Author's Note

1.4K 75 3
                                    

Ang kwentong ito ay para sa aking mabuting kaibigan na si Jojo.

Mabuting tao si Jojo. Masayahin siya, palabiro, tapos ang kulit-kulit sobra! Ang tangkad niya pa tapos mas matanda siya sa akin, pero parang mas bata pa siya. Naalala ko, tahimik talaga akong bata noon at hindi ako palalabas, pero si Jojo bigla na lang bubulaga sa bahay namin at yayayain kami ng kapatid ko na lumabas at maglaro. Ewan ko ba, siya ata si Peter Pan. Lol.

Six years old ako, lilipat na kami ng bahay. Yun na ang huling pagkakataong nakita ko si Jojo. Nung umalis kami sa Cavite, never na kaming nagkita o nagkausap. Hindi pa kase uso ang Facebook o Friendster o Yahoo Mail o Iphone nun. 

May times na namimiss ko siya noon, pero nung tumanda na ako, nawala na siya sa isipan ko. Para bang bahagi na lang si Jojo sa isang panaginip at nung nagising na lang ako, wala na.

Kaya nga sobrang nagulat talaga ako nung nabalitaan kong namatay na pala si Jojo 2 years ago. Hindi naman ako umiyak dahil hindi na rin naman kami nagkakausap, pero habang inaalala ko yung mga memories nung mga bata pa kami... hindi ko mapigilang hindi malungkot.

He's still young... marami pang mangyayari sa buhay niya. That night when I found out that he already passed away, napaisip ako ng mga iba't ibang bagay (eto yung mga kaemohan ko na hindi ko na babanggitin lol)

Pero... ganun talaga eh. Lahat naman tayo mawawala sa mundong ito... 

dahil ang buhay nga ay isang maiksing kanta. 

Kung nasaan ka man Jojo, alam kong masaya ka. Kahit na siguro hindi mo na ako naaalala, okay lang haha. Basta 'wag ka lang magpaparamdam sa akin dahil takot ako sa multo ah hahaha joke! Hope you're forever happy, my dear friend.

Yun lang. Gusto ko lang sabihin na minsan ay may isa akong kaibigan na nagngangalang Jojo.

p.s. No, this is not a true story. Wala po akong third eye or hindi ako naghahallucinate ng mga bagay-bagay. But Yannie's kinda one part of me... so lol yeah.

Thank you so much for reading! <3

TransparentDonde viven las historias. Descúbrelo ahora