V : Pay Attention

Start from the beginning
                                    


"If this is not the team of body snatchers, I will kill you!" Biglang napasigaw si Mira bagay na ikinabigla at ikinangiwi ni Churchill.


"It's Cielo..." Sambit ng boses mula sa kabilang linya dahilan para agad na maihinto ni Churchill ang sasakyan at kapwa sila taimtim na nakinig ni Mira sa kabilang linyang naka-loudspeaker.


"Is Shem okay?!" Bulalas agad ni Mira habang inilalapit ang receiver ng cellphone sa kanyang bibig.


"When he was rescued he was no longer breathing, luckily they got to revive him and we're now at the hospital. He's still unconscious but the doctors say that he'll be okay." Pamamalita ni Cielo bagay na agad nakapawi sa bigat ng pag-aalala nina Churchill at Mira sa kaibigan.


"Thank God!" Napabuntong-hininga si Mira, "We're still hours away from Holloway City, we'll just text you when we get to the villa. Just follow us when you can so we can finally resurrect Dana.


****


"Miranda, uy Miranda gising na..." Paulit-ulit na sambit ni Churchill sa pisngi ng dalaga hanggang sa unti-unting kumurap ang namamaga at mamula-mula pa nitong mga mata.


Napahikab si Mira at agad na napasilip sa bintana, napabuntong-hininga na lamang siya at muling isinuot ang kanyang university sweatshirt. Naunang lumabas mula van si Churchill samantalang si Mira naman ay saglit na napalingon sa kinaroroonan ng nakasarang cooler na naglalaman ng bangkay ni Dana.


"You'll get to live again Diana... Just hang in there." Mahinang sambit ni Mira at ngunguto-ngutong lumabas mula sa van.


Dahil madaling araw na, dama ang ubod ng lamig na ihip ng hangin sa paligid. Mangilan-ngilan na lamang ang mga nagdaraang tao at sasakyan sa kalsada, kahit ang pinasukan nilang 7/11 ay mabibilang na lamang ang mga tao sa loob.


"I so need a coffee right now." Mahinang sambit ni Mira at dali-daling bumili nito samantala, si Churchill naman ay dali-daling bumili ng mga pagkaing mababaon nila habang naghihintay ng reply mula sa kapatid ni Axel.


Sa isang iglap ay biglang tumunog ang cellphone ni Mira na ngayo'y si Churchill ang may hawak. Dali-dali niya itong sinagot ngunit bago pa man tuluyang makausap ang nasa kabilang linya, bigla niyang napansing may kumakaway sa kanya mula sa direksyon ng pinto.


"Axel's sister here!" Biglang sigaw ng dalagitang kumakaway kay Churchill. Abot-tenga ang matamis nitong ngiti na bumabagay sa mukha nitong may inosenteng aura. Suot ang kulay dilaw na mabulaklak na bestida, yakap-yakap pa nito ang isang salbabida na may disenyo ng donut at ang isang unan na may mukha ng artistang si Kanye West habang nakasimangot. Sa suot pa lamang nito, halatang handang-handa na ang dalaga para sa isang bakasyon, dagdag pa ang sabik na sabik nitong kilos bagay na agad ikinangiwi ni Churchill.


****


"I'm going to tag along in your vacation ha? Super tagal na kasi naming hindi nakakapunta sa resort ng grandparents namin. Ever since they died, we hardly go there anymore." Paliwanag ni Wena habang sumusunod kay Churchill at Mira habang binabayaran ang kanilang pinamili.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now