Chapter 3 'It's him ....

182 3 0

--------------> Elizabeth Frances :)

Chapter 3

It's him ....

Maya-maya ay umalis sandali si Jake upang kumuha ng makakain at saka naman lumapit si Kyle kay Eliza.

"Hi .. Eliza .. ayos ka lang ba?" tanong ni Kyle

Tumingin si Eliza kay Kyle na may mga malulungkot na mga mata na lumuluha.

Naawa si Kyle kay Eliza at gustong gusto na niya itong yakapin ngunit ang nasa isip niya ay hindi pwede dahil may iba na tong mahal at hindi siya iyon .. kaya ang nagawa na lamang niya ay ang tabihan si Eliza habang ito ay umiiyak.

Biglang dumating si Jake at nadatnan niya si Kyle sa tabi ni Eliza ,buti na lamang ay hindi nga binalak gawin ni Kyle ang kanyang nasa isip kanina.

"Hi, parang kilala kita ..ikaw yung waiter sa birthday party ni Eliza? tama?"tanong ni Jake.

"Ah ..hello.. oo ako nga ... "sagot ni Kyle

"Ah, and you're?"Tanong ni Jake..

"I'm Kyle ... nice meeting you"

"Nice meeting you too and I'm Jake , boyfriend ni Eliza.."pagmamalaking sinabi ni Jake.

Biglang nag-ring ang phone ni Jake .."Hello sir, may important meeting po na pinatawag ang dad niyo, kailangan na daw po niya kayo ngayon .."

"Okay, Okay, " ... pumayag si Jake kahit na ayaw niyang iwanan si Eliza na nagluluksa ngayon.

"I'm sorry Eliza but I need to go now .. I'll be back later ... I promised .. Okay?" nagpaalam si Jake sa minamahal niya

"Okay , Jake , I understand .." nasabi n lamang ni Eliza.

Sa pagkakataong iyon, si Kyle ay dinamayan na si Eliza ng lubusan ...

At lumabas naman ang nurse at sinabi ang masamang balita na nagdala ng matinding sakit sa damdamin ni Eliza,

"Kayo po ba ang kamag-anak nina Mr. and Mrs. Frances?"

"Oo, ako nga ...kamusta na po sila?" tanong ni Eliza habang umiiyak.

"Wala pa po silang malay ngunit ligtas nman po sila sa kapahamakan kaya wag po kayong mag-alala .."sabi ng nurse

"Salamat po nurse.."nabawasan ang lungkot ni Eliza

Pumunta sina Eliza at Kyle sa simbahan sa ospital ..

Sila'y nagdasal at nagpasalamat sa Diyos ...

Pagkalipas ng ilang linggo ay hindi pa rin nagigising ang mga magulang ni Eliza at hndi pa rin nagpapakita kay Eliza si Jake kaya si Kyle lamang ang tanging nasa tabi nito.

"Kyle,thanks ... "pagpapasalamat ni Eliza

"Ano ka ba?hindi ba magkaibigan na tayo ..kaya dapat lang na damayan kita sa mga problema mo .."sabi ni Kyle

"Ngunit ...noong una pa lang tayo magkita ay tinarayan na kita tapos ganito pa ang isinukli mo sa akin ..npakabait mo naman .." papuri ni Eliza

"Wala iyon ..tara ..labas muna tayo.."inalok ni Kyle si Eliza na magsaya muna ..

"Labas?o cge! "bigla namang nabuhayan si Eliza.

Humalik na siya sa mga magulang niya at umalis..

Sila'y pumunta sa isang amusement park .. naglaro ..kumain ..

"Hay..kapagod yung mga ginawa natin ... Salamat! ngayon lang din ako sumaya ng ganito .." natutuwang sabi ni Eliza .

"Haha! tuwang tuwa ka ah! walang anuman! salamat din pala sa'yo ngayon ko lang kasi ulit naranasan to .."sagot ni Kyle

"Ngayon lang ulit?bakit?"pagtatanong ni Eliza

"2 yrs ago na kasi ang lumipas nung nakasama ko mga kapatid ko at nakasama ko ang ex-girlfriend ko .." nalulungkot na sagot ni Kyle ..

"ganun ba? ..haha!tawa na diyan!tama na yang drama!!! andito tau para magsaya muna!!!!!!! "

sinubukan ni Eliza na patawanin si Kyle

"I'm sorry .. di ko lang mapigilang malungkot at eto nga napapaiyak na ko ...I'm sorry .."

Pinunasan ni Eliza ang mga luha ni Kyle at sinabing ..

"Wag ka ng umiyak ...ano bang magagawa ko para sumaya ka na? ..

"Yakapin mo ako ...yakap lang ayos na.." sabi ni Kyle

Nagkatinginan sila na para bang tumigil ang oras at saka biglang niyakap ni Kyle si Eliza .

"Okay lang yan .. sige iiyak mo lang ..nandito lang ako para sa'yo tulad mo na nandiyan lagi para sa'kin ... "

-----Hindi nila alam kung bakit pero ang alam nila kailangan nila ang isa't isa ..----

May isa namang lalaki ang nakatago sa isang poste at kinunan ng litrato ang dalawa ..

Just love Me by EuniceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!