ang bwiset na pag-ibig na nararamdaman mo para sa kanya.

Bakit ba kasi nakaka-buang ang pag-ibig na 'yan?

At bakit may mga malas na  tao din pagdating sa mga love life nila?

Tulad ko, isa na yata ako sa pinakamalas na tao pagdating sa pag-ibig. Eh, minsan natatanong ko din sa sarili ko kung ano ba ang problema sa akin?

Una, hindi naman ako ugly-duckling. Madami-dami na nga ang nagsabi sa aking may hitsura daw ako. At kung mag-a-audition ako sa mga reality show na naghahanap ng mga baguhang artista ay papasa daw ako doon.

Baka nga daw pag-agawan pa ako ng mga TV Station dahil pang-Hollywood ang dating ng beauty ko. Sabi nila kahawig ko daw ang bidang babae sa Harry Potter na si Emma Watson.

Pangalawa hindi naman ako bad. Mabait naman ako pero minsan nga lang medyo tupakin. Pero hindi naman ako masama, noh. Hindi ako 'yong tipong nananapak at nang-aagrabyado ng mga tao at hindi ako mahilig  humalakhak gaya ng mga ginagawa ng mga kontrabida sa mga palabas na napapanood natin sa television.

 

Pero 'yon nga lang, nang nag-paulan 'ata si Lord ng mga good luck sa pag-ibig, eh, tulog yata ako nu'n at naghihilik pa. Kaya heto nga ako ngayon, minamalas.

Hindi naman ako NBSB or No-Boyfriend-Since-Birth ang drama dahil nagka-boyfriend na din naman ako kahit papa'no. 'Yun nga lang, kahit isa sa kanila, walang nagpatibok ng puso ko.

Nagka-boyfriend lang ako dahil dulot na din ng pag-kaiinggit ko sa aking mga taken friends. Saka ayaw ko din naman na gawin na lang nila lagi akong chaperon tuwing isasama nila ako sa mga date nila, noh. Nakakainis kaya 'yung ganun.

Kaya hayun nga, 'yung iba sa mga nanliligaw sa akin, sinagot ko na lang para wala na ding masabi sa akin 'yung mga friends ko. Besides, I don't want to be alone. Gusto ko, may kasama din ako kapag nag-go-group date kami.

 

Pero, despite all of that, I'm still sad. Kasi 'yung taong pinakatatago-tago ko sa sulok ng puso ko, eh, hindi man lang ako pinapansin.

Mahal na mahal ko na siya since I was 11 years old pa lang. Yeah, you read that right.

Since I was 11 year-old-little-girl. Medyo wala pang kamuwang-muwang sa mundo. Pero kahit ganun my heart still knows that I'm in-love with that 15 year-old boy.

 

Unang kita ko pa lang sa kanya. Wow. . .he's. . .he's. . .so. . .parang, alam mo 'yun na-mesmerized ako sa kanya. Yeah, that's  it. I was mesmerized by him. And that very moment I wanted him so badly. 

But of course, I'm still a little girl that time kaya hindi ko muna iyon ipinahalata sa kanya.

 

And now, every detail  of our story, ike-kwento ko sa inyo.

Of how I; Rebecca Losilo met the man of my dreams: Fernan Gomez.

 

TRUE LOVE BEGINS AT FIRST SIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon