"Ehem!" Mabilis na naitulak ni Red si Rostov nang marinig ang pagtikhim. Pinamulahan nang husto si Red nang makita si DoÔa Conching. The old woman was smiling mischievously.

"Mabuti pa'y sa silid ninyo na ituloy ang lambingan niyong mag-asawa at baka magkasunog pa rito." Lalong namula si Red. What does she mean? Dahil ba sa hot scenario na nadatnan nito kaya nito nasabi iyon?

Ngumuso ang donya. Sinundan ni Red ng tingin ang inginunguso nito.

"Oh my God!" Bulalas niya at nagmamadaling pinatay ang kalan dahil sa nasusunog na ang Bacon.

"I'm so sorry. Uulitin ko na lang po," natatantang sabi niya.

"Bacon na nga lang nasunog pa. Nakakahiya." Malapad na napangiti ang mag-lola habang nakatingin kay Red na natataranta.

"She was very beautiful. I'm sure if your genes will combine you will produce the best offspring." DoÔa Conching said and Rostov chuckled.

"Don't worry, Lola, bibigyan kita ng maraming naggagandahan at nagguguwapohang mga apo."

"Aasahan ko 'yan, Apo."

Natigilan si Red nang pagharap niya sa maglola ay parehas na nakangiti habang nakatingin sa kanya. Nakakailang nang sobra ang ginagawang pagtitig ng dalawa.

PAGKATAPOS mag-almusal ay nagyaya si Rostov na pumunta ng resort. Kasalukayan silang nasa sala at kausap ang Donya nang dumating naman si Rica.

"Hi, everyone!" Magiliw nitong bati. Nawala agad ang ngiti na kani-kani lang ay nakapaskil sa mga labi ni Red.

"Hi, Rica," bati ni DoÔa Conching. Nagbeso ang dalawa.

"What brings you here?" si DoÔa Conching.

"Abuela, can I borrow my Rostov?" binalingan ni Rica ang mag-asawa.

"Hi, Red," Rica gave a peck on her cheek. Ikinawit nito ang kamay sa braso ni Rostov.

"Red, can I borrow my babe? Papasama lang akong mamasyal sa resort nila. Na-miss ko na kasi ang tagpuan namin ni Rostov eh," ubod nang lambing na sabi ni Rica.

"Pupunta kami ni Red, gusto mo sumama ka na lang," si Rostov.

"Aw! Gusto ko sana tayo lang eh. Haven't you missed me? 'Yong pagtatampisaw natin at paghahabulan sa dalampasigan hindi mo ba na-miss?"

"I missed that too, Babe. Mamaya na lang tayo mamasayal. Ipapasyal ko muna si Red." Bumitaw si Red mula sa pagkakahawak sa braso ni Rostov. Parang kumulo ang dugo niya sa narinig mula kay Rostov.

"Kayo na lang ang mamasyal. I'll stay here na lang." Walang kangiti-ngiting sabi ni Red.

"No. Nakakahiya naman sa 'yo, Red, wife before ex," sabi ni Rica na ikinatawa ng lahat na lalong ikinairita ni Red. Hindi ba alam ng lahat na nakaka-offend 'yon sa parte niya.

"Exactly! I'm the wife, and you're an ex. Hindi mo ba alam na hindi maganda ang ginagawa mo. You offended me. You were flirting with my husband." Binalingan ni Red si Rostov.

"And you. May gana ka pa talagang sabihin na sasamahan siya. You even called her 'Babe' for God's sake, Rostov!" Red self-contol slipped. Lahat ay napatanga sa naging asta niya. May karapatan naman siya dahil sa mata ng lahat ay asawa siya.

Dealing with My Ex's Twin (Published under RedRoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon