"Ahm. Your Dad? What happen to him?"

"Dating Gobernador si Daddy. Na-ambush sya, 5 months after nya manalo. Alam mo naman. Madumi ang politika."

I just nod.

INUWI na nya ako nang makakain kami. Nang pumasok ako sa bahay, nandun si Mama at Papa sa sala. I kissed them.

"Calvarie. Magbabakasyon kami ng Mama mo sa Baler bukas hanggang sa Linggo. Okay lang ba kung hindi muna kayo sumama ng Kuya mo?"

"Oo naman, Pa. Para naman magkaroon kayo ng quality time sa isa't isa ni Mama."

"Promise you'll be a good girl to your bro."

"Of course, Pa! Walang problema."

"Oh? Akala ko ba ibabalik mo sa manliligaw mo yang sapatos na yan?" He's looking on my new shoes. "Bakit suot-suot mo na ngayon?"

"Pa. Di nya ako nililigawan. Wala eh. Ayaw nya'ng tanggapin pabalik. Tsaka wala daw sya'ng mapapagbigyan na iba. Maliit daw masyado ang paa ko para sa Ate nya."

"It looks good on you."

"Thanks Pa." I smiled.

Tumakbo ako paakyat. Yes! Makakapag-party ako bukas! Wala sina Mama! Kung si Kuya lang naman, wala na akong problema dun.

I'm sooo excited! First time kong papasok sa bar! Rock and roll!

Maaga akong nakatulog sa sobrang pagod na rin siguro sa PE Class namin. Nung mga bandang madaling araw, dumaan si Mama at Papa sa kwarto ko para magpaalam na aalis na sila.

Mga hapon na ako bumaba ng kwarto ko sa sobrang bigat ng feeling ko. Hindi ako nakatulog kagabi sa sobrang excited.

"Good Morning, bro!" I greeted him.

"Yeah. Good Afternoon na, Lil'sis. Masaya ka yata kahit puyat na puyat ka?"

"Wala sila Mama eh. Kuya, birthday nung ka-church ko sa GCC. Si Josh Dangerfield. Sa RLX gaganapin. Papayagan mo ba ako?" I asked with energy.

"RLX Bar? Iinom ka?!"

"Kuya hindi! May juice naman daw na ise-serve sabi ni Josh. Tsaka sa private room gaganapin. Exclusive people lang ang nandun."

"Anong oras yan?"

"4PM ang start. Kung bibigyan mo ako ng curfew, okay lang naman." I smiled on him. Syempre. Konting uto.

"Okay hanggang 10PM lang."

"WE?! TALAGA, KUYA?! MY G!" Pumalakpak pa ako dahil hindi ako makapaniwalang 10 yung curfew ko. "I love you talaga!" Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.

"Oo na. I love you, too kaya ko 'to ginagawa. Huwag kang magiging pabigat ah? Keep your phone on. Susunduin kita, itext mo ako. Teka, sino ba yang Dangerfield na 'yan? Yun ba yung naghatid sayo na naka-motor?"

"How did you know?" I asked.

"Sya ang dahilan ng pagka-grounded mo for 1 week, diba?"

"Ay. Oo nga pala. Paano? Maghahanda na ako!"

"Maaga pa ha?"

"Excited ako, eh? Tsaka bibili pa ako ng regalo." I said and quickly go back to my room.

Nagbabad ako sa bath tub ko ng halos isang oras at naligo.

Nagsuot lang ako ng shorts and a grey v-neck shirt. I messily braid my hair and apply some make up. I decided to just not bring any sling bag or anything. Inilagay ko lang yung phone ko sa bulsa ko though muntik nang hindi magkasya dahil medyo malaki. Nagsiksik ako ng pera sa secret pocket ng shorts ko at gora na! Bibili pa ako ng regalo para kay Josh.

Ceaseless (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu