Chapter 6 'What?

136 3 0

Chapter 6

What?

"Classmates! nandito na sa atin ang mga listahan para sa mga sasali sa mga bawat laro ng festival natin! Isulat niyo na lang ang mga pangalan ninyo kung saan niyo gustong sumali .." sabik na sabik na sabi ng kaklase nilang si Myra.

"Kyle! dali punta na tayo doon! para maging una tayo sa listahan! dali! halika na!" hinila ni Eliza ang kamay ni Kyle. Mahilig talaga si Eliza sa mga laro lalo na kung School festival na .. Sa lahat ng mga activities sa school, ito ang pinakagusto niya.

"Sandali lang naman! masyado ka namang excited e!!" sigaw ni Kyle

"Teka! TEKA! sino ang gusto ninyong ipambato natin para sa Ms. Yung An ng school natin.." sabi ng isa nilang kaklase.

"Ang ipambabato natin ay walang iba kundi si ELIZABETH FRANCES! . agree naman lahat diba?"

"Oo! agree ang lahat!"

"OO... tama .. siya nga dapat .." pagbubulungan ng mga magkaklase ..

"Uy .. ikaw .. ikaw na ang ipanlalaban namin ha .." sabi ni Kyle kay Eliza.

"O sige .. sige na . payag na ako .." wala namang nagawa si Eliza

"Okay! mga classmates! Para sa Ms. Yung An ay si Eliza na ang sasali..!"

Tuwang tuwa naman ang lahat ...

"Buti pumayag ka na ikaw na yung isali namin sa Ms. Yung an contest.."

"Wala na akong magagawa e .. tsaka kaw na rin nagsabi na ko na, edi pumayag na ako .."

"Pero kung ayaw mo, huwag mong pilitin ang sarili mo ah .."

"gusto ko naman e .. dahil gusto mo din .."

"Siguirado kang hindi dahil napilitan ka lang at lalo na sa akin?"

"Hindi . promise."

"Okay .. sabi mo e.."

"Mga kaibigan, andito na tayo sa pinakahihintay nating event, ang MS. YUNG AN HIGH!.." nagsimula na ng program.

"At ayon sa inyong mga boto .. Ang nanalo ay si .."

Tahimik, ang lahat ..

"Si Elizabeth Frances!"

"Yes!" nagsigawan ang lahat. Tila lahat sila ay tuwang-tuwa sa pagkakapanalo ni Eliza.

Papunta na sa harapan si Eliza nang bigla siyang bumagsak ..

Nagulat ang lahat.. Agad -agad namang tumakbo papunta sa stage si Kyle upang puntahan si Eliza.

"Eliza ..Eliza! ayos ka lang ba?" pag-aalalang tanong ni Kyle.

Si Eliza ay walang malay kaya agad-agad niya itong dinala sa clinic ng kanilang eskwelahan.

"Okay .. Kyle, titignan na muna namin ang kalagayan niya .. Dumito ka muna." sabi ng school doctor.

Nagdasal si Kyle. Please, sana naman po ayos lang siya..

Lumabas na nag doctor .. "I'm sorry pero kailangan na natin siyang dalhin sa ospital ."

Nagmadali silang dalhin sa ospital si Eliza.

"Doc, tulungan niyo ho siya .. Iligtas niyo po siya .." sabi ni Kyle habang umiiyak at di na malaman ang gagawin. Hindi ko alam ang phone number ng Mom at Dad ni Eliza . Anong gagawin ko?Ah tatawagan ko na lang ang kaibigan niya ..

"Hello ? Jen, ako ito, si Kyle .. may phone number ka ba ng Mom and Dad ni Eliza? Nasa ospital kasi siya .. "

"Naospital ? Bakit? O sige , pupunta na lang ako diyan at tatawagan ko na rin parents niya . teka, saang ospital ba?.." sagot ni Jen.

"Sa ospital malapit sa may eskwelahan natin ,.."

"Okay.Okay. darating ako agad kasama ng parents ni Eliza.. Bye."

At lumabas na ang doctor .."Malubha ang kalagayan ni Eliza ngayon .. May Wilson's disease siya . I'm sorry."

"Wilson's disease? " tanong ni Kyle.

"Doc, Doc, ano na pong kalagayan ng anak ko?" biglang dumating ang Dad ni Eliza.

"May Wilson's disease po siya . I'm sorry Sir. It's an autosomal recessive genetic disorder in which copper accumulates in tissues; this manifests as neurological or psychiatric symptoms and liver disease."

"Ano pong kailangan naming gawin para malunasan ang sakit na iyon?" tanong ni Kyle.

"It is treated with medication that reduces copper absorption or removes the excess copper from the body, but occasionally a liver transplant is required"

"Ako na lang po Doc, Idodonate ko po ang liver ko para sa anak ko .." sagot ng Dad ni Eliza.

Okay, itetest pa po natin .. Sumunod po kayo sa'kin ..

Just love Me by EuniceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!