Nang Dahil sa Flashlight

117 0 3
                                    

Ang dilim naman. Nasan na ba flashlight ko?

Nagtataka kayo kung bakit madilim? Camping namin ngayon. Siesta time ngayon-- time para makapag-ready para sa Camp Fire mamaya.

Ako nga pala si Irish Jade Morales. Wag na kayo magtanong ng ibang details tungkol sa akin. Short story lang naman to eh, di na kailangan ng backgrounds. Ikukwento ko lang sa inyo ang mga pangyayari Nang Dahil sa Flashlight.

"Hoy Irish, pahiram nga ng flashlight mo," tawag sa aking ng isa kong ka-team.

"Ayoko nga. Kay Kassidy ka na lang manghiram. Tsaka, gagamitin ko pa yung sa akin eh." Actually, wala naman talaga akong pag-gagamitan eh, ayaw ko lang talaga magpahiram. Si Kassidy nga pala bestfriend ko.

"Hoy Irish, bakit ako na naman papasahan mo? Eh sayo nanghiram ah," complain ni Kassidy.

"Ayoko ngang magpahiram. Sayo na lang, sige na."

"I hate you Irish." Ganyan kami. Ang sweet naming mag-bestfriend 'no?

"I love you too Kassidy."

"Oh eto na kuya," sabay abot ni Kassidy sa flashlight niya.

Pumasok muna kami sa tent tutal wala pa naman silang utos sa amin. Doon kami nag-kwentuhan ni Kassidy-- stories tungkol sa mga crush syempre.

Maya-maya biglang bumukas yung tent. Nakalimutan ko kasing i-lock eh.

"Sino sa inyo si Kassidy?" OMO. Si crush. Andito sa tent si crush!!!! Waa!

"Uhm, ako. Bakit?" sagot ni Kassidy. Oo nga pala, siya pala hinahanap. Feelingera ko talaga.

"Pwede bang hiramin flashlight mo?"

"Ahh sorry. May nauna nang nang-hiram sayo eh."

"Ah sige," sabay alis.

"Uy Irish, si crush yun diba?" tanong ni Kassidy sa akin.

"Yep. Marco Angelo, my ultimate crush."

"Nanghiram ng flashlight."

"Hindi ako bingi Kass, rinig ko 'yon."

"What I mean is, pahiram mo na lang sayo flashlight mo," bigla naman akong napa-tingin sa kanya.

"Waaah! Kassidy you're such a genius!!" sabay hug!

"Oo na. I'm so pretty na. Oh, akin na flashlight mo," binigay ko naman sa kanya agad at tumakbo naman siya paalis.

Nagpa-iwan ako pero rinig ko conversation nila.

Kassidy: Kuya, eto pa pala flashlight oh.

Marco: Akala ko ba wala ka nang flashlight?

Kassidy: Hindi naman to sa akin eh. Sa kaibigan ko.

Marco: Ahh. Sinong kaibigan, ibabalik na lang namin to mamaya.

Have I mentioned na may kasama siya. Yep, may kasama siyang unggoy. De joke lang. Tao kasama niya pero I never bothered to ask his name.

Kassidy: Si Irish. Yung kasama ko kanina.

Marco: Ahh. Ok, thanks anyway.

So ayun ang story kung paano niya nahiram flashlight ko. Pero di pa doon magtatapos ang story nang dahil sa flashlight.

Nang Dahil sa FlashlightWhere stories live. Discover now