Simpleng Tulad Mo: Loisa's real indentity

Start from the beginning
                                    

"Narinig ko kay Loisa aalis na ng bansa si Grae next week. Para makalimutan si Elle at para makalimutan na siya ni Elle. At para kausapin na din yung parents niya."si Joshua

"Hindi naman sa sinisisi ko yung parents ni Barbie at Grae pero kasi kung hindi nila pinipilit yung dalawa na ipakasal hindi naman mangyayari 'to e."si Kenzo

"Ang daming problema ng barkada ngayon. Ewan ko kung pa'no natin 'to lahat mareresolbahan."si Joshua

"Ngayon pang malapit na naman ang pasukan niyo."si Joseph

"Matatapos din naman lahat ng 'to e."si Bailey

"Hindi nga lang natin alam kung kailan, at sa kung paanong paraan. Parang walang katapusan 'tong mga problema natin e."si Joshua

"Buti nga kayo ni Loisa wala e dahil tanggap na kayo ng mga parents niyo."si Kenzo

"Kung magsalita ka naman parang hindi kayo okay ni Kamille, okay naman kayong dalawa diba?"si Joseph

"Sa parents at kaibigan wala kaming problema, pero sa mga karibal meron. Kinukulit pa rin ako ni Madison e, at etong si Kyle paniguardong gagawa ng paraan."si Kenzo

"Paraan?"si Bailey

"Paraan para maagaw si Kamille sakin. At syempre di ko naman hahayaang mangyari yon."si Kenzo

"Mahal ka ni ate Kamille bro, at sigruado ako na hindi ka niya kayang ipagpalit sa Kyle na yon kaya wag ka ng mag-alala."si Joshua

"Tama si Joshua kung ipagpapalit ka e hindi kayang gawin nun."si Joseph

"Alam niyo we should just play PS4! Nakakabagot mag-isip ng solusyon sa problema nating lahat and in an hour pupunta na tayo kela Kamille."si Kenzo

"Mabuti pa!"si Bailey


Madaling lumipas ang isang oras nagpunta na ang boys sa bahay nila Kamille at kumain na ng lunch sa may garden.

"Dami niyo naman atang niluto e tayo tayo lang naman ang kakain neto."si Kenzo

"Oo nga baka naman mamaya niyan e hindi na kami makatayo niyan sa sobrang kabusugan."si Joshua

"Oh guys si Coleen nagluto ng kare-kare kaya kung ako sa inyo e higpitan niyo na yang mga sinturon niyo dahil siguradong mamumutok kayo sa sobrang sarap neto."si Joseph

"Nambola pa, kaya marami kaming niluto para naman pwede kayo mag-uwi."si Coleen

"Oo nga pwede niyong iuwi yan kela tito Carlos at tita Demi. Pati na rin kay Elle."si Barbie

"E kung sa'tin palang ata e sobra-sobra na 'to what more kung isama natin sila tito, tita at Elle diba."si Bailey

"Kaya nga mag-uwi kayo."si Loisa

"Oh tara kain na tayo. Pero syempre bago tayo kumain magdasal na muna tayo."si Kamille

"Oo nga naman!"si Kenzo

"Ang daming problema ng barkada ngauon kaya dapat lang na humingi tayo ng guidance sa kanya at magpsalamat sa lahat ng blessings na binigay niya sa ating lahat."si Coleen

"Si kuya Joseph na lang siguro mag lead."si Loisa

"Okay. In the name of the Father, of the Son, and of the Holy Spirit Amen, Dear God we thank you for giving us this opportunity to be together and to eat together. Thank you din po sa lahat ng blessings na pinagkaloob niyo samin araw-araw. Bigyan niyo po kaming lahat ng lakas para harapin ang mga problemang nakapaligid saming lahat. Bigyan niyo po ng lakas si Elle para makabangon muli sa sakit na nararamdaman niya. Sana gabayan niyo po ang bawat pamilya namin, ang bawat kaibigan at bawat kamag-anak namin. Patuloy niyo po sanang bigyan ng kasiyahan ang relasyon ni Joshua at Loisa, Kenzo at Kamille, Barbie at Bailey, at lalo na po ang magiging relasyon namin ni Coleen. Alalayan niyo rin po kaming lahat sa mga problemang dumadating samin. Bigyan niyo po ng lakas si Barbie at si Bailey na lumaban para sa pagmamahal nila sa isa't isa. Bigyan niyo po ng walang kapantay na kasiyahan si Joshua at Loisa at ang mga taong nakapaligid sakanila. Bigyan niyo rin po sana ng katahimikan ang relasyon ni Kenzo at Kamille at ilayo sa mga masasamang loob. Bigyan niyo po sana ako ng lakas para mapunan ko lahat ng pangako ko kay Coleen. Muli po, Lord nagpapasalamat po kami sa lahat lahat. Amen."si Joseph

Simpleng Tulad Mo *EDITING*Where stories live. Discover now