Chapter 27. Doomed Feelings

Start from the beginning
                                    

"Jigs ano ka ba hindi ka nakakaistorbo okay!" sabi ko.

"Nga pala, kaya ako andito dahil may sasabihin ako sayo! Sir Castillo's assitant was here kanina! They wanted us to continue our project with him!" ani Jigs.

Castillo? Si Knight Castillo? Oo nga pala, nakahold ang project namin sa kaniya. Shit!

"Uhm Jigs, hindi ba pwedeng si Samuel nalang ang magcontinue sa ginawa ko! We almost have the same ideas din naman sa interior ni Mr. Castillo di ba!" suggestion ko.

"They insisted on you to continue the work since ikaw na naman daw ang nagsimula noon! What's wrong Shaila? Di ba gustong gutso mo matapos ang trabahong ito noon? Ikaw pa nagsabi na huwag na ihold ang project na iyon! What changed now?" takang tanong ni Jigs.

"Ah wala naman!" at biglang natahimik si Shaila.

"Good! He's expecting you tomorrow in Tagaytay!" ani Jigs. "Alis na ko Shai, madami pa ako gagawin!" paalam ng lalaki.

Arrgg!! Letseng lalaking iyon! I know he's doing this on puprose.





"No Shaila, you're not going to take that project anymore! I will talk to your boss!" matigas na sabi ni Philip. Nasa condo niya ako ngayon. Habang kumakain binanggit ko sa kaniya ang tabaho ko kay Knight. Expected ko ng hindi niya ako papayagan pero pinagpaalam ko pa rin sa kaniya.

"Philip, trabaho ang ipupunta ko doon! Tatapusin ko lang naman ang nasimulan ko then after that eh di tapos na!" sabi ko.

"Someone can handle that job, marami namang iba pa sa team niyo! Hindi lang ikaw! My decision is final, I want you out of that project!" sagot ulit ni Philip.

"Gusto ko din naman maging proud ang company ko sa akin for this one big catch project! Please baby, trust me on this one!" ani ko.

"I do trust you Shaila, it's that man I don't trust!" na ang tinutukoy ay si Knight. Tumayo ako sa aking kinauupuan at niyakap ko siya sa likod.

"Babe we have talked about this right! I don't want you to worry about me! Gusto ko pagkatiwalaan mo ko dito!" Pinaharap niya ang binata sa kaniya at hinalikan ito sa labi. "I love you Philip and it's only you!" I whispered.

"I love you more baby! I'm sorry, I'm just probably afraid!" masuyong haplos sa pisngi ng dalaga.

"Don't be Philip! Just trust me okay!" at hinalikan ko ulit siya sa labi.

I'm also afraid Philip! I'm just so afraid to hurt you!





Tagaytay.

Buset na lalaking yun! Hayz! Inis ko habang papasok sa bahay ni Knight. Kasama ko din ang ibang tauhan ko na tutulong sa akin sa paagyos ng gamit sa loob. Inagahan ko ang dating namin para maaga din akong matapos sa mga gawain ko. Dahil wala akong balak magtagal sa lugar na ito. Napatigil ako ng maalala ko ang mag ginagawa namin sa bahay na ito dati. Argg!

"Maam saan po ilalagay ito?" tanong ng isang isa sa mga tauhan niya.

"Pakilagay nalang dun Bernard!" sagot ko.

Buong araw kaming nagayos ng mga gamit sa loob ng sala at kitchen. Buti nalang tapos na pakulayan ang lahat ng walls sa bahay na ito kaya finishing nalang ang kulang.

"Mauna na po kaming umalis maam, kapanganakan po kasi ng misis ko ngayon!" paalam ni Bernard.

"Ay ganoon po ba? Congrats po! Oh sige po ingat nalang kayo sa daan!" sabi ko. Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko. Kailangan ko pa maikabit ang isang frame sa sala. Napatingin ako sa relo ko pagkatapos kong maikabit yung frame. Mag aalas kwatro na. I need to go!

Romancing Knight Castillo Ep-2Where stories live. Discover now