Mama. Nagising ito. Matalino ang tala, kung hindi ko nababanggit. Una sa klase. Isa sa mga paborito kong gawin ay ang makinig sa guro nya sa eskwelahan, sa mga kwento nito kung gaano nangunguna at nangingibabaw sa iba pang talang kasama sa maliit na kalawakang pinagsasaluhan. Maari sana'y manahin mo ang lahat maliban sa hindi pag-unawa ng mga magulang mo sa sitwasyon mo ngayon. Mama, papasok ka sa school?

Yes, baby.

Hindi ko alam kung paano ko sya tatanungin, kung paano ko ipaiintindi ang nais kong iparating. Caius?

Po?

'Di ba si Nica? 'Yung classmate mo, uhm... hinahatid sya ni Daddy nya?

Opo.

Tapos 'yung naghahatid sa iba mong kaklase, Mommy at Daddy nila?

Opo, Mama.

Nginitian ko sya, kahit pupungas-pungas pa ang bata. Gusto mo rin makilala si Daddy mo?

Matagal akong tinitigan ng tala, tila inoobserbahan ang mukha ko kung sakaling may mababanaag. Hindi ko alam kung anong namagitan sa amin noong mga panahong iyon; tinitigan ako ng bata, kahit mura pa ang edad, na parang iniintindi kung nasaan man ako. Parang may koneksyon na hindi ko maipaliwanag; napakaraming misteryo ng kalawakan na hindi ko kailanman masasagot. Mama.

Oh?

Ngumiti ito pabalik at niyakap ako ng mahigpit. Masaya na po ako sa inyo ni Tito Kiel.

At noong niyakap ko sya pabalik, doon ko natanggap ang kahulihang sagot na kailangan ko.

Hinatid ako ni Ezekiel papasok ng eskwelahan. Nagsimula na kami ulit mag-usap kagaya ng dati. Malapit na ulit kami. Pinag-usapan nga namin iyong babaeng ka-blind date nya, ngunit sumagot lang sya ng: You're still you, Maine. Hinawakan nya iyong kamay ko. Hindi ko rin alam kung paano ko pa rin nagagawang habulin ang isang buwang iba naman ang mundong iniikutan.

Hindi ako nakasagot. Sabagay; marami naman akong bagay na iniiwasan, ngunit ngayong umaga, gusto ko nang harapin.

Maine. Pinisil nya ang kamay kong hawak ko pa rin. Run away with me.

Natigilan ako. Natigilan ako sa sinabi nyang iyon at napatulala sa mga mata nya at napansin ang mahahaba nyang pilik. Narinig ko na ang mga katagang iyon, limang taon na ang nakakaraan mula sa mundo – hindi nga lang nangyari at imposibleng mangyari pa.

A-ano?

Tumigil ito sandali. Nag-park. Nag-isip kung paanong sasabihin. Inipon ang sarili. Maine. Panimula nito. I waited for you... for years.

Hinintay kita kahit alam kong walang kasiguraduhan, ng walang hinihinging kapalit, dahil akala ko, magiging masaya na ako na nandyan ka lang. Na nandyan lang kayo ni Caius. Kayo ang pamilya ko, eh. Tumingin ito sa harapan at iniwasan ang mga mata ko. But a man could only endure so much.

Honestly, I've arranged flights. Napatungo ito, tila nahihiya. I've arranged and cancelled flights. Bought and sold properties overseas... all with the plans of... leaving you.

Lumunok ito, tila nagpipigil ng kung anong hindi ko matanto. But I always end up feeling guilty, Maine. I always end up feeling guilty. Naobserbahan kasi kita, eh. Defense mechanism mo 'yan, 'yang... pag-alis-alis mo. You left Richard years ago dahil natatakot kang maiwan din sa ere. So you end up leaving someone first, dahil iniisip mong hindi masakit, para mas kaunti ang sakit.

But that's not true, Maine. Tumingin sya sa akin. The ones who end up leaving first are always the ones afraid to let go of what they shared fully. I don't want to be the same. Ayokong iwanan ka. Ayokong... iwanan kayo ni Caius because I don't think you'd make it.

The Devil Who Danced At MidnightWhere stories live. Discover now