Skye Zin POV

"Hindi ka na naman pumasok!?" sabi ni dad.

"Nakakatamad eh!"

"Ha ganun?At sumasagot sagot ka pa? Wala ka na talagang balak pumasok sa skul? Tumawag ang adviser mo ang sabi ang baba ng mga grades mo! Bagsak ka sa lahat ng subjects mo!" binato pa nito ang hawak na dyaryo.

"Hon, relaks lang wag mo masyadong sigawan ang anak natin." sabi ni mom habang pinapakalma si dad.

"Kaya nagiging ganyan ang anak natin dahil ini-spoil mo! Kaya hayaan mong ako mismo ang kumausap sa kanya." Umling lang si mom.

"Ikaw ha! Tandaan mo to Skye Zin Velasco! Kapag hindi ka nakagraduate ngayong taon na to, wala ka makukuha sakin kahit isang kusing! Itatakwil kita biglang anak ko!" huling sabi ni dad pagkatapos nun ay umalis na siya.

Umupo si mama sa aking tabi.

"Anak wag mo masyadong dibdibin ang sinabi ng iyong ama. Nasabi niya lang iyon dahil sa init ng kanyang ulo. Pasasaan at mawawala din yun" pag-aalo sa niya sa akin.

"Sige  po mama, una na ako." lumabas na rin ako sa bahay.

-----------------------

Pam POV

"Natapos din ang ating klase!" sabi ni May at nag-unat pa ito.

"Grabe si Pam kanina ha, halos nasagot lahat niya bawat tanong ni Ma'am haha." April

"Syempre, ang dali naman kasi basta nag-aral."

"Ikaw na ang pinakamatalino samin!" sabi ni June na humihikab pa.

"Siya na talaga!" sabay pa na sambit ni April at May.

"Tara lunch na tayo oy, gutom na ako!" June

 "Uyy manlilibre satin haha." May

"Tsktsk. Kanya-kanya bayad yan." June

"Andaya mo! " May at nagtawanan kami.

Pumunta na kami sa canteen. Pagpasok palang namin, tumitingin na agad ang mga ibang estudyante sa paaralan. Maririnig mo mga sinasabi ng iba.

"Andyan na mga smart group oh!"

"Oo nga eh, sana ganyan din ako katalino tulad nila."

Sanay na kami sa ganyan. Ganyan talaga haha.

Pagkatapos namin um-order ay umupo na kami  sa bakanteng upuan at table.

---------------

Skye Zin POV

Lintek naman oh! Tsktsk! Mawawalan pa ata ako ng mana! Pinaandar ko ang aking sasakyan at pumunta sa tambayan namin ng aking barkada. Tinawagan ko sila isat isa.

Mr. Heartthrob and Ms. Top-NotcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon