"Ok lang po un pati namiss ko po si Sandra kaya gusto ko po syang makasama"

"Ganun ba? Sige na nga"

Naglakad kami papunta sa kotse ni Kuya Alex. Pagkadating namin dun sumakay na agad kami.

"Baby Sun san mo gusto kumain?"

"Hmmm Kuya alam mo po ba kung saan ung burger mushroom? Ay hindi mushroom burger po pala hihihi"

"Oo alam ko un. Nakakain ka na dun?"

"Opo kami po ni mommy. Dinala nya po ako dun kahapon ang sarap nga po ng food dun eh. Nung una nga po ayoko dun kasi gusto ko ng ramen pero nung natikman ko ung burger nila ang sarap. Favorite ko na nga po ung burger nila eh"

"Alam mo bang pareho kayo nung girlfriend ko dati. Nung unang beses na dalhin ko sya dun ayaw nya din kasi gusto nya sa iba kami kumain pero nung natikman nya na ung burger nila nasarapan din sya" Masayang kwento ni Kuya Alex.

"Maganda po ba ung girlfriend nyo Kuya? Baka mas maganda pa si mommy ko dun" Tumawa naman si Kuya Alex.

"Siya ung pinakamagandang babae para sakin"

"Pero sakin si mommy po ang pinaka maganda" Tumawa ulit si Kuya.

"Mag kasing ganda sila. Ok na ba hahaha?"

"Opo hihihi"

*SANDRO'S POV*

Nung makarating na kami sa Mushroom Burger ay bumaba na kami at pumasok sa loob.

"Baby sun what do you want?"

"Burger and spaghetti Kuya"

"Kayo po Nanay Luz?"

"Ikaw na ang bahala iho"

Umorder na ko pagkatapos ay pumunta na sa table namin. Umupo ako sa tabi ni Sandra.

"Let's eat na" Sabi ko sa kanila.

"Pray po muna tayo" Sabi ni Sandra.

"Lead the prayer baby sun"

"Ok po...... In the name of the Father and of the Sun and of the Holy Spirit Amen. Lord God thankyou po sa food namin ngayon na galing po kay Kuya Alex. Ituloy-tuloy nyo po ung blessings na binibigay nyo saamin. Lagi nyo po kaming bantayan nila Mommy, Nanay Luz, Kuya Alex at lalong lalo na po si Daddy na malayo samin. Sana po makita ko na po sya. Thank you po. Amen"

Napatulala ako kay Sandra. Kilala nya ko? Kilala nya ang daddy nya? Akala ko tinago ni Sandy ang tungkol sakin.

"B-Baby Sun where's your daddy?" Tanong ko dito.

"Sabi po ni mommy nasa other country si daddy, nagtatrabaho po para sakin at nag-iipon din si daddy para pag uwi nya dito di na sya aalis. Magkakasama na po kaming lahat"

Damn It!!!
All this time alam pala ng anak ko na may daddy sya. Matagal ko ng alam na nagkaanak kami ni Sandra, simula palang nung nagbubuntis sya alam ko na. Sa loob ng 8 taon lagi akong nakabantay sakanila, nagmamasid sa malayo. Nitong mga nakaraang taon naisip ko na na magpakita kay Sandy pero inunahan ako ng takot ko. Natakot ako na baka galit parin ito sakin at ilayo sakin ang anak ko. Naisip ko din na baka galit sakin ang anak ko at itaboy ako nito. Pero shit lang! Hindi pala sya galit sakin. Fuck kung alam ko lang matagal na kong nagpakilala sa kanila. Don't worry Baby sun ko malapit ng umuwi ang daddy mo. Mabubuo na tayong pamilya.

"Baby Sun alam mo ba ang name ng daddy mo?"

"Yes po. Si Daddy Sandro po"

Damn it!!!
Ang saya ko! Shit!!! Kahit galit sakin si Sandy pinakilala nya parin ako sa anak ko. Masaya na ko kahit pangalan ko lang ang alam ng anak ko.

Pagkatapos namin kumain ay nagtake out ako.

"Nanay Luz pakibigay naman po sa mommy ni Sandra" Binigay ko ung plastic bag na tinake-out ko.

"Nako iho salamat"

"Walang ano man po pati para hindi narin ho kayo magluto pag-uwi nyo"

"Maraming salamat talaga iho" Nginitian ko ito at umalis na kami sa Mushroom Burger.

"Hatid ko na po kayo" sabi ko kila Nanay Luz.

"Nako iho wag na, nilibre mo na nga kami ng pagkain nakakahiya na masyado"

"Ok lang po un, delikado nadin po sa daan"

"Sige na nga"

Sumakay na kami ng kotse ko at tinanong si Nanay kung saan sila nakatira. Alam ko naman talaga kung saan nakatira ang mga ito, sinasadya ko talagang magtanong dahil baka magtaka ito na alam ko ang bahay nila. Madali kaming nakarating sa kanila dahil wala masyadong traffic.

"Kuya Alex thank you po sa foods. Nabusog po ako"

"Welcome baby sun ko. Uuwi ba kayo ng Ilocos ngayong sem-break?"

"I'm not sure po eh. Pero pinipilit ko po si Mommy miss ko na pong pumunta dun sa malaking electric fan eh hihihi"

"Sana matuloy kayo, uuwi din ako ng Ilocos eh."

"Talaga po? Pag nakauwi din po kami punta tayo dun sa malaking electric fan po ha?"

"Sure baby sun"

"Sige na baka padating na mommy mo"

"Sige po Kuya Alex thank you ulit." Kiniss ko ito sa noo nya.

"Iho salamat ulit. Bumaba ka muna at mag-juice sa loob"

"Wag na po nanay may pupuntahan pa po ako eh"

"Ganun ba, sige ingat ka nalang. Salamat ulit"

"Sige po una na po ako"

Pinaandar ko na ang kotse at pinarada ito malapit sa may bahay nila. Iniintay kong umuwi si Sandy.

Maya-maya din ay may pumaradang kotse sa harap ng bahay nila. Bumaba ito sa kotse at binuksan ang gate.

"God Sandy! Gustong gusto na kitang mayakap. Miss na miss na kita Alexsha ko"



----------------
A/N
May POV na si fafa Sandro ❤❤❤

Fairytale (Sandro Marcos Fan Fiction)Kde žijí příběhy. Začni objevovat