KAPITULO XIII:EMO-EMOHAN ANG PEG NI AUNTIE MO

Magsimula sa umpisa
                                    

Nilabas nya si Althea sa loob ng sasakyan at inilayo nya ito sa sasakyan nito

Kahit mabigat si Althea, ginawa nya parin ang kanyang makakaya para lamang ihatid ito sa ospital.

Ospital int am

Nagising nalang si Althea na nasa ibang lugar na ito. Wala din syang kamalay malay na nasa ospital na pala sya.

Napansin na lamang nya na kahiga ito sa kama at nakita nya si Jade na nasa sofa na natutulog.

Gusto nya sana itong lapitan kaso masakit ang kanyang leeg at buong katawan dahil sa pagkakabangga.

Nagising nalang din si Jade at kinausap si Althea.

Jade

Gising ka na pala.

Althea

Anong nangyari sa akin?

Jade

Ayun, lasing ka lang naman kagabi at binangga mo yung sasakyan mo sa poste.

Althea

Anong nangyari sa kotse ko?

Jade

Wasak. Ano bang nangyari sa'yo?

Althea

Wala naman. Napasobra lang ng inom.

Jade

Alam mo namang bawal yun diba? Buti nalang, tinawag tawagan ko ng paulit ulit sina batchi para ihatid ka dito sa ospital. Buti nga at sumagot din sya. Hinahanap ka nga nila kagabi. Sabi ko kasama kita.May plano ka ba talagang mag suicide?

Althea

Sorry.

Jade

Nako. Kung jowa lang kita, namura na kita.

Biglang nagpantig ang tenga ni Althea sa kanyang narinig nastuck na ito sa kanyang isipan.

Althea's mind

Sana lang no?hais pero impossible yung sinasabi mo sa akin Jade. L

Biglang dumating sina Wila at Batchi sa kwarto ni Althea at agad naman itong kinamusta.

Wila

Kamusta, lokaret naming kaibigan? Kamusta naman ang page-emote mo kagabi?

Althea

Sorry hindi na mauulit yun

Batchi

Hindi na talaga mauulit yun. Buti nalang at tinawagan kami ni Jade. Hais

Althea

Sorry na talaga guys.

Batchi

Nako. simula ngayon, ipababantay ka na naming kay Jade.

Althea

Kaya ko naman eh

Wila

Yan ka nanaman eh. Tigas ng ulo mo. Kung naging tayo pa, eh sana hindi ka nagkakaganyan.

Althea

Shut up Wila.

Batchi

Yan na naman tayo eh. Mahiya nga kayo kay Jade.

Jade

Uhmm ok lang. gusto nyo ng food? Pwede akong bumili sa baba.

Wila

Sorry pero may dala kaming pagkain para sa kanya.

Batchi

Wila... Tigil mo na. nagsisimula ka nanaman eh.

Wila

Bakit?

Althea

SHUT UP WILA?! HINDI KA NAKAKATULONG SA PAGGALING KO.

Biglang pumasok ang doktor para tignan ang kondisyon ni Althea.

Doktor

Oh, gising ka napala.

Wila

Kamusta naman sya dok?

Doktor

Well, ok naman sya pero magkaroon lamang sya ng minor fractures.

Kailangan lang natin syang bigyang ng pahinga para magkaroon ng mabilis na recover sa neck injury nya.

Kailangan parin naming syang iobserve ng 3 weeks. Pero pwede ka narin namang umuwi bukas ng hapon.

Batchi

O ayan, ibig sabihin nyan. Wag ka munang mastress. Doon ka muna sa bahay at magpahinga ok?

Althea

Paano ang klase ko?

Doktor

Advisable naman pero huwag mo lang pagurin ng husto ang sarili mo.

Althea

Sige po dok.

Jade

Sige po dok. Salamat po.

At nagpaalam na din ang doktor sa kanila. Medyo na imbyerna si WIla kay Jade.

Masyado itong paimpress kay Althea at nagpasya na lamang itong umalis ng kwarto.

Nagpaalam na din si jade na uuwi na ito ngunit pingilan naman ito ni Althea.

Jade

Sige alis na ko

Althea

Maari mo ba akong samahan muna rito sa silid na ito para ako'y alagaan?

Jade

Ano?!

Althea

Sabi ko, pwede ka bang pumarito muna?

Jade

Ok, pero mga 2 hours lang at may mga kliyente pa ko ngayong araw.

Althea

Salamat.

Jade

Pasalamat ka kung 'di ka lang cute eh.

Althea

Ano?

Jade

Wala. Batchi, magsi-cr lang ako.

Batchi

Sige

Pumasok muna si Jade sa CR para umihi habang si Batchi naman ay panay asar sa kanyang kaibigan.

Batchi

Banat mo huh? Kagabi emo ka, tapos ngayon kinikilig ka? Adik ka ba?

Althea

Oo

Batchi

Ewan sa'yo. Ipapalit na kita ng damit. Tulungan na kitang bumangon.

Mean while sa loob ng cr..

Halos di maitago ni Jade ang ngiti sa kanyang mga labi na nais rin nyang makasama ang crush nya sa ospital. Makakasama at maalagaan nya ang kanyang pinaka mamahal na crush.


Ang Bokalista Kong Prof(Rastro/jathea Fanfic Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon