uno.

22K 590 41
                                    

You may wish for a different life than what you already have but someone wants to just have a life, again.


"ISANG aksidente ang naganap sa dito sa Hills Highway. Patay ang isang pamilya matapos mawalan ng kontrol ang nagmamaneho ng sasakyan. Napagalamanang isang batang lalaki, kasama ang kanyang mga magulang sa mga nasawi."

"Hel?" agad lumapit sa akin sila Bellona nang mapatigil ako sa aking nakita sa telebisyon. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha ng mga nasawi. Nakita ko rin na kinukuhanan ng panayam ang sa tingin kong kamag anak ng mga namatay sa aksidente.

"Bata pa si Hunter. Hindi ko akalain na sasapitin ito ng pamilya niya." Umiiyak na sambit ng isang ginang na tansya ko ay kamag anak o kakilala ng mga namatay.

Pinakita ang labi ng isang batang lalaki sa telebisyon.

"Kilala mo ba ang mga iyon, Hel?" Pagtatanong ni Bellona sa akin.

Dahan dahan akong tumango.

"Oo, nakita ko na siya isang beses sa Mystique Academy. Kung hindi ako nagkakamali ay taga elementary department ang bata." Tama naaalala ko na. Siya iyong batang nagbigay sa akin ng bulaklak noong mga panahong umiiyak ako dahil sa mga kapatid ko. Iyong batang nakitaan ko ng kamatayan niya.

"I see." Natahimik kaming dalawa bago muling manuod ng balita.

"Tara na?" Sumang ayon na rin ako sa kanya bago kami nagtangkang umalis. Bago pa man ako tuluyang umalis ay may napansin akong nagpakabog sa dibdib ko.

Muli akong tumingin sa telebisyon. Napakaunot ang noo ko nang makita ko ang mga ito. May ilang grupo ng tao na nakatingin sa bangkay ng batang lalaki. Hindi maganda ang kutob ko rito.

"Purebloods."

Many years later.

"BAKIT kailangang maging ganito kaboring ng buhay? Wala bang thrill diyan? Hay nako." Agad akong humilata sa sofa ng bahay namin. Hindi ko na rin naaabutan sila Mom and Dad dito. Baka maaga silang umalis para umattend ng kung anong meeting related sa business namin.

"Naandito ka na pala. Ang aga mo ata?" Napatingin ako kay Kuya Haze, nakatatanda kong kapatid.

"Nagcutting class ako. Huwag mo akong isumbong." Agad kumunot ang noo ni Kuya. Gusto ko tuloy matawa sa reaksyon niya.

"You did what? Aware ba sila Mom na ganyan kang klase ng estudyante—"

"You're so loud, Kuya. It was just a joke. Hindi iyon tunay, okay? As if naman kaya kong magcutting classes. Malaman pa nila Mom edi yari ako. Maaga kaming pinauwi. Isa pa, boring din naman talaga sa school." Naupo si Kuya sa may paanan ko.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at naupo nalang din.

"Hindi boring ang school, Astrid. Tamad ka lang sadya." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at nginusuan siya. Tingnan mo itong kapatid kong ito. Buti pa siya masaya siya at nag eenjoy. Ako? Hindi ko magawang mag enjoy.

Sino ba naman ang mag eenjoy sa buhay kung pakiramdam mo ay may kulang sa pagkatao mo.

Hindi ko alam kung paranoid lang ako. Pakiramdam ko kasi ay may tinatago sa aking lihim sila Mom and Dad. I don't know if my stupid brother knows about what they're hiding but...whatever. Feeling ko naman wala. I mean, bakit naman kailangang may itago sila, hindi ba?

"Nasaan pala sila Mom?" Hindi ko na alam ang isasagot ko sa kanya kaya nagtanong nalang ako ng iba. My brother is nice naman pero may pagkaseryoso madalas. Pagnasa mood, mapagbiro naman.

Mystique Academy 2: Bodhisattva Eye (AVAILABLE ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon