Chapter Eight

Magsimula sa umpisa
                                    

I brushed it off at tumayo ako saka lumapit sa kanya at muling umupo pero ngayon ay sa kanyang tabi.

Inakbayan ko siya nang makaupo ako. I can feel his uneasiness pero hindi ko iyon pinansin.

"Did you cry dahil first runner up ka lang?" tanong ko at tumingin siya sa'kin.

"Hindi ah! Masaya na ako dun!" sagot niya. Isinandal ko ang ulo ko sa kanyang balikat and I heard him gasp.

"Eh bakit ka nga umiyak?" pagpipilit ko. When he moaned, I giggled. Halatang ayaw niyang sabihin pero gusto ko talagang malaman kung ano ba ang dahilan ng pag-iyak ng isang lalaki.

"Ano na?" tanong ko ulit na hindi inaalis ang ulo ko sa kanyang balikat. Mmmm, ang bango-bango niya talaga. Ano bang pabango nito?

"Eh.." pagsisimula niya kaya agad ko siyang tiningnan sa mukha na siya namang ikinailang niya. Tumingin tuloy siya sa ibang direksyon.

Napabuntong-hininga ako. Okay, I give up! Mukhang ayaw niya talagang sabihin ang dahilan and I should respect that.

"Sige na nga. You don't have to tell me. Pero, I want you to know that I'm really happy with your achievement tonight," I said and I heard him exhaled audibly. Ramdam na ramdam ko na hindi siya komportable sa aming posisyon but I feel otherwise.

For me, ito na yata ang pinakakomportableng posisyon na narasanan ko in my 19 years of existence in this world, ang sumandal sa balikat ng isang lalaki habang ang mga bituin ay nakatunghay sa amin.

"S-s-salamat.. s-si.."

"Oh please!" Napatayo ako ng tuwid at tiningnan siya ng masama. Sir na naman? "Cedric naman e!" reklamo ko saka tumayo na. He's just like others, na kapag nalaman nilang isa akong Sanderson, maiilang na sila sa'kin and they start calling me Sir.

I. Really. Hate. It!

Hindi ko na siya nilingon at tuloy-tuloy na ako sa paglakad palabas ng garden.

"Cyrus, teka lang!" pagtatawag niya sa'kin and I slowed down. Maya-maya ay naramdaman ko ang presensiya niya sa likuran ko.

"Sige na. Sorry na. Nabigla lang naman ako eh. Bakit hindi mo kasi sinabi?" narinig kong tanong niya kaya nilingon ko siya.

"Kung sinabi ko ba, lalapitan mo parin ako gaya ng paglapit-lapit mo sa'kin?" tanong ko pabalik and he didn't speak.

Marami nang mga estudyante ang dumadaan sa kinatatayuan namin, siguro ay palabas na sila ng campus.

"Eh.. Nakakahiya naman kasing makipagkaibigan sa'yo. Baka kung ano nalang ang sasabihin ng mga tao. Lalo na't isa lang ako sa mga iskolar ninyo dito," may lungkot sa boses na sabi niya and I couldn't help but to walk back towards him.

Tumayo ako sa mismong harapan niya at tingingala siya. Shit, why am I so short?

"Cedric, let's not label ourselves. Sa friendship natin, walang mahirap, walang mayaman. Walang boss, walang katulong. Walang mas mataas, walang mas mababa. Trust and loyalty lang ang meron sa ating pagkakaibigan. Naiintindihan mo ba ako?" I said in the most gentle way I can.

Mukhang naintindihan naman niya ang mga sinabi ko dahil dahan-dahan siyang tumango. At hindi nagtagal ay sinalubong na ulit niya ang mga tingin ko.

"Bakit ba ang bait mo?" he asked and I smiled.

"Because you have this.." sagot ko at itinuro ang kaliwang dibdib niya, exactly where his heart is. "You have the heart. I know you're a good man, kuya. At alam kong totoo kang tao."






































STRANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon