Chapter Five

192K 5K 424
                                    

NAPAPANGITI si Red habang tumutulong sa pagluluto kay Nana Julieta

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAPAPANGITI si Red habang tumutulong sa pagluluto kay Nana Julieta. Naalala niya kasi ang pangyayari kagabi. Hindi niya alam kung ano'ng sumagi sa isip niya at bigla na lang niyang ginagawa ang gan'ong bagay kay Rostov. Nang maramdaman niya ang pagtabi sa kanya ni Rostov ay bigla na lang siyang pumihit pahara sa lalaki at sinadya niyang haplusin ang katawa nito. She hesitated to touch his private part but eventually the naughtiness struck her kaya sinapo niya iyon. Sobra ang kabog ng dibdib niya ng gawin niya iyon. Na-curious siya kung talagang hindi ito titigasan sa haplos niya. Pero gusto niyang matawa nang sobrang tigas ng pagkalalaki ni Rostov. Naramdam pa niyang kumibot iyon. Parang gusto pa niyang pisilin pero hindi na niya ginawa. Pero ang laki ng alaga nito.

"Grabeng laki, talaga," wala sa loob na naiusal niya.

"Alin ang malaki, Senyorita?" para siyang nahimasmasan nang magsalita si Nana Julieta.

"Ho? Um.. ang laki ng talong?" alanganin niyang sagot nang makita ang talong na ginagayat ni Nana Julieta.

"Parang hindi naman malaki 'to," komento ni Nana Julieta. Hindi naman kasi iyon malaki.

"Ano'ng malaki?" bigla ang pagsulpot ni Rostov, yumakap ito sa mula sa kanyang likuran. Ipinatong pa nito ang baba sa kanyang balikat.

"Malaki raw ang talong sabi ni Senyorita," sagot ni Nana Julieta. Pinihit siya paharap ni Rostov.

"Malaki ba?" Napayuko siya, bigla siyang nahiya. Napasinghap siya nang bigla siyang yakapin ni Rostov. Hindi niya iyon inaasahan.

"Tinulugan mo ako kagabi. Sabi ko sa 'yo mag-uusap tayo 'di ba?"

"Pasensiya na, medyo napagod ako sa pamamasyal namin ni Dara kahapon kaya paglapat ng likod ko sa kama agad akong nakatulog."

Bumitaw ito mula sa pagkakayakap. Hinaplos nito ang pisngi niya. Pigil ang kanyang paghinga ng bumababa ang mukha nito at kinintalan siya ng isang napakapinong halik sa labi. Ano bang ginagawa niya? Ang galing-galing umarte ng lalaking 'to. Kahit yata sinong makakakita sa ka-sweetan nito ay maniniwala ng talagang mag-asawa sila.

Tumingin si Red kay Nana Julieta na abala pa rin paggagayat saka inilapit ang sarili kay Rostov. "Kailangan talagang maging ganito ka?" bulong niya rito.

"Ano ba ako?"

"Yakap ka nang yakap at halik nang halik," ngumisi ito. That smirk made him more handsome. Inakbayan siya nito saka naglakad palayo sa kusina.

"Sabi ni lola, kapag naging mabuti akong asawa sa 'yo ibibigay na niya ang mana sa 'kin. Ayaw mo ba n'on? Kapag nakuha ko na ang mana ko matatapos na rin 'to." Sabagay, may point naman ito.

"Sana lang 'wag mong ipakita sa lola mo ang badside mo kapag tayong dalawa lang." Bumuntong-hininga ito.

"About that.. I'm sorry, I didn't mean it—"

"It's okay. Nagpapakatotoo ka lang. Hindi ako ang klase ng babae na matitipuhan mo. My vital statistic is 34-24-36, which is not ideal figure ng mga kalalakihan dahil ang tipo mo ay ang mga katulad ng kay Ayanna at ng dalawang kana sa resort na halos utong na lang ang natatakpan ng mga top nila." Tuloy-tuloy na sabi ni Red. Natawa si Rostov. Tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya. Hinawakan siya magkabilang balikat at pinakatitigan.

Dealing with My Ex's Twin (Published under RedRoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon